Ang Text-to-911 ay isang kakayahan na magpadala ng text message upang maabot ang mga sumasagot ng tawag sa 911 na emergency mula sa iyong mobile phone o device. Gayunpaman, dahil kasalukuyang available lang ang text-to-911 sa ilang partikular na lokasyon, dapat ka pa ring tumawag upang makipag-ugnayan sa 911 sa isang emergency, hangga't maaari.

Hinihikayat ng FCC ang mga call center para sa emergency na magsimulang tumanggap ng mga text habang ginagawa ng mga text provider ang kakayahan na text-to-911, ngunit pagpapasya pa rin ng bawat call center kung sa anong partikular na paraan ipapatupad at papaganahin ang teknolohiya ng text-to-911.

Iniaatas ng mga panuntunan ng FCC sa lahat ng wireless carrier at iba pang provider ng mga application sa text messaging sa Estados Unidos ang pagpapadala ng mga text sa emergency sa mga call center na hihiling sa mga ito. Kung hihilingin ng isang call center ang serbisyong text-to-911, dapat maghatid ang mga provider ng text messaging ng serbisyo sa lugar na iyon sa loob ng anim na buwan.

Upang malaman kung sinusuportahan ng 911 call center sa inyong lugar ang text-to-911, i-download ang aming listahan ng mga lugar na sumusuporta sa available na serbisyo (buwanang ina-update, sa Ingles). Ngunit pati sa mga lugar kung saan tumatanggap ang mga call center ng text-to-911, ang dating voice-based na serbisyong 911 pa rin ang pinakamapagkakatiwalaan at pinipiling paraan sa pakikipag-ugnayan.

Paano makipag-ugnayan sa 911

Kung gumagamit ka ng wireless na telepono o iba pang uri ng mobile device, tiyaking gawin ang sumusunod sa isang emergency:

  • Palaging makipag-ugnayan sa 911 sa pamamagitan ng voice call, kung magagawa mo.
  • Kung ikaw ay bingi, may problema sa pandinig o hindi nakakapagsalita, hindi available ang text-to-911, gumamit ng TTY o telecommunications relay service, kung posible.

Mga bounce-back na mensahe

Kung susubukan mong magpadala ng mensahe sa 911 mula sa isang lugar na hindi pa available ang serbisyo, iniaatas ng mga panuntunan ng FCC sa lahat ng wireless carrier at iba pang provider sa text messaging na magpadala ng awtomatikong "bounce-back" na mensahe na mag-aabiso sa iyo na makipag-ugnayan sa mga serbisyo na pang-emergency sa ibang paraan, gaya ng pagtawag o paggamit ng telecommunications relay service. Layunin ng mga bounce-back na mensahe na mabawasan ang iyong panganib ng maling paniniwala na ang isang text sa 911 ay naipadala sa isang call center sa emergency.

Aling mga service provider ang hindi inaasahang susuporta sa text-to-911?

  • Ang mga panuntunan ng FCC sa text-to-911 ay hindi nalalapat sa mga application sa text messaging na hindi sumusuporta sa pagte-text patungo sa at mula sa mga numero ng telepono sa U.S.
  • Hindi inaatasang sumuporta sa text-to-911 ang mga app sa text messaging na sumusuporta lang sa pagte-text sa ibang user ng app o pagte-text sa pamamagitan ng social media.

Para sa higit pang impormasyon

Upang matuto pa tungkol sa mga programa ng FCC sa promosyon ng access sa mga serbisyo sa telecommunications para sa mga taong may kapansanan, bisitahin ang website ng Disability Rights Office ng FCC sa www.fcc.gov/disability (sa Ingles).

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.