U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Ang mga toll-free na numero ay mga numero ng teleponong may natatanging tatlong digit na code, na maaaring i-dial mula sa mga landline nang walang babayaran ang taong tumatawag. Nagbibigay-daan ang mga naturang numero na makaugnayan ng mga tumatawag ang mga negosyo at/o indibidwal sa labas ng lugar nang hindi sinisingil ng bayarin sa long-distance para sa pagtawag.

Partikular na karaniwan ang mga toll-free na numero sa pagtawag sa serbisyo sa customer. Ang serbisyo ng toll-free ay karaniwang nagbibigay sa mga potensyal na customer at sa iba pa ng libre at madaling paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga negosyo. Gayunpaman, sisingilin ang mga tumatawag sa wireless para sa mga minuto ng airtime na ginamit sa panahon ng toll-free na tawag maliban na lang kung mayroon silang plano ng “walang limitasyong pagtawag.”

Maaari ding magpadala ang mga customer ng mga text na mensahe sa mga toll-free na numero, hangga't “gumagana ang text” sa mga numerong iyon at maaaring magpadala ng mga text ang mga negosyo bilang pagtugon.

Mga toll-free na code – 800, 888, 877, 866, 855, 844 at 833 .

Ang mga toll-free na numero ay mga numerong nagsisimula sa isa sa mga sumusunod na tatlong digit na code: 800, 888, 877, 866, 855, 844 or 833. Bagama't toll-free na code ang 800, 888, 877, 866, 855, 844 at 833, hindi maaaring pagpalitin ang mga ito. Magkaiba ang maaabot na tatanggap kapag nag-dial ng numerong gumagamit ng prefix na 1-800 at kapag nag-dial ng numerong gumagamit ng prefix na 1-888. Ang mga tawag sa bawat toll-free na numero ay dinadala sa isang partikular na lokal na numero ng telepono.

Paano itinatalaga ang mga toll-free na numero?

Itinatalaga ang mga toll-free na numero batay sa kung sino ang unang dumating, unang seserbisyuhan ng mga entity na tinatawag na "Mga Responsableng Organisasyon" o "Mga RespOrg." Karamihan sa mga entity na ito ay nagbibigay din ng serbisyong toll-free. May access ang mga RespOrg sa isang database ng toll-free na naglalaman ng impormasyong hinggil sa status ng lahat na toll-free na numero. Ang mga RespOrg ay pinagtibay ng Somos, Inc., administrator ng database ng toll-free na numero.

Maaari kang makipag-ugnayan sa isang RespOrg kung gusto mong makakuha ng toll-free na numero. Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng RespOrg, tawagan o i-text ang Help Desk ng Somos sa 1-844-HEY SOMOS (1-844-439-7666, sa Ingles), o bisitahin ang www.somos.com/find-a-toll-free-number (nasa wikang Ingles ang web page) para sa tulong.

Ang tungkulin ng FCC

Itinatakda ng FCC ang mga alituntunin sa pagkuha at paggamit ng mga toll-free na numero. Ipinag-uutos ng FCC na maging portable ang mga toll-free na numero, nangangahulugan itong maaaring "dalhin," o ilipat, ng subscriber ang kanilang numero papunta sa isang bagong RespOrg kapag nagpapalit ng mga provider ng serbisyo.

Gayunpaman, walang kinalaman ang FCC sa aktwal na pagtatalaga ng mga toll-free na numero at hindi nito maa-access ang database ng numero. Hindi rin maaaring magbigay ang FCC ng anumang impormasyon tungkol sa status ng numero.

Ano ang isang vanity number?

Ang isang "vanity" number ay isang toll-free na numero ng telepono na nagbabaybay ng pangalan, salita o acronym na pinili ng subscriber, gaya ng 1-800-FLOWERS o 1-888-NEW-CARS  (sa Ingles).

‘Pag-iimbak,’ ‘pag-hoard’ at ‘pag-aahente ng mga toll-free na numero

Pinagbabawalan ng mga alituntunin ng FCC ang Mga RespOrg sa "pag-iimbak" ng mga toll-free na numero. Hindi legal na mailalaan ng isang RespOrg ang isang toll-free na numero nang walang aktwal na subscriber sa toll-free kung kanino ilalaan ang numero. Bibigyan ng mga parusa ang mga RespOrg na mag-iimbak ng mga numero.

Ang "pag-hoard" ng mga subscriber ay pinagbabawalan din ng mga alituntunin ng FCC.  Hindi maaaring kumuha ang isang subscriber ng mga toll-free na numerong mahigit sa nilalayong gamitin ng subscriber. Kasama rin sa pag-hoard ang ilegal na gawain ng "pag-aahente ng numero" – ang pagbebenta o pag-aalok upang magbenta ng toll-free na numero.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.