Ang FCC ay may espesyal na klase ng mga lisensya sa radyo na tinatawag na Low Power FM Radio upang mas maraming boses ang maririnig sa radyo. Binubuo ang serbisyo ng radyo na LPFM ng dalawang uri ng istasyon ng radyo: Mga 100-watt na istasyon, na nakakaabot sa lugar na may radius na tinatayang tatlo at kalahating milya, at mga 10-watt na istasyon, na pangkalahatang nakakaabot sa lugar na may radius sa pagitan ng isa o dalawang milya.

Sino ang kwalipikado para sa mga lisensya ng LPFM?

Upang maging kwalipikado para sa lisensya ng LPFM, dapat ay isa kang:

  • Institusyon ng pamahalaan o hindi pinagkakakitaang institusyong pang-edukayon, gaya ng pampubliko o pribadong paaralan o unibersidad na pinopondohan ng bayan o pribadong unibersidad.
  • Hindi pinagkakakitaang organisasyon, samahan, o entity na may layuning pang-edukasyon, gaya ng pangkat ng komunidad, organisasyon ng pampublikong serbisyo o kalusugan ng publiko, service provider para sa may kapansanan, o relihiyosong organisasyon.
  • Entity ng pamahalaan o hindi pinagkakakitaang entity na nagbibigay ng serbisyo sa kaligtasan ng lokal na publiko o transportasyon, gaya ng volunteer fire department, awtoridad ng lokal na pamahalaan o transportasyon ng estado.

Dagdag pa rito, dapat nakabase sa komunidad ang mga aplikante para sa mga lisensya ng LPFM kung saan nila gustong mag-broadcast. Itinuturing na community-based ang isang organisasyon kung:

  • May aktuwal itong headquarters o campus sa loob ng 10 milya ng iminumungkahing transmitting antenna.
  • Pitumpu’t limang porsyento ng namamahalang lupon nito ay nakatira sa loob ng 10 milya ng iminumungkahing transmitting antenna.
  • Isa itong hindi pinagkakakitaan o pampamahalaang organisasyon sa kaligtasan ng publiko na gustong mag-broadcast sa loob ng lugar ng pinamamahalaan nito.

Sino ang hindi kwalipikado?

Hindi ibibigay ang mga lisensya ng LPFM sa mga indibidwal o komersyal na entity. Dagdag pa rito, hindi kwalipikado ang mga kasalukuyang broadcaster, operator ng cable television system, tagapaglathala ng dyaryo, at iba pang media entiy para sa mga lisensya ng LPFM.

Paano ako mag-a-apply para sa isang istasyon ng LPFM?

Bumuo ang FCC mh computer software program na tinatawag na Tagahanap ng Channel ng LPFM (sa Tagalog) upang matulungan ang mga potensyal na aplikante ng LPFM na maghanap ng available na channel sa kanilang lugar. Tatanggapin muna ng FCC ang mga aplikasyon para sa mga 100-watt na istasyon na susundan ng mga aplikasyon para sa mga 10-watt na istasyon.

Magbibigay ang FCC ng hindi bababa sa 30 araw na abiso, sa pamamagitan ng Pampublikong Abiso at/o FCC website (sa Ingles) kapag nagbibiagy ng window ng paghahain sa iyong estado. Walang gagastusin sa paghahain ng aplikasyon para sa pahintulot na magtayo ng istasyon ng LPFM o lisensyang magpatakbo ng istasyon ng LPFM. Kailangan ng pahintulot sa pagpapatayo na ibinigay ng FCC bago payagan ang isang aplikante na magpatayo ng istasyon ng LPFM at kailangan ng lisensyang ibinigay ng FCC bago magsimula sa pagpapatakbo ng istasyon ng LPFM.

Kung marami-rami ang aplikasyon sa LPFM sa iisang lugar, malulutas ang pagsasagawa ng mga aplikasyon sa pamamagitan ng prosesong naggagawad ng isang puntos sa bawat aplikante batay sa:

  • Presensya ng organisasyon sa komunidad sa loob ng hindi bababa sa dalawang taon.
  • Obligasyong mag-broadcast nang hindi bababa sa 12 oras kada araw.
  • Obligasyong mag-broadcast nang hindi bababa sa walong oras na programang nagmula sa lokal kada araw.

Matatanggap ng aplikanteng may pinakamaraming puntos ang pahintulot sa pagpapatayo.

Kung may magtatabla pagkatapos sumahin ang mga puntos, hihikayatin ang magkatunggaling aplikante na maghati sa lisensya. Ang dating magkatunggaling aplikanteng muling nagsumite ng kanilang mga aplikasyon nang magkasama ay papayagang pagsamahin ang kanilang mga puntos at ihambing ang kabuuan sa sinupamang aplikante para sa lisensya.

Magkano ang magagastos sa pagse-set up ng istasyon ng LPFM?

Maaaring mag-iba-iba ang mga gastusin sa pagpapatayo at pagpapatakbo ng istasyon ng radyo ng LPFM, depende sa uri at kalidad ng ginagamit na kagamitan sa studio at pagbo-broadcast, gayundin sa kung mangangailangan ng tower o hindi. Makakakuha ng higit pang impormasyon sa availability at mga gastusin sa kagamitan ng radyo mula sa iba’t ibang source, gaya ng mga electronics periodical.

Paano mag-a-apply ang aking organisasyon?

Maihahain lang ang mga aplikasyon para sa mga bagong istasyon ng LPFM, pahintulot sa pagpapatayo, o para sa malalaking pagbabago sa mga pahintulot o lisensya ng LPFM sa mga petsang naisaad para sa window ng paghahain ng aplikasyon. Maaari lang ihain online ang mga nasabing aplikasyon sa pamamagitan ng electronic filing system ng Media Bureau (sa Ingles). Ibabalik ang aplikasyon, nang walang konsiderasyon, kung natanggap ito sa oras na lampas sa itinakda sa window ng paghahain.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.