Ang page na ito ay na-archive at hindi na ito aktibong mine-maintain ng FCC. Para sa impormasyon sa kung paano i-rescan ang iyong over-the-air TV antenna, bisitahin ang fcc.gov/rescan-tagalog.

Magpapalit ang ilang lokal na istasyon ng TV sa mga lungsod sa buong U.S. ng kanilang mga over-the-air broadcast frequency mula ngayon at hanggang Hulyo 2020.

Kakailanganin ng mga taong nanonood ng libreng over-the-air television gamit ang isang antenna na muling i-scan ang kanilang TV set sa tuwing lilipat ang isang istasyon para patuloy na matanggap ang lokal na channel. Pareho ang pag-scan na ito sa ginawa mo para makita ang iyong mga lokal na channel noong i-set up mo ang iyong TV o converter box sa unang pagkakataon. Maliban sa mga bihirang pagkakataon, walang kinakailangang bagong kagamitan o serbisyo.

Hindi kailangang muling mag-scan ng mga cable o satellite TV subscriber. Ang mga service provider ang gagawa nito para sa iyo.

 
Kinakailangan lang ang muling pag-scan ng mga taong tinatanggap ang kanilang mga lokal na channel gamit ang isang TV antenna. Hindi apektado ang mga cable at satellite subscriber.

 

Tree sa Pagpapasya sa Muling Pag-scan sa TV. Cable o Satellite: walang kinakailangang pagkilos. Antenna: muling i-scan ang iyong TV.

Ano'ng Nangyayari

Maraming over-the-air TV channel sa buong U.S. ang magpapalit ng mga frequency para makatulong na mapaluwag ang mga airwave para sa mga bagong high-speed na wireless na serbisyo. Hindi magbabago ang aktwal na numero ng channel sa iyong TV. Pagkatapos na muling ma-scan ang TV, tulad lang din ito nang dati.

Bakit Ito Mahalaga

Naaapektuhan ng pagbabago ng frequency kung paano natatanggap ang isang channel over the air ng iyong TV. Kung nanonood ka ng libreng over-the-air television gamit ang isang antenna, kakailanganin mong muling i-scan ang iyong TV set sa tuwing lilipat ang istasyon sa isang bagong frequency para matiyak na nakikilala ng iyong TV ang bagong frequency kapag lumipat ka sa channel na iyon.

Kailan Muling Mag-i-scan

Magpapalit ang ilang lokal na channel ng TV ng mga frequency ayon sa mga yugto sa kalagitnaan ng 2020. Gayunpaman, dahil paiba-iba ang panahon ng paglipat ng mga channel ng TV, maaaring kailanganin mong muling i-scan ang iyong TV set nang mahigit isang beses. Manatiling nakaantabay sa iyong mga lokal na channel para sa impormasyon kung kailan muling mag-scan, dahil bibigyan ng mga broadcaster ang mga manonood ng hindi bababa sa 30 araw na abiso.

Sumangguni sa aming interactive na TV reception map (nasa English) para ilagay ang iyong address at makita ang panahon ng pagpapalit ng frequency para sa karamihan ng lokal na channel sa iyong lugar.

Magpalit man ang iyong lokal na istasyon ng TV o hindi, magandang ideya na pana-panahong muling mag-scan – kung hindi mo pa na-scan ang iyong TV kamakailan, maaaring magulat ka sa kung gaano karaming istasyon ang available na ngayon.

Sumangguni sa aming mga tagubilin sa "Tandaang Muling Mag-scan" para malaman kung paano muling i-scan ang iyong TV.

FAQ: Ano ang dapat gawin ng mga consumer

Kailan lilipat ang mga channel?

Nagsimulang maglipat ang mga channel noong Abril 13, 2017. Dapat mong subaybayan ang mga broadcast ng lokal na TV para sa mga anunsyo ng pampublikong serbisyo, "mga crawl" na kumikilos sa ibaba ng iyong TV screen, at iba pang mga notification para malaman ang eksaktong petsa kung kailan lilipat ang isang channel sa iyong lugar. Kailangan ng mga istasyon na magpapalit ng mga frequency na magpakita ng na-update na impormasyon nang hindi bababa sa 30 araw bago ang kanilang paglipat. Maaari mo ring tingnan ang website ng FCC sa www.fcc.gov/media/engineering/dtvmaps para sa interactive map (sa English) na nagbibigay-daan sa iyong mailagay ang iyong address para makita ang panahon ng pagpapalit ng frequency para sa karamihan ng lokal na channel.

May kailangan ba akong gawing kahit ano para patuloy na makanood ng TV over the air?

Sa pangkalahatan, wala. Hindi mo kakailanganing bumili ng bagong TV o bumili ng converter box tulad ng maaaring nagawa mo sa paglipat sa digital television noong 2009. Kapag lumipat ang isa o higit pa sa iyong mga lokal na istasyon ng TV patungo sa isang bagong channel, ang tanging pagkilos na kakailanganin mong gawin ay muling i-scan ang iyong television set. Magbibigay ng abiso ang mga istasyon bago magkaroon ng naturang pagbabago; gayunpaman, kung mapansin mong may nawawalang channel anumang oras, maaaring dahil sa nakalipat na ito sa isang bagong numero ng channel. Kung gayon, maaaring gustuhin mong muling mag-scan para sa mga available na istasyon ng TV kung sakaling may mapalampas kang abiso. Para sa impormasyon kung paano muling mag-scan para sa mga channel, bisitahin ang aming gabay, na may kasamang video ng tagubilin, sa www.fcc.gov/rescan.

Kakailanganin ko bang bumili ng bagong antenna?

Sa napakabihirang pagkakataon, maaaring lumipat ang isang lokal na istasyon mula sa UHF channel patungo sa VHF channel, na maaaring makaapekto sa iilang manonood na mayroong UHF lang na TV antenna. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga over-the-air TV antenna, bisitahin ang aming gabay sa: www.fcc.gov/consumers/guides/antennas-and-digital-television.

Ipapalabas pa rin ba ng cable at satellite ang aking mga lokal na istasyon ng TV?

Pananatilihin ng mga istasyon ng Broadcast TV ang kanilang kasalukuyang pagtatalaga sa mga cable at satellite TV system para mapagpatuloy ang mga broadcast ng mga istasyon pagkatapos makumpleto ang proseso ng pag-auction.

Maaaring ilipat ng ilang istasyon ng broadcast TV ang kanilang mga pasilidad ng transmission bilang bahagi ng prosesong ito, na maaaring makaapekto sa kung aling mga lugar para sa TV na nagpapalabas sa kanila bilang mga "lokal" na istasyon. Kung lumipat sila sa katabing lugar para sa TV, maaari nitong maapektuhan kung aling mga cable at satellite system ang nagpapalabas sa kanilang istasyon. Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong cable TV o satellite TV provider kung anumang oras ay hindi mo makita ang isa sa iyong mga lokal na istasyon ng TV sa kanilang mga system.

May mga tanong?