Ipinag-uutos ng mga panuntunan ng FCC sa ilalim ng Seksyon 255 ng Communications Act sa mga manufacturer ng kagamitan at provider ng serbisyo ng telekomunikasyon na gawing naa-access ang kanilang mga produkto at serbisyo para sa mga taong may mga kapansanan, kung handa nang maisagawa ang naturang pag-access. Kung hindi pa handang maisagawa ang pag-access, dapat ay gawing compatible ng mga manufacturer at provider ng serbisyo ang kanilang mga device at serbisyo sa mga peripheral na device at espesyal na ginawang kagamitan ng customer na karaniwang ginagamit ng mga taong may mga kapansanan, kung handa nang maisagawa ang naturang pagiging compatible.

Mga sakop na produkto at serbisyo sa ilalim ng Seksyon 255

Sakop ng mga panuntunan ng FCC ang lahat ng hardware at software na kagamitan ng network ng telepono at kagamitan sa mga telekomunikasyon na ginagamit sa tahanan o opisina. Kasama sa naturang kagamitan ang mga telepono, wireless na handset, fax machine, machine sa pagsagot, at pager.

Sakop ng mga panuntunan ng FCC ang mga pangunahin at espesyal na serbisyo ng telekomunikasyon, kabilang ang mga regular na tawag sa telepono, paghihintay ng tawag, pag-speed dial, pagpapasa ng tawag, tulong sa directory na mula sa computer, pagsubaybay sa tawag, pagtukoy ng tumatawag, call tracing, at umuulit na pag-dial, gayundin ang mga voice mail at interaktibong voice response system na nagbibigay sa mga tumatawag ng mga menu ng mga pagpipilian.

Mga Pagpapakahulugan

Naa-access: Itinuturing na naa-access ang isang produkto o serbisyo kung mayroon itong naa-access na input, kontrol, at mga mekanikal na function, pati na rin ng naa-access function ng output, display, at kontrol. Halimbawa, maa-access ng taong bulag o bingi ang isang pager na may mga kontrol sa audio at biswal para sa paglalagay ng impormasyon, gayundin ng mga pamamaraan sa audio at biswal para sa pagkuha ng mga mensahe.

Nagagamit: Upang masabing nagagamit ang isang produkto o serbisyo, dapat ay napag-aaralan ng mga taong may mga kapansanan ang tungkol sa mga feature ng produkto o serbisyo at mahusay dapat nila itong napapagana. Kasama sa kinakailangang ito ang pagbibigay ng access sa impormasyon at dokumentasyon ng produkto o serbisyo, kabilang ang mga tagubilin at gabay para sa user. Bukod pa rito, dapat magbigay ang mga kumpanya ng access na may katulad na function sa mga serbisyo ng suporta, gaya ng mga hotline at database ng teknikal na suporta, call center, center ng serbisyo, serbisyo ng pagkukumpuni, at serbisyo ng billing.

Compatible: Ipinag-uutos ng FCC na kapag hindi pa handang maisagawa ang pagiging naa-access, dapat gawing compatible ang isang produkto o serbisyo sa mga peripheral na device o espesyal na ginawang kagamitan, kung handa nang maisagawa ang pagiging compatible. Ang mga peripheral na device ay mga device na tumutulong na gawing naa-access ang mga produkto at serbisyo ng mga telekomunikasyon para sa mga indibidwal na may mga kapansanan. Ang mga halimbawa ay mga teletypewriter (mga TTY), visual signaling device, at amplifier. Upang magawa ang pagiging compatible, kinakailangan sa mga panuntunan ng FCC ang:

  • panlabas na elektronikong access sa lahat ng impormasyon at mekanismo ng kontrol
  • punto ng koneksyon para sa mga panlabas na device sa pagpoproseso ng audio
  • kakayahang kumonekta sa mga TTY
  • kakayahang gumamit ng mga signal ng TTY

Pagtukoy ng mga pangangailangan sa access

Dapat makibahagi ang mga kumpanya sa maraming aktibidad upang matukoy ang mga humahadlang sa pagiging naa-access at nagagamit. Halimbawa:

  • Kapag gumagawa ng pananaliksik sa merkado, disenyo ng produkto, pagsubok, mga pilot na demonstrasyon, at trial ng produkto, dapat isama ng mga kumpanya ang mga indibidwal na may mga kapansanan sa mga target na grupo para sa mga naturang aktibidad.
  • Nakikipagtulungan dapat ang mga kumpanya sa mga organisasyong nauugnay sa pagkakaroon ng kapansanan.
  • Dapat magsagawa ang mga kumpanya ng mga naaangkop na pagsisikap upang masubukan ang mga solusyon sa access sa mga taong may mga kapansanan.

Kailan dapat sinusuri ng mga manufacturer at provider ng serbisyo ang mga pangangailangan sa access?

Dapat suriin ng mga manufacturer at provider ng serbisyo ang pagiging naa-access, pagiging nagagamit, at pagiging compatible ng kanilang kagamitan at mga serbisyo sa pinakamaaga at pinakamadalas na magagawa sa kabuuan ng pagdidisenyo, pagbuo, at paggawa. Bukod dito, dapat suriin ng mga kumpanya ang kanilang mga produkto para sa pagiging naa-access sa bawat "karaniwang pagkakataon," kabilang kapag muli silang nagdisenyo ng mga produkto, nag-upgrade ng mga serbisyo, o nagsagawa ng malaking pagbabago sa pagsasama-sama sa mga package ng produkto at serbisyo. Ang mga pagbabago para sa layunin ng pagpapaganda na hindi nakakaapekto sa aktwal na disenyo ng produkto ay maaaring hindi na mangailangan ng muling pagsusuri sa access.

Kailangan bang suriin ng mga kumpanya ang lahat ng kanilang mga produkto at serbisyo para sa pagiging naa-access at nagagamit?

Oo. Dapat tasahin ang pagiging naa-access at nagagamit para sa mga indibidwal na produkto at serbisyo. Kung hindi gaanong mahirap o walang kahirap-hirap o gastos sa pagsasama ng mga feature ng pagiging naa-access sa disenyo ng mga produkto o serbisyo, dapat itong mailagay sa bawat produkto o serbisyo.

Paano matutukoy ng FCC kung aling mga pagkilos ang handang nang maisagawa?

Kinakailangan sa pamantayang "handa nang maisagawa" na madaling naisasama ng mga kumpanya ang mga feature ng pagiging naa-access nang wala gaanong hirap o gastos. Sa pagtukoy kung ano ang handa nang maisagawa, dapat balansehin ng mga kumpanya ang mga gastos at uri ng access na kinakailangan sa kanilang mga magagamit na mapagkukunan. Kakailanganin ng mga kumpanyang may maraming mapagkukunan na gumawa ng higit pa upang makapagtamo ng access kaysa sa mga kumpanyang may mas maliliit na budget.

Magsasagawa ang FCC ng mga pagpapasyang handa nang maisagawa ayon sa kaso.

Sakop ba ng mga panuntunan ng Seksyon 255 ng FCC ang arkitektura ng network?

Bukod sa pagsakop sa kagamitan at mga serbisyo, iniaatas din ng mga panuntunan ng FCC na maidisenyo ang arkitektura ng network sa paraang hindi makakahadlang sa pag-access ng mga taong may mga kapansanan. Sinasakop ng arkitektura ng network ang public switched telephone network, at kasama rito ang mga database ng hardware o software na nauugnay sa pagruruta ng mga serbisyo ng mga telekomunikasyon.

Paano ako makikipag-ugnayan sa mga manufacturer at provider ng serbisyo tungkol sa mga alalahanin sa access?

Bagama’t hindi kinakailangang gawin, maaari kang makipag-ugnayan sa manufacturer o provider ng serbisyo bago maghain ng reklamo sa FCC. Dapat ibigay ng mga provider ng serbisyo ng mga telekomunikasyon at manufacturer ng kagamitan sa FCC ang pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng tao (o mga tao) sa kanilang mga kumpanya na may pahintulot na lumutas ng mga reklamo sa pagiging naa-access. Ginagawang available ng FCC ang impormasyong ito para sa mga consumer na gustong makipag-ugnayan nang direkta sa kinatawan sa customer care (pangangalaga sa customer) ng kumpanya hinggil sa mga tanong, alalahanin, o reklamo sa pagiging naa-access. Mahahanap mo ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na ito sa website ng FCC, sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa dro@fcc.gov, o sa pamamagitan ng pagtawag sa 202-418-2517 (voice) o 202-418-2922 (TTY).

Paghahain ng reklamo sa FCC

Upang maipatupad ang Pagiging Naa-access ng Mga Komunikasyon at Video sa Ikadalawampu’t Isang Siglo (Twenty-First Century Communications and Video Accessibility Act, CVAA), binago ng FCC ang paraan nito ng pangangasiwa sa mga reklamo tungkol sa access sa mga serbisyo at kagamitan sa mga telekomunikasyon.

Bago maghain ng hindi pormal na reklamo, dapat humingi ng tulong ang mga consumer na may mga kapansanan (o ang kanilang mga kinatawan) mula sa Disability Rights Office ng FCC. Makikipagtulungan ang Disability Rights Office sa consumer at sa kumpanya sa loob ng hindi bababa sa 30 araw upang subukang lutasin ang problema sa pagiging naa-access.

Ang pinakamainam na paraan ng pagbibigay ng impormasyong kinakailangan ng Disability Rights Office upang matulungan ka ay kumpletuhin online ang Paghiling ng Tulong sa Pakikipagdiskusyon (RDA Form sa wikang Ingles). Maaari mo ring i-download o i-print ang RDA Form sa wikang Ingles. Kung gagamitin mo ang huling nabanggit, kumpletuhin at isumite ang iyong na-download/na-print na kahilingan at anumang pansuportang dokumentasyon sa Disability Rights Office sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa dro@fcc.gov (sa wikang Ingles), pag-fax sa 202-418-0037, o pagpapadala sa pamamagitan ng koreo sa:

Federal Communications Commission
Consumer and Governmental Affairs Bureau
Disability Rights Office
45 L Street NE
Washington, D.C. 20554

Kung hindi ka makakakuha o makakagamit ng RDA Form, dapat ay kasama sa iyong paghiling ng tulong ang sumusunod:

  • iyong pangalan, address, numero ng telepono, at email address
  • kung wala kang access sa pakikipag-ugnayan sa telepono o email, ang iyong gustong paraan ng pakikipag-ugnayan
  • ang pangalan ng manufacturer o provider ng serbisyo
  • ang uri ng device, numero ng modelo, at anumang kaugnay na software
  • kailan mo nabili, nakuha, o nagamit (o sinubukang bumili, kumuha, o gumamit) ang serbisyo o kagamitan
  • kailan mo nalaman ang tungkol sa problema sa pagiging naa-access
  • sa paanong paraan mo hindi naa-access o nagagamit ang serbisyo o kagamitan
  • kung nakipag-ugnayan ka sa kumpanya tungkol sa iyong problema sa pagiging naa-access, paano tumugon ang kumpanya
  • ang gusto mong gawin ng kumpanya upang malutas ang iyong problema sa pagiging naa-access
  • anumang iba pang impormasyon o dokumentasyon na sa tingin mo ay maaaring makatulong sa paglalarawan o paglutas ng iyong problema sa pagiging naa-access

Magtatalaga ng numero ng kaso sa iyong Paghiling ng Tulong sa Pakikipagdiskusyon. Kung hindi malulutas ang iyong problema sa pagiging naa-access sa loob ng 30 araw, may dalawa kang opsyon:

  • maaari kang humiling ng karagdagang 30 araw para sa tulong na subukang lutasin ang iyong problema sa pagiging naa-access; o
  • maaari kang maghain ng hindi pormal na reklamo tungkol sa problema sa pagiging naa-access sa Enforcement Bureau ng FCC.

Upang humiling ng karagdagang 30 araw o maghain ng hindi pormal na reklamo, makipag-ugnayan sa Disability Rights Office sa 202-418-2517 (voice) o 202-418-2922 (TTY), sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa dro@fcc.gov, pag-fax sa 202-418-0037, o pagpapadala sa koreo sa address na nasa itaas. Kakailanganin mong ibigay ang iyong apelyido, zip code, at ang numero ng kaso ng iyong Paghiling ng Tulong sa Pakikipagdiskusyon. Kung wala kang gagawin sa loob ng 60 araw pagkatapos ng 30 araw na yugto ng panahon, isasara ang iyong kaso.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.