Nakakatanggap ang FCC ng samu’t saring komento at reklamo tungkol sa katumpakan o pagkiling ng mga network, istasyon, tagapag-ulat o tagapagkomento ng balita sa kung paano nila ibinabalita, o paminsan ay pinipiling hindi ibalita ang mga kaganapan. May patakaran ang Commission laban sa "baluktot na pagbabalita," na mula pa noong 50 taon ang nakalipas sa panahon kung saan ang mga istasyon ng pag-broadcast ang tanging anyo ng electronic na balita. Gayunpaman, ang awtoridad ng FCC para gumawa ng pagkilos sa mga reklamo sa baluktot na pagbabalita ay palaging kulang. Gaya ng tinalakay sa gabay na "Ang FCC at ang First Ammendment", pinagbabawalan ng batas ang ahensya sa paggawa ng pag-censor o paglabag sa mga karapatan sa First Amendment ng press. Kasama sa mga pinoprotektahang karapatang iyon ang, ngunit hindi limitado sa, pagpili at pagbibigay ng broadcaster ng balita o komentaryo.

Nang naaayon, ang patakaran ng FCC sa baluktot na pagbabalita ay mas kulang kaysa sa hindi pormal na pag-unawa sa maaaring isaad ng termino. Sa pagtimbang sa pagsunod sa saligang-batas ng patakaran, kinilala ng mga hukuman na ang patakaran ay "may mahalagang pagtukoy sa pagitan ng hayagang pagbaluktot at simpleng kawalan ng katumpakan o pagkakaiba ng opinyon."

Ano ang responsibilidad ng FCC?

Limitado ang saklaw ng patakaran sa baluktot na pagbabalita sa maraming aspeto. Una, nalalapat lang ang regulasyson sa medium ng pag-broadcast, na nangangahulugang walang kapangyarihan ang FCC na ipatupad itosa mga network ng balita sa cable, mga pahayagan o newsletter (online man o sa print), mga social media platform, online lang na mga streaming outlet o anumang iba pang hindi pang-broadcast na platform ng balita.

Pangalawa, sasailalim lang ang mga broadcaster sa parusa kung napatunayang sinadya nilang baluktutin ang isang makatotohanang ulat ng balita. Ang mga error na magmumula sa mga pagkakamali ay hindi magagawan ng pagkilos, maging ang mga pagpapahayag ng opinyon (kahit na mukhang wala itong katibayan para sa mga tagapanood o tagapakinig).

Nang naaayon, sisiyasatin lang ng FCC ang isang reklamo kung makatanggap muna ito ng katibayan, bilang karagdagan sa pag-broadcast mismo, na makagagawa ng "makabuluhang pagpapakita" na ang pag-uulat ng balita sa broadcast ay sinadyang linlangin ang mga manonood o tagapakinig. Posibleng kasama sa naturang katibayan ang testimonya mula sa mga taong may direktang personal na kaalaman sa sinasadyang pagpalsipika ng balita. Kasama sa mga halimbawa ng naturang katibayan ang mga nakasulat o pasalitang panuto mula sa tagapamahala ng istasyon, outtake, o katibayan ng panunuhol. Nang walang naturang nakadokumentong katibayan, alinsunod sa mga legal na kinakailangan na namamahala sa Commission, pangkaraniwang hindi magagawa ng FCC na mamagitan.

Higit pa rito, ang anumang alegasyon ng baluktot na pagbabalita ay "dapat na tungkol sa isang makabuluhang kaganapan at hindi lamang isang maliit o kaugnay na aspeto ng pag-uulat ng balita." Hindi sisiyasatin ng FCC ang mga simpleng pahayag ng collateral na hindi katumpakan sa mga pag-uulat ng balita o simpleng pagkakaiba ng opinyon sa katotohanan o katwiran ng mga aspeto ng isang programa sa pagbabalita.

Paano kung may mga komento o alalahanin ako patungkol sa isang partikular na broadcast?

Ang lahat ng komento at/o alalahanin patungkol sa isang partikular na broadcast o komentaryo sa balita ay dapat munang idirekta sa lokal na istasyon o network na sangkot, para mas maunawaan ng mga taong responsable sa paggawa ng mga pagpapasya sa programa ang opinyon ng audience.

Kung hindi ka nasiyahan sa tugon ng broadcaster, puwede kang maghain ng reklamo sa FCC. Ang pinakamabilis na paraan ng pagsusumite ng iyong reklamo ay sa pamamagitan ng online na portal sa reklamo para sa mga consumer ng ahensya, na maa-access dito. Kasama dapat sa mga reklamo ang call sign at komunidad ng lisensya ng istasyon, ang petsa at oras ng (mga) broadcast na pinag-uusapan, detalyadong paglalarawa ng pinaghihinalaang binaluktot na balita, transcript o recording ng (mga) broadcast na pinag-uusapan, at katibayan na ang pag-uulat ng balita sa broadcast ay sinadyang linlangin ang mga manonood o tagapakinig.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.