Ang mga broadcaster sa radyo ng U.S. ay sabay na ngayong nagbo-broadcast ng parehong mga tradisyonal na analog na signal at mga digital na signal na masasagap gamit ang receiver ng digital na radyo. Nagbibigay ang mga digital na signal ng mas magandang kalidad ng tunog kaysa sa analog, at libre ang mga ito, hindi katulad sa mga serbisyo ng satellite radio.
Ano ang digital na radyo?
Ang digital na radyo ay ang transmisyon at resepsyon ng tunog na pinoproseso sa mga pattern ng mga numero, o "mga digit" – kung kaya "digital na radyo" ang katawagan. Sa kabilang banda, ang mga tradisyonal na analog na radyo ay nagpoproseso ng mga tunog sa mga pattern ng mga elektrikal na signal na kahawig ng mga sound wave.
Ang resepsyon ng digital na radyo ay mas matatag laban sa interference at inaalis nito ang maraming kahinaan ng transmisyon at resepsyon ng analog na radyo. Maaaring magkaroon ng ilang interference sa mga signal ng digital na radyo, gayunpaman, sa mga lugar ito na malayo sa transmitter ng istasyon. Ang FM na digital na radyo ay makapaghahatid ng mas malinaw na tunog na maihahambing sa kalidad ng tunog ng mga CD, at ang AM na digital na radyo ay makapaghahatid ng tunog na may kalidad na katumbas ng karaniwang analog na FM.
Mga serbisyo ng data
Bukod pa sa mga audio na broadcast, naghahatid ang digital na radyo ng sabay-sabay na serbisyo ng data sa mga tagapakinig. Halimbawa, maaaring ipakita ang impormasyon tungkol sa musika sa screen ng tagapakinig kapag nagpe-play ang musika. Maaari mo ring i-program ang receiver ng iyong digital na radyo upang magpakita ng mga update sa lagay ng panahon, ulat ng trapiko, at iba pang balita.
Kailangan ko ba ng bagong radyo upang masagap ang mga digital na signal?
Oo, kailangan ng digital na receiver upang makasagap ng digital na radyo. Gayundin, makakasagap ng mga analog na signal ng radyo ang lahat ng digital na radyo.
Saan ako makakakuha ng receiver ng digital na radyo?
Maraming retailer ng electronics ang nagbebenta ng mga receiver ng digital na radyo, at maraming gumagawa ng sasakyan ang nag-aalok ng mga receiver ng digital na radyo sa kanilang mga bagong kotse at truck (ang ilang modelo ay may kasamang karaniwang digital na radyo.)
Paano ko hahanapin ang mga istasyon ng digital na radyo?
Sa Estados Unidos, ang digital na radyo ay broadcast na gumagamit ng in-band on-channel na teknolohiya. Binibigyang-daan nito ang mga istasyon ng radyong ma-broadcast ang kanilang regular na signal ng FM o AM at digital na signal sa parehong frequency. Sa ibang salita, ang istasyon sa 88.7 FM ay magkakaroon ng digital na signal sa 88.7 FM sa digital na radyo.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.