Ang V-chip ay nagbibigay-daan sa mga magulang o iba pang tagapag-alaga na mag-block ng mga programa sa kanilang mga TV na ayaw nilang mapanood ng kanilang mga anak. Binibigyan ang karamihan ng mga programa ng rating ayon sa mga alituntunin para sa magulang na itinakda ng industriya ng telebisyon. Ang mga rating ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa nilalaman at kaangkupan sa edad ng karamihan ng mga programa sa TV, maliban sa balita, sports, at hindi na-edit na pelikula sa mga premium na channel sa cable.
Maaaring i-program ng mga magulang ang V-chip na mag-block ng mga programa batay sa mga rating na ito, na may dalawang element: isang rating batay sa edad na nagbibigay ng gabay kaugnay ng pangkat ng edad kung saan naaangkop ang isang programa, at mga naglalarawan ng nilalaman na nagpapahiwatig na maaaring maglaman ang isang programa ng mga dialogue na nagpapahiwatig ng kalaswaan (D), bastos o magaspang na pananalita (L), sekswal na sitwasyon (S), o karahasan (V). Ang mga rating ay:
- TV-Y - mga programa para sa mga napakabata pang audience, kasama ang mga batang may edad na 2-6 na taon.
- TV-Y7 - mga programang pinakanaaangkop para sa mga batang may edad na 7 taon pataas.
- TV-Y7-FV - mga programang may karahasang kathang-isip lang, na maaaring maging mas matindi o maaksyon kaysa sa iba pang programang nasa kategoryang TV-Y7.
- TV-G - mga programang naaangkop para sa lahat ng edad; hindi palaging pambata ang mga palabas na ito.
- TV-G - inirerekomenda ang patnubay ng magulang; maaaring hindi naaangkop ang mga programang ito sa mga bata.
- TV-14 - maaaring hindi naaangkop ang mga palabas na ito sa mga batang wala pang 14 na taong gulang.
- TV-MA - ang mga programang ito ay para sa mga audience na nasa hustong gulang, at maaaring hindi naaangkop para sa mga batang wala pang 17 taong gulang.
Lumalabas ang mga rating sa kaliwang sulok sa itaas ng screen ng iyong telebisyon sa unang 15 segundo ng bawat programa, at madalas ay umuulit pagkatapos ng mga commercial break. Nakalista rin ang mga rating sa iba't ibang lathalain na nagbibigay ng mga lokal na listing sa TV.
Paano i-program ang V-chip
Simula noong 2000, kinailangan na ng mga V-chip para sa mga TV set na katatapos lang i-manufacture, na may sukat na 13 pulgada o higit pa. Dapat ding magkaroon ng V-chip ang mga personal na computer na may television tuner at monitor na may sukat na 13 pulgada o higit pa.
Upang magtakda ng mga kontrol ng magulang para sa V-chip sa iyong TV, digital-to-analog na converter box, o set-top box gamit ang remote control na kasama ng kagamitan, sundin ang mga pangkalahatang hakbang na ito:
- Gamit ang key ng menu sa remote control, hanapin ang menu na "main" o "setup," pagkatapos ay maghanap ng opsyong maaaring tawagin na "locks," "block," "parental controls," o "V-chip."
- Dapat kang makakuha ng prompt upang gumawa ng password na magbibigay-daan sa iyong mag-lock ng mga channel sa TV at uri ng programa.
- Gamit ang "menu," "select," "number" at "arrow" key, piliin ang mga channel at partikular na rating na nakatalaga sa mga programa sa TV na gusto mong i-block.
- I-save ang iyong mga setting sa pamamagitan ng pagpindot sa naaangkop na key, gaya ng ipo-prompt.
Nag-iiba ang mga hakbang na ito batay sa ginagamit mong kagamitan. Kung nagkakaproblema ka sa pag-program sa iyong V-chip, dapat kang sumangguni sa manual ng iyong kagamitan para sa mga partikular na tagubilin.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.