Simula noong paglipat sa digital na telebisyon, dumami ang libreng over-the-air na palabas ang napagpipilian ng karamihan sa mga consumer. Magbibigay ang gabay na ito ng impormasyon sa mga TV antenna at mga tip sa pagkakaroon na magandang kalidad na reception ng mga digital na broadcast.

Pagsa-scan para sa Mga DTV Channel

Pagsa-scan para sa Mga DTV Channel

Bago gumawa ng anumang mga pagbabago sa kasalukuyan mong antenna o antenna system, dapat kang gumawa ng pag-scan ng channel para makita kung natatanggap ng iyong antenna ang mga digital signal na bino-broadcast sa iyong lugar.

Para magpatakbo ng pag-scan ng channel, hanapin ang "set-up" o "menu" button sa iyong remote control, pagkatapos ay piliin ang opsyong nagbibigay-daan sa iyong maghanap para sa lahat ng available na digital broadcast channel. Kapag nakumpleto na ang pag-scan, natatanggap mo na dapat lahat ng available na digital channel sa iyong lugar. Kadalasan, ito lang ang kailangan mong gawin para makapanood ng mga DTV broadcast.

Dapat kang pana-panahong mag-rescan para matiyak na mayroon ang iyong TV ng kasalukuyang lineup ng channel para sa iyong lugar.

Kung nagkakaproblema ka sa pagkumpleto sa iyong pag-scan ng channel, kumonsulta sa owner's manual ng iyong digital-to-analog converter box o DTV para sa mga detalyadong tagubilin. Makakakita ng higit pang impormasyon sa fcc.gov/rescan

Mga Antenna para sa Pagsagap ng DTV

Mga Antenna para sa Pagsagap ng DTV

(Tandaan: Ang auction ng spectrum na binigyan ng lisensya para mag-broadcast ng mga istasyon ng television na gumagana sa mga UHF TV Channels 38-51 ay nagresulta sa paglipat sa iba pang mga channel ng maraming istasyon ng TV sa mga channel na ito. Halos lahat ng apektadong istasyon ng TV ay natapos sa paglipat noong Hulyo 2020.)

Para matanggap ang mga DTV signal mula sa lahat ng istasyon sa lugar, kailangang nakakatanggap ang iyong antenna ng parehong VHF channel (mga channel 2-13) at UHF channel (mga channel 14-36). Nakapagbibigay lang ang ilang antenna ng magandang reception ng VHF o UHF channel, pero hindi sa pareho. Halimbawae, karaniwang kailangan ng mga indoor "rabbit ears" na masuportahan ng karagdagang "wire loop" o "bowtie" antenna (tingnan ang mga larawan sa susunod na tab) para makakuha ng mga signal sa mga UHF channel. Marami sa mga antenna na ibinebenta bilang "HDTV Antenna" ay pinakamainam na gumagana sa pagtanggap ng mga UHF signal, pero hindi gaanong gumagana sa pagtanggap ng mga VHF channel. Magtanong sa mga retail consultant at website para sa consumer para matiyak na makapagbibigay ang anumang antenna na pipiliin mo ng magandang reception sa parehong VHF at UHF channel.

Kahit na gumagamit ka ng digital-to-analog converter box, kakailanganin mo pa ring gumamit ng antenna para makatanggap ng mga DTV signal. Hindi naglalaman ang mga digital-to-analog converter box ng karagdagang antenna o pampalakas ng signal.

Mga Antenna para sa Iba't ibang Sitwasyon

Mga Antenna para sa Iba't ibang Sitwasyon

Kadalasan, ang mga antenna na ipinapakita sa ibaba ay gagana ayon sa tinukoy na lakas ng signal, ngunit maaaring hindi gumana sa lahat ng pagkakataon. Ang uri ng antenna na kinakailangan sa isang partikular na lokasyon ay maaaring mag-iba depende sa heograpikong lokasyon, taas ng pagkakalagay ng antenna at iba pang salik sa lugar tulad ng mga kalapit na gusali, puno, anyo ng lupa o pagkakagawa ng bahay. Sa pangkalahatan, makakakuha ng mas magandang reception ang mga panlabas na antenna kumpara sa mga panloob na antenna, at lubos itong inirerekomenda para sa pinakamaaasahang reception.

Mga Malakas na Signal ng TV

       

VHF

+

UHF

o

Pinagsamang VHF/UHF

Larawan ng panloob na VHF antenna   Larawan ng panloob na UHF antenna   Larawan ng panloob na VHF/UHF antenna

Maaaring maging sapat na ang mga simpleng panloob na antenna para sa mga lokasyon na may malakas na signal ng TV.

 

Mga Katamtamang Signal ng TV

   

Mataas na kalidad na panloob na antenna (tingnan ang kahon para sa impormasyon)
o maaaring naaangkop ang panlabas na antenna.

Larawan ng mataas na kalidad na panloob na VHF/UHF antenna

Larawan ng panlabas na rooftop antenna

 

 

Mga Mahinang Signal ng TV

   

Larawan ng rooftop antenna

Naaangkop ang
panlabas na antenna.

Larawan ng panlabas na rooftop antenna

Tingnan ang www.antennaweb.org (web page sa wikang Ingles) para sa gabay sa uri ng panlabas na antenna na maaaring kinakailangan mo.

 

Mga Tip sa Reception

Mga Tip sa Reception
  • Karaniwang kinakailangang maisaayos sa tamang direksyon o "maituon" ang mga antenna upang makasagap ng pinakamagandang signal mula sa gustong istasyon. Kadalasang napapahusay ang reception ng DTV sa pamamagitan lang ng pagbabago sa lokasyon ng iyong kasalukuyang antenna, kahit na ilang pulgada lang na pagbabago. Halimbawa, madalas na nagpapahusay sa reception ang paglalayo rito sa ibang mga bagay o paglalagay nito nang mas mataas o mas mababa. Tiyaking ililipat nang dahan-dahan ang antenna upang magbigay ng panahong maipakita ang nasasagap na signal ng tuner ng digital TV.
  • Habang isinasaayos ang iyong antenna, maaaring makatulong ang pag-access sa "metro ng lakas ng signal" sa iyong digital-to-analog converter box o DTV, kung mayroon nito, upang malaman kung napapahusay ba ng pagsasaayos na ginagawa mo ang lakas ng signal. Karaniwang naa-access ang metro ng lakas ng signal sa pamamagitan ng menu feature sa iyong remote control; tingnan ang owner’s manual ng iyong device upang malaman ang mga detalyadong tagubilin sa pag-access nito.
  • Huwag kalimutang magsagawa ng isa pang channel scan matapos mong maisaayos ang iyong antenna. Para sa mga panlabas na antenna, maaaring mapahusay ang pagganap ng rotor na muling nagsasaayos sa oryentasyon ng antenna, partikular na kapag sinusubukang sumagap ng mga istasyong nagta-transmit sa iba't ibang lokasyon.
  • Kung malapit ka sa broadcast tower ng isang istasyon, ang reception ng istasyong iyon, gayundin ng iba pang istasyon, ay maaaring mahadlangan ng matinding "paglabis" ng signal. Kung may hinala ka na ganito ang sitwasyon, maaari mong alisin ang anumang signal amplifier na mayroon ka o subukang magkabit ng "attenuator" upang bawasan ang lakas ng signal na pumapasok sa iyong converter box o DTV.
  • Kung hindi ka nakakasagap ng ilang partikular na istasyon ng DTV, hindi ito agad nangangahulugan na may problema sa iyong antenna o receiver. Tiyakin sa istasyon ng TV upang malaman kung may mga pinaplano silang pagbabago na magpapahusay sa reception. Upang matiyak ang mga available na signal kung saan ka nakatira, gamitin ang mga mapa ng DTV reception ng FCC. (Na wikang Ingles ang web page)

Higit Pang Impormasyon

Higit Pang Impormasyon

Para sa higit pang impormasyon sa mga isyung mahalaga sa consumer, tumungo sa Help Center ng Consumer ng FCC (sa Ingles).

Matuto pa tungkol sa paglipat sa DTV sa Archive ng Gabay sa Consumer ng DTV. (Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.