Ang closed captioning ay ang visual display ng bahaging audio ng video programming. Nagagamit ang caption para sa mga indibidwal na may kapansanan sa pandinig o walang pandinig at kadalasan itong ginagamit sa mga lugar kung saan hindi gaanong naririnig ang isang programa sa TV, gaya ng mga restaurant at pasilidad sa pag-eehersisyo. Ipinag-uutos sa Twenty-First Century Communications and Video Accessibility Act ang pagbibigay ng mga closed caption sa mga consumer sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng mga video device bukod pa sa mga monitor ng telebisyon na may lapad na 13 pulgada o mas malaki.

Ano ang mga kinakailangan sa captioning ng FCC para sa kagamitan?

  • Ang kagamitang na-manufacture pagkaraan ng Ene. 1, 2014 na nakakatanggap o nakakapag-playback ng video programming gamit ang picture screen na 13 pulgada o mas malaki (sinukat nang pahilis) ay dapat kayang magpakita ng mga closed caption, kung posible sa teknikal na aspeto. Ang kagamitang may mga screen na mas maliit sa 13 pulgada ay dapat kayang magpakita ng mga closed caption, kung posible ito sa teknikal na aspeto at magagawa kung pagsisikapan o pagkakagastusan.
  • Kung magagawa sa pagsisikap o paggastos, dapat mabigyang-daan ng kagamitang na-manufacture pagkaraan ng Ene. 1, 2014 na nagre-record ng video programming ang pagpapakita ng mga closed caption o dapat maipasa nito ang mga closed caption papunta sa kagamitang gagamitin upang mapanood ang programming. Dapat magawang i-on at i-off ng mga manonood ang mga closed caption habang nagpe-play ang video programming.

Anu-anong kagamitan ang saklaw ng mga panuntunan, at alin ang hindi?

  • Saklaw ng mga panuntunan ang mga aktuwal na device na idinisenyong makatanggap at makapag-playback ng video programming, kabilang ang mga smartphone, tablet, personal na computer, at set-top box ng telebisyon.
  • Kabilang sa kagamitan ang software na na-install ng manufacturer bago ibenta ang kagamitan, gayundin ang software na iniaatas ng manufacturer na i-install ng consumer pagkatapos mabili ang kagamitan.
  • Saklaw ng mga panuntunan ang lahat ng recording device at removable media player, ngunit na-extend ang deadline ng pagsunod para sa mga DVD player na hindi nagre-render o napapasahan ng mga caption at sa mga Blu-ray player.
  • Hindi saklaw ng mga panuntunan ang pampropesyunal at pangkomersyal na kagamitan.
  • Hindi saklaw ng mga panuntunan ang mga display-only na monitor.
  • Maaaring humingi ng mga waiver ang mga manufacturer mula sa mga panuntunan para sa anumang kagamitang maaaring may kakayahang makatanggap o makapag-play ng video programming, ngunit pangunahing idinisenyo para sa iba pang layunin.
  • Inaatasan ng mga panuntunan ang mga sinasaklawang device na bigyang kakayahan ang mga consumer na isaayos ang mga closed caption sa iba’t ibang paraan, kabilang ang kulay (ng text at ng background), laki, mga font, opacity, mga edge attribute, at pagpili ng wika nito.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.