Ang mga hindi sinasadyang tawag sa 911 ay maaaring magsanhi ng pagkakabaling ng atensyon ng mga tauhan at mapagkukunang nagtitiyak sa kaligtasan ng publiko sa ibang bagay sa halip na sa mga tawag sa 911 para sa mga totoong emergency.
Maraming lumang wireless na telepono ang may feature na awtomatikong pag-dial sa 911. Kung may luma kang telepono, maaaring hindi mo alam ang feature na ito o kaya ay pauna na itong na-activate ng manufacturer o retailer. Karaniwang kinakailangan mong i-activate sa mga mas bagong wireless na telepono ang feature na awtomatikong pag-dial sa 911 upang mapagana ito.
Kapag na-activate ang feature na awtomatikong pag-dial sa 911, maaaring ma-dial ang 911 nang hindi sinasadya, lalo na kapag nasanggi ng mga bagay sa loob ng purse, briefcase, o bulsa ang mga teleponong may open-face na disenyo.
Makakatulong ka na mabawasan ang mga hindi sinasadyang pagtawag sa 911 sa pamamagitan ng:
- Pag-lock sa iyong keypad, na pipigil sa pagtugon ng telepono sa mga keystroke hanggang sa i-unlock mo ang keypad gamit ang maikling kumbinasyon ng mga pagpindot ng key.
- Pag-isipang i-off ang feature na awtomatikong pag-dial sa 911 kung mayroon nito ang telepono mo. Upang malaman kung may ganitong feature ang iyong telepono at kung paano ito i-off, tingnan ang mga setting ng iyong device, manual ng user o website ng manufacturer, o tumawag sa iyong provider ng serbisyo.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.