Nagkakaroon ng mga interference kapag ginagambala ng mga hindi gustong radio frequency signal ang paggamit ng iyong telebisyon, radyo o cordless na telepono. Maaaring ganap na mapigilan ng interference ang reception, maaaring magdulot lang ng pansamantalang kawalan ng signal, o maaaring maapektuhan ang kalidad ng tunog o larawang inilalabas ng iyong kagamitan. Ang dalawang pinakakaraniwang sanhi ng interference ay mga transmitter at electrical na kagamitan.
Interference ng transmitter
Kasama sa mga communication system na nagta-transmit ng mga signal na may kakayahang makagawa ng interference ang mga amateur radio, CB at istasyon ng radyo at telebisyon.
Ang mga isyu sa disenyo tulad ng hindi sapat na pag-filter at hindi sapat na pagprotekta o mga may gasgas o sirang kable ay maaaring makapagpahina sa kagamitan sa interference ng transmitter.
Upang matukoy kung ang interference ay dulot ng isang transmitter o electrical na kagamitan, paisa-isang alisin sa saksak ang electronic na kagamitan sa bahay upang makita kung mahihiwalay mo ang anumang pinagmulan ng electrical na interference.
Kung may nangyayari sa iyong kagamitan kapag malapit sa mga transmitter tulad ng amateur radio o CB, magkakaroon ka lang ng interference kapag nagsasalita ang radio operator at kalahati ng pag-uusap lang ang maririnig mo. Kung ganito ang nangyayari, maaari mong makumpirma ang pinagmulan ng interference kung makakita ka ng antenna na nakakabit sa isang malapit na bahay o sasakyan.
Gumagamit ang mga cordless na telepono ng mga radio frequency at walang proteksyon mula sa interference. Kung nakakaranas ka ng interference sa iyong cordless na telepono, dapat kang makipag-ugnayan sa manufacturer ng kagamitan para sa tulong.
Electrical na interference at ang iyong TV
Lumalabas ang electrical na interference sa audio at video ng television programming. Ang mga biglaang interference ay maaaring dulot ng mga hair dryer, sewing machine, electric drill, doorbell transformers at pambukas ng pintuan ng garahe. Kung tuluy-tuloy na nagaganap ang pattern, maaaring dahil ito sa kagamitan na tuluy-tuloy na ginagamit, tulad ng mga heater ng aquarium at ilaw ng fluorescent.
Maaaring dulot ang electrical na interference ng mga linya ng kuryente o electrical na kagamitan sa iyong tahanan. Karaniwang tuluy-tuloy ang interference na dulot ng electrical na kagamitan ng iyong power company at dapat na maabisuhan ang iyong power company.
Ang isang simpleng paraan ng pagtukoy sa lokasyon ng electrical na interference ay sa pamamagitan ng paggamit ng portable na AM radio na nasa isang tahimik na frequency sa ibabang bahagi ng dial. Makakarinig ka dapat ng static o buzzing na tunog habang papalapit ka sa pinagmumulan ng interference. Habang mas lumalapit ka, mas magiging malakas ang static.
Kung hindi mo mahanap ang pinagmumulan ng interference sa sarili mong bahay, itanong sa iyong mga kapitbahay kung nakakaranas din sila ng interference. Maaaring nasa kanilang tahanan ang pinagmumulan.
Kung hindi mo matukoy ang pinagmumulan ng electrical na interference, makipag-ugnay sa customer service department ng iyong lokal na power company. Sisiyasatin ng karamihan ng mga power company ang problema at magsasagawa ng mga hakbang upang iwasto ito.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.