U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Sa maraming estado, napapadali ng pag-dial sa "211" para sa mga indibidwal at pamilya ang paghingi ng tulong para makaiwas sa mga komplikadong numero ng telepono ng ahensyang pangkalusugan at serbisyong pantao. Sa pamamagitan lang ng pag-dial sa 211, ang mga nangangailangan ng tulong ay maaaring i-refer, at ikonekta pa minsan, sa angkop na mga ahensya at organisasyong pangkomunidad.

Nakakatulong ang pag-dial sa 211 para ikonekta sa mga serbisyo ang mga tumatawag, tulad ng mga may-edad, may kapansanan, mga taong hindi marunong mag-Ingles, may personal na krisis, hindi gaanong marunong magbasa, at ang mga bagong dating sa kanilang komunidad.

Ayon sa 211.org, available ang 211 sa halos 99 na porsiyento ng kabuuang populasyon ng Estados Unidos. Saklaw ng 211 ang lahat ng 50 estado, ang District of Columbia, at Puerto Rico. Para malaman kung sineserbisyuhan ng 211 ang iyong lugar, at para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang 211.org. Maaari ka ring direktang kumonekta sa 211 sa pamamagitan ng text o sa website na ito.

Kung Paano Gumagana ang 211

Parang katulad ng 911 ang 211. Ang mga tawag at text sa 211 ay dinadala ng lokal na kompanya ng telepono sa lokal o rehiyonal na call center. Ang mga referral specialist ng 211 center ay tumatanggap ng mga kahilingan mula sa mga tumatawag, nag-a-access sa mga database ng mga resource na available mula sa mga pribado at pampublikong ahensyang pangkalusugan at serbisyong pantao, nagtutugma ng mga pangangailangan ng mga tumatawag sa mga available na resource, at direktang nagli-link o nagre-refer sa mga tumatawag sa mga ahensya o organisasyong makakatulong.

Mga Uri ng Referral na Ibinibigay ng 211

  • Mga Resource sa Batayang Pangangailangan ng Tao – kasama ang mga organisasyon na nangongolekta at namamahagi ng pagkain at damit, mga matutuluyan, tulong sa renta, at tulong sa utility.
  • Mga Resource sa Kalusugan ng Pangangatawan at Isip – kasama ang mga programa ng insurance para sa kalusugan, Medicaid at Medicare, mga resource para sa kalusugan ng mga buntis, bagong panganak, at mga sanggol nila, mga programa ng insurance para sa kalusugan ng mga bata, mga linya para sa medikal na impormasyon, mga serbisyo ng interbensiyon sa krisis, mga grupo ng suporta, pagpapayo, at interbensiyon at rehabilitasyon sa droga at alak.
  • Tulong sa Trabaho – kasama ang tulong pinansiyal, pagsasanay sa trabaho, tulong sa transportasyon, at mga programa sa edukasyon.
  • Access sa mga Serbisyo Para sa mga Hindi Nagkakapag-Ingles Kundi Ibang Wika – kasama ang mga serbisyo ng pagsasalin at interpretasyon ng wika para matulungan ang mga hindi marunong mag-Ingles na makahanap ng mga pampublikong resource (iba-iba ang mga serbisyo para sa banyagang wika depende sa lokasyon).
  • Tulong sa mga Nakakatandang Amerikano at mga May Kapansanan – kasama ang adult day care, mga community meal, pansamantalang pag-aalaga, pangangalagang pangkalusugan sa bahay, transportasyon, at mga serbisyo para sa mga gawaing-bahay.
  • Tulong sa mga Bata, Kabataan, at Pamilya – kasama ang pangangalaga sa bata, mga programa ng aktibidad pagkatapos pumasok sa paaralan, mga programa ng edukasyon para sa mga pamilyang may mababang kita, mga resource center para sa pamilya, mga summer camp at recreation program, mentoring, pagtuturo, at mga serbisyo para sa proteksyon.
  • Pagpigil sa Pagpapakamatay – referral sa mga organisasyon na tumutulong para mapigilan ang pagpapakamatay. Maaari ding tumawag sa 988, ang tatlong-digit na pambansang numero ng telepono para direktang kumonekta 988 Suicide and Crisis Lifeline.

Para sa mga nais mag-donate ng oras o pera sa mga organisasyong tumutulong sa komunidad, maaari din nilang gawin ito sa pamamagitan ng pag-dial sa 211. FCC Consumer Help Center

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga isyu ng consumer, bisitahin ang Consumer Help Center ng FCC sa fcc.gov/consumers.

Mga alternatibong format

Para humiling ng artikulong ito sa alternatibong format - braille, large print, Word o text document o audio – sumulat o tawagan kami sa address o numero ng telepono na nasa ibaba ng pahina, o mag-email sa fcc504@fcc.gov.

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.