Mag-ingat kapag nagsasagawa ng mga collect call o iba pang tawag na kinokonekta ng operator. Maaaring kailanganin mong magbayad, o ng kabilang linyang tinatawagan mo, nang mahigit sa inaasahan dahil sa isang taktikang nananamantala ng mga indibidwal na namamali sa pag-dial ng numero ng telepono.
Ang Taktika
Nagsasagawa ka ng collect call mula sa pampublikong telepono o payphone, kung saan nilalayon mong magamit ang isang partikular na serbisyo, ngunit mali ang na-dial mo. Makokonekta ka sa linyang gusto mong tawagan, ngunit ang magkokonekta sa iyo ay isang kumpanya ng teleponong iba sa inaakala mong kumpanya. Ito ay isang kumpanyang kumukuha ng mga toll-free na numerong katulad ng mga kilalang numero, na malamang na umaasang magkamali ka sa pag-dial ng iyong nilalayong numero. Kung mangyari ito, malamang ay hindi mo alam na ibang phone carrier ang gamit mo dahil hindi mo alam na nagkamali ka sa pag-dial. Kadalasan ay hindi magpapakilala ang kumpanya bago ikonekta ang tawag.
Magugulat ka! Ang singil para sa maling na-dial na tawag ay higit na mas mataas kaysa sa kung na-dial mo ang iyong nilalayong carrier.
Mga hakbang sa pag-iwas sa Taktika
Maingat na mag-dial kapag nagsasagawa ng mga collect call. Tiyaking isang beses mo lang pipindutin ang bawat numero. Kung hindi ka sigurado, ibaba ang telepono at magsimulang muli.
Kapag nakonekta mo na ang tawag, pakinggan ang pagkakakilanlan ng provider. Kung tumawag ka mula sa isang pampublikong telepono o payphone, inaatas ng mga panuntunan ng FCC na pasalitang magpakilala ang provider bago ikonekta at singilin ang iyong tawag. Kung hindi mo maririnig ang pagkakakilanlan ng provider, tanungin ang operator kung sino ang provider at kung ano ang mga rate nito. Kung hindi iyon ang provider o rate na gusto mo, o kung hindi mo marinig ang pagkakakilanlan ng provider at wala kang makausap na operator, ibaba ang telepono at mag-dial muli.
Kapag tumatanggap ng collect call, pakinggan ang pagkakakilanlan ng provider ng serbisyo kapag nakonekta ang tawag. Bago sumang-ayon sa mga pagsingil, kung hindi mo marinig ang pagkakakilanlan ng provider, magsabi ng “hindi” sa collect call hanggang sa malaman mo kung sino ang nagkokonekta sa tawag. Kung hindi mo kilala o hindi ka kumportable sa provider na ito, itanong ang mga rate kada minuto. Kung hindi ka makakakuha ng sagot, magsabi ng “hindi” sa tawag at, kung posible, hilingin sa tumatawag na subukang muli.
Suriin nang mabuti ang bill ng telepono mo
Kung pinaghihinalaan mong biktima ka ng ganitong taktika, makipag-ugnayan sa kumpanya ng telepono na sumisingil sa iyo para sa pinag-uusapang tawag. Makikita dapat ang numero ng kumpanya sa bill ng telepono mo. Kung hindi mo direktang malulutas ang bagay na ito, maaari kang maghain ng reklamo sa FCC. Walang bayad ang paghahain ng reklamo.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.