U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Ihambing ang mga karaniwang online na aktibidad sa kinakailangang minimum na bilis ng pag-download (Megabit kada segundo, o Mbps) para sa naaangkop na performance ng bawat application. Maaaring pahusayin ng karagdagang bilis ang performance. Ang mga bilis ay nakabatay sa pagpapatakbo ng aktibidad sa isang pagkakataon.

Para sa mga pangangailangan ng broadband ng sambahayan, gamitin ang aming Gabay sa Broadband ng Sambahayan upang ihambing ang kailangang minimum na Mbps para sa kaunti, katamtaman, at malakas na paggamit ng sambahayan sa isa, dalawa, tatlo, o apat na device sa isang pagkakataon (gaya ng laptop, tablet, o game console).

Para sa higit pang impormasyon sa mga bilis ng broadband, tingnan ang aming ulat ng Pagsukat ng Broadband sa Amerika (Measuring Broadband America) (sa Ingles).

Ang mga numerong ito ay mga hindi pa pinal na pamantayan at hindi nakabatay sa mga survey o pagsubok na isinasagawa ng FCC. Dapat mong gamitin ang iyong pinakamahusay na pagpapasya kapag pumipili ng iyong serbisyo ng broadband.


Aktibidad Minimum na Bilis ng Pag-download (Mbps)
Pangkalahatang Paggamit  
Pangkalahatang Pag-browse at Email 1
Streaming ng Online na Radyo Wala pang 0.5
Mga VoIP Call Wala pang 0.5
Mag-aaral 5 - 25
Telecommuting 5 - 25
Pag-download ng File 10
Social Media 1
Panonood ng Video  
Streaming ng Standard Definition na Video 3 - 4
Streaming ng High Definition (HD) na Video 5 - 8
Streaming ng Ultra HD 4K na Video 25
Pakikipagkumperensya Gamit ang Video  
Karaniwang Personal na Video Call (hal., Skype) 1
HD na Personal na Video Call (hal., Skype) 1.5
HD na Video Teleconferencing 6
Paglalaro  
Game Console na Kumokonekta sa Internet 3
Online na Multiplayer 4

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.