Kung ang iyong mobile phone ay higit na sa ilang taon, maaaring kailanganin mo nang i-upgrade ang iyong device bago pa tuluyang itigil ng iyong mobile provider ang 3G network nito, upang makaiwas sa pagkawala ng iyong serbisyo. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga plano ng iyong mobile provider para sa pagreretiro ng 3G at kung paano mo ito mapaghahandaan, mangyaring direktang makipag-ugnayan sa iyong provider.

Ano ang Nangyayari?

Itinitigil na ng mga mobile carrier ang kanilang mga 3G network, na nakadepende sa mas lumang teknolohiya, upang magbigay puwang para sa mga mas makabagong network service, kabilang ang 5G. Bilang resulta, mas maraming mga lumang cell phone ang hindi makatatawag o makatatanggap ng mga tawag o text, kabilang ang mga tawag sa 911, o paggamit ng mga data service. Ito ay makakaapekto sa mga 3G mobile phone at ilang mga mas lumang 4G mobile phone na hindi sumusuporta sa Voice over LTE (VoLTE or HD Voice).

Alamin ang tungkol sa iba pang mga konektadong device, tulad ng aparatong pangmedikal at mga home security system na maaaring maapektuhan below.

Kailan ito magaganap?

Pagdating ng Enero 1, 2022, ngunit ang mga plano at oras ng tuluyang pagtigil ng mga serbisyo ng 3G ay magkakaiba-iba ayon sa kompanya at maaaring magbago. Kumunsulta sa website ng iyong mobile provider para sa pinakabagong impormasyon.

  • Inihayag ng AT&T na matatapos ang tuluyang pagtigil ng 3G network nito sa Pebrero 2022.
  • Inanunsyo ng Verizon matatapos ang tuluyang pagtigil ng 3G network nito sa Disyembre 31, 2022.
  • Inihayag ng T-Mobile na matatapos ang tuluyang pagtigil ng 3G network ng Sprint pagsapit ng Enero 1, 2022 at gayundin ang LTE network ng Sprint pagdating ng Hunyo 30, 2022. Plano rin nitong itigil ang 2G at 3G network ng Sprint, ngunit hanggang ngayon ay wala pa itong inanunsyong petsa.

If your mobile carrier is not listed here, you may still be affected. Many carriers, such as Cricket, Boost, Straight Talk, and several Lifeline mobile service providers, utilize AT&T's, Verizon's, and T-Mobile's networks.

Tandaan: Ito ang mga petsa para sa pagkumpleto ng tuluyang pagtigil ng naturang serbisyo. Maaaring mas maagang simulan ng mga carrier ang pagreretiro ng ilang bahagi ng kanilang mga network.

Ano ang kailangan kong gawin?

Makipag-ugnay sa iyong mobile provider o kumunsulta sa website ng iyong provider para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kanilang planong pagreretiro sa 3G at kung ang iyong telepono, o iba pang konektadong device, ay maaaring maapektuhan. Mahalagang magplano ngayon upang hindi mawala ang iyong koneksyon, kabilang ang kakayahang tumawag sa 911.

Ang ilang mga website ng carrier ay nagbibigay ng mga listahan ng mga device na hindi na masusuportahan matapos tuluyang itigil ang mga 3G network. Maaaring kailanganin mong mag-upgrade sa isang mas bagong device upang matiyak na ikaw ay manatiling konektado, at ang mga carrier ay maaaring mag-alok ng diskwento o libreng pag-upgrade upang matulungan ang mga consumer na kailangang mag-upgrade ang kanilang mga telepono.

Ang ilang mga device ay maaaring mangailangan lamang ng isang software update upang gumana ang VoLTE (HD Voice) o iba pang mga makabagong serbisyo. Kung sakali mang ang iyong teleponong nabili ay walang mobile provider, maaari mong masuri kung gumagana ang 4G LTE (na may VoLTE o HD Voice) sa iyong device sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga setting ng iyong telepono o user manual, o sa pamamagitan ng paghahanap sa internet ng numero ng modelo ng iyong telepono, upang matukoy kung kailangan mong bumili ng isang bagong device o mag-install ng software update.

Mga telepono lang ba ang naaapektuhan nito? 

Hindi, ang iba pang mga device, tulad ng mga aparatong pangmedikal, mga tablet, mga smart watch, mga serbisyong SOS ng isang sasakyan, mga home security system, at iba pang mga konektadong produkto ay posibleng gumagamit ng mga serbisyo ng 3G network. At huwag kalimutan ang tungkol sa mga device na gumagamit ng cellular connectivity bilang isang back-up kapag bumaba ang linya ng koneksyon sa internet. Kung ang device ay walang tatak, mangyaring makipag-ugnay sa kumpanyang sumusubaybay o iba pang service provider upang makumpirma kung paano kumokonekta ang device at kung apektado nga ba ang iyong device.

Bakit tuluyang tinatanggal ang mga 3G network?

Sa patuloy na paghangad ng mga mobile carrier na i-upgrade ang kanilang mga network upang magamit ang mga pinakabagong teknolohiya, may panahong itinitigil nila ang mas lumang serbisyo, tulad ng 3G, upang mapalawak ang espektro at imprastraktura para masuportahan ang mga bagong serbisyo, tulad ng 5G. Marami nang mga pagbabago na tulad nito ang nangyari noon. Halimbawa, tuluyang itinigil ng ilang mga mobile carrier ang kanilang 2G network nang sila ay mag-upgrade ng kanilang mga network upang suportahan ang mga serbisyo ng 4G. Ang mga mobile carrier ay may kakayahang pumili ng mga uri ng teknolohiya at serbisyong kanilang ipinamamahagi, kasama na ang tuluyang pagtigil ng mas lumang serbisyo upang magbigay daan sa mga mas bagong serbisyo para matugunan ang mga hinihingi ng consumer.

Kailangan mo ba ng Tulong Upang Manatiling Konektado?

Gaya ng nabanggit sa itaas, ang iyong mobile service provider ay maaaring mag-alok ng mga espesyal na deal sa mga bagong device, kabilang ang ilang mga deal na maaaring may kasamang isang libreng cell phone.

Bilang karagdagan, bagamat hindi kasama sa binabayaran ang halaga ng mga bagong device, maaaring makatulong sa mga karapat-dapat na consumer ang ibang mga programa ng FCC sa pagbabayad ng telepono o mga internet service:

  • Ang programang Lifeline ng FCC ay maaaring makatulong sa mga karapat-dapat na consumer upang kumonekta sa mga serbisyo sa telepono at internet. Ang programang ito ay nagbibigay ng diskwento sa serbisyo sa telepono para sa mga kwalipikadong consumer na may mababang kita upang matiyak na ang lahat ng mga Amerikano ay mabigyan ng mga pagkakataon at seguridad na hatid ng serbisyo sa telepono, kabilang na ang kakayahang kumonekta sa mga trabaho, sa pamilya, at sa mga serbisyong pang-emerhersya. Maaari mong lubusang malaman ang tungkol sa Lifeline Program at alamin kung ikaw ay karapat-dapat. here.
  • Bilang karagdagan, ang programang Emergency Broadband Benefit ng FCC ay nagbibigay ng pansamantalang diskwento na hanggang $50 bawat buwan sa serbisyo ng broadband para sa mga pamilyang karapat-dapat sa panahon ng COVID-19 pandemic. Maaari mong lubusang malaman ang tungkol sa programang, kung ano ang saklaw nito, at alamin kung iakw ay karapat-dapat dito here.

Mga Karagdagang Pinagmulan

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa 5G, bisitahin ang aming FAQs page.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa istratehiya ng 5G ng FCC, bisitahin ang America's 5G Future ng FCC .

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu sa consumer, bisitahin ang Consumer Help Center ng FCC sa www.fcc.gov/consumers.

`

Mga Kahaliling Format

Upang hilingin ang artikulong ito sa isang kahaliling format - braille, malaking print, Word o dokumento ng text o audio - sumulat o tumawag sa amin sa address o numero ng telepono sa ilalim ng pahina, o magpadala ng isang email sa fcc504@fcc.gov.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.