Lumulutang pa rin ang makasaysayang phone scam gamit ang 90# button sa mga landline telephone ng negosyo, na nagta-target sa mga teleponong binibigyan ng serbisyo ng private branch exchange (PBX) o private automatic branch exchange (PABX).

Paano nagkakaroon ng ganitong scam

Makakatanggap ka ng tawag sa iyong opisina mula sa isang taong magpapakilala bilang empleyado ng isang kumpanya ng telepono na nagsisiyasat sa mga teknikal na problema sa linya mo, o nagsusuri ng mga tawag na dapat patungo sa ibang estado o bansa mula sa iyong linya. Hihilingin sa iyo ng tumatawag na tumulong sa pagsisiyasat sa pamamagitan ng pag-dial ng 90# o sa pamamagitan ng paglipat ng tawag sa linya sa labas bago ibaba. Kapag ginawa ito, maaari mong itawid ang mga tawag ng taong ito na masisingil sa numero ng telepono ng iyong opisina.

Ang dapat mong malaman

  • Hindi tatawag ang mga empleyado ng kumpanya ng telepono na nagsusuri sa mga problemang teknikal at problema sa iba pang uri ng serbisyo ng telepono o sa pagsingil at hihiling sa isang subscriber na mag-dial ng mga numero bago ibaba.
  • Hindi hihilingin ng mga empleyado ng kumpanya ng telepono sa mga subscriber na ikonekta ang tumatawag sa isang linya sa labas.
  • Ginagamit ang mga ganitong uri ng tawag upang linlangin ang mga subscriber na kumilos upang matulungang manloko sa tawag ang tumatawag.

Ano ang maaari mong gawin

Kung gumagamit ng PBX o PABX ang iyong lugar ng negosyo, dapat makipag-ugnayan ang manager ng iyong kumpanya ng telecommunications sa manufacturer ng kagamitan at sa mga kumpanya ng telepono na nagbibigay sa iyo ng lokal at long distance na serbisyo para sa impormasyon tungkol sa mga system ng seguridad na magagamit mo upang maprotektahan ang telephone system mo mula sa panloloko sa toll. Dapat ka ring magtanong tungkol sa anumang serbisyo sa pagsubaybay na makakatulong sa pagtukoy ng hindi karaniwang paggamit ng telephone system.

Upang maiwasang mabiktima ng scam na ito, alamin ang detalye at ibahagi sa iba pang empleyado. Gawin ang mga sumusunod na hakbang kung sa palagay mo ay mapanlinlang ang tawag sa telepono o bahagi ito ng ganitong scam:

  • Itanong ang pangalan at numero ng telepono ng tumatawag.
  • Sabihin sa tumatawag na tatawagan mo kaagad ang kumpanya ng telepono upang malaman kung mayroong problema sa linya.
  • Ibaba kaagad ang receiver; huwag mag-dial ng anumang numero o ilipat ang tumatawag sa linya sa labas bago ibaba.
  • Hanapin ang numero ng telepono para sa iyong telephone service provider at/o opisina ng seguridad nito at iulat ang kahina-hinalang tawag sa telepono. Maging handa sa pagbibigay ng mga detalye ng tawag sa kinatawan ng kumpanya ng telepono.
  • Makipag-ugnayan sa iyong mga lokal na opisyal na tagapagpatupad ng batas.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.