Dapat sumunod ang mga istasyon ng broadcast na telebisyon at radyo sa mga panuntunan ng FCC kapag nagsasagawa ng mga paligsahan. Dapat ay ganap at tumpak na ipahayag ng mga istasyon ang mga panuntunan ng paligsahan, at dapat ding isagawa ng mga ito ang paligsahan tulad ng inanunsyo. Hindi maaaring mali, mapanlinlang, o madaya ang mga paglalarawan sa paligsahan.

Mga Loterya

Karaniwang pinagbabawalan ng pederal na batas ang mga patalastas tungkol sa mga loterya, maliban para sa:

  • Mga loteryang isinasagawa ng estado kung saan ineere ang patalastas ng istasyong may lisensya sa isang lokasyon sa estadong iyon.
  • Pagsusugal na isinasagawa nang legal ng isang tribung Indian.
  • Mga patalastas sa loob at labas ng estado para sa pagsusugal sa casino na naaayon sa batas.
  • Mga loteryang pinahihintulutan o hindi pinagbabawalan ng estado kung saan pinapatalastas ang mga ito, hangga’t isinasagawa ang mga ito ng organisasyong hindi naglalayong kumita o ng organisasyon ng pamahalaan, o bilang isang pampromosyong aktibidad ng pangkomersyong organisasyon kapag hindi ito ang pangunahing negosyo ng organisasyong iyon.
  • Ilang partikular na paligsahan sa pangingisda.

Mga Pangangalap ng Mga Pondo

Ang mga pag-eere ng mga kahilingan para sa mga pondo para sa mga legal na layunin, kabilang ang mga paghiling ng mga kontribusyon upang matugunan ang gastusin sa pagpapatakbo ng istasyon, ay karaniwang pinahihintulutan ng pederal na batas.

Mga Parusa

Kung sa palagay mo ay may istasyong lumabag sa mga panuntunan ng FCC hinggil sa mga paligsahan, loterya o pangangalap ng mga pondo, maaari kang maghain ng reklamo sa FCC. Maaaring humantong ang mga paglabag sa pagpapataw ng mga parusa sa mga may-ari ng mga lisensya sa pag-broadcast.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.