U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Batas sa Pagiging Naa-access ng Mga Komunikasyon at Video
sa Ikadalawampu’t Isang Siglo ng 2010 - Pub. L. 111-260

Noong Oktubre 8, 2010, nilagdaan ni Pangulong Obama ang Batas sa Pagiging Naa-access ng Mga Komunikasyon at Video sa Ikadalawampu’t Isang Siglo (Twenty-First Century Communications and Video Accessibility Act, CVAA) upang maisabatas ito. Isinasapanahon ng CVAA ang pederal na batas sa mga pakikipag-ugnayan upang madagdagan ang access ng mga taong may mga kapansanan sa mga modernong komunikasyon. Tinitiyak ng CVAA na ang mga batas sa pagiging naa-access na napagtibay noong dekada 1980 at 1990 ay isinasapanahon sa mga teknolohiya sa ika-21 siglo, kabilang ang mga bagong digital, broadband, at mobile na inobasyon. Ang mga sumusunod ay ang mga highlight ng bagong batas.

Titulo I – Access sa Komunikasyon

  • Ipinag-uutos na gawing naa-access ang mga advanced na serbisyo at produkto sa mga komunikasyon para sa mga taong may mga kapansanan. Tumutukoy ang mga advanced na serbisyo sa mga komunikasyon sa (1) serbisyo ng interconnected na voice over Internet protocol (VoIP); (2) serbisyo ng hindi interconnected na VoIP; (3) serbisyo ng elektronikong pagmemensahe; at (4) serbisyo ng interoperable na video conferencing. Ang mga halimbawa nito ay ang text na pagmemensahe, email, instant na pagmemensahe, at mga pakikipag-ugnayan gamit ang video.
  • Ipinag-uutos ang pagkakaroon ng access sa mga web browser sa mga mobile device ng mga taong bulag o may problema sa paningin (isang "ramp" sa Internet sa mga mobile device).
  • Gumagawa ng mga obligasyon sa pagpapanatili ng talaan ng industriya; ipinag-uutos ang mga pagbabago sa mga pamamaraan sa pagrereklamo at pagpapatupad; hinihigpitan ang mga deadline ng FCC sa pagtugon sa mga reklamo ng consumer; ipinag-uutos ang kada dalawang taong pag-uulat ng FCC sa Kongreso; at inaatasan ang Comptroller General na maglabas ng ulat sa loob ng limang taon hinggil sa pagpapatupad ng FCC.
  • Ipinag-uutos ang clearinghouse ng FCC sa mga naa-access na serbisyo at kagamitan sa mga komunikasyon.
  • Ipinapatupad ang mga kautusan sa pagiging compatible sa hearing aid ng mga kagamitang parang telepono na ginagamit sa mga advanced na serbisyo sa mga komunikasyon.
  • Isinasapanahon ang kahulugan ng mga serbisyo ng paghahatid ng mga telekomunikasyon o telecommunications relay service (TRS) upang maisama ang mga taong hindi nakakarinig at nakakakita at upang mabigyang-daan ang komunikasyon sa pagitan ng at kasama ang iba’t ibang uri ng mga user ng paghahatid.
  • Ipinag-uutos sa mga provider ng serbisyo ng interconnected at hindi interconnected na VoIP na mag-ambag sa Interstate na Pondo ng TRS.
  • Ipinag-uutos ang paglalaan ng hanggang $10 milyon kada taon mula sa Interstate na Pondo ng TRS para sa pamamahagi ng espesyal na kagamitan sa mga taong hindi nakakarinig at nakakakita na may mababang kita, upang mabigyang-daan ang mga indibidwal na ito na ma-access ang serbisyo ng telekomunikasyon, serbisyo ng access sa Internet, at mga advanced na komunikasyon.
  • Pinahihintulutan ang pagkilos ng FCC upang matiyak ang maaasahan at interoperable na access ng mga taong may mga kapansanan sa mga serbisyo ng 9-1-1 sa hinaharap.

Titulo II – Video na Programa

  • Ibinabalik ang mga panuntunan sa paglalarawan ng video na ipinahayag ng FCC noong 2000 at pinahihintulutan ang ilang pagpapalawak ng mga obligasyong iyon sa loob ng susunod na 10+ taon.
  • Ipinag-uutos na lagyan ng closed caption ang video na programang may closed caption sa TV, kapag ipinamahagi ito sa Internet (hindi sinasaklaw ang mga programang napapanood lang sa Internet).
  • Itinatakda ang mga deadline para sa pagtugon ng FCC sa mga kahilingan ng hindi pagkakasama sa mga panuntunan sa paglalagay ng closed caption.
  • Ipinag-uutos sa mga distributor, provider, at may-ari ng video na programa na maghatid ng impormasyong pang-emergency sa paraang maa-access ng mga taong bulag o may kapansanan sa paningin.
  • Pinapalawak ang kinakailangan sa kagamitan para sa video na programa (kagamitang nagpapalabas ng mga programa sa TV) upang makapagpakita ng mga closed caption, sa mga device na may mga screen na mas maliit sa 13 pulgada (hal., mga portable na TV, laptop, at smart phone), at ipinag-uutos na gawing sumusuporta ang mga device na ito sa mga paglalarawan ng video at impormasyong pang-emergency sa paraang naa-access ng mga taong bulag o may kapansanan sa paningin, kung magagawa at makakamit sa teknikal na aspeto.
  • Ipinag-uutos na gawing sumusuporta sa mga closed caption, paglalarawan ng video, at impormasyong pang-emergency ang mga device na idinisenyo upang mag-record ng mga programa sa TV, upang ma-on/ma-off ng mga manonood ang mga closed caption at paglalarawan ng video kapag pine-play ang programa sa TV, kung posible itong magawa.
  • Ipinag-uutos na dalhin (mula sa pinagmulang device patungo sa kagamitan ng consumer – hal., TV set) sa pamamagitan ng mekanismo ng interkoneksyon (mga kable) ang kinakailangang impormasyon upang mapayagan ang pagpapakita ng mga closed caption at marinig ang paglalarawan ng video at impormasyong pang-emergency.
  • Ipinag-uutos na gawing naa-access para sa mga taong bulag o may kapansanan sa paningin ang mga kontrol ng user para sa mga TV at iba pang device sa video na programa, at ipinag-uutos na lagyan ang mga TV at iba pang device sa video na programa ng button, key, icon, o katulad na mekanismong idinisenyo para sa pag-activate ng pagpapakita ng closed caption at paglalarawan ng video.
  • Ipinag-uutos na gawing naa-access para sa mga taong bulag o may kapansanan sa paningin ang mga nasa screen na text na menu at gabay sa programa na ipinapakita sa TV sa pamamagitan ng mga set-top box at ipinag-uutos na lagyan ang mga set-top box ng button, key, icon, o katulad na mekanismong idinisenyo para sa pag-activate ng pagpapakita ng closed caption (kapag kasama sa set-top box).

Para sa Higit Pang Impormasyon

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Batas sa Pagiging Naa-access ng Mga Komunikasyon at Video sa Ikadalawampu’t Isang Siglo (Twenty-First Century Communications and Video Accessibility Act), maaari kang bumisita sa website ng Disability Rights Office ng FCC sa www.fcc.gov/disability (nasa wikang Ingles).

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.