U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Ang Connect America Fund – na kilala rin bilang programa ng Pangkalahatang Serbisyo sa Malaking Gastusin – ay programa ng FCC upang palawakin ang access sa mga serbisyo ng voice at broadband para sa mga lugar na hindi available ang ganitong mga serbisyo. Sa pamamagitan ng CAF Phase II, nagbibigay ang FCC ng pondo sa mga kumpanya ng lokal na telepono upang subsidiyahan ang gastusin ng pagtatayo ng bagong imprastraktura ng network o pagsasagawa ng pag-upgrade ng network upang maghatid ng serbisyo ng voice at broadband sa mga lugar na walang ganitong serbisyo.

Ang CAF ay isang programa sa loob ng ilang partikular na taon, na maihahambing sa pinalawak na serbisyo ng kuryente at telepono sa mga rural na bahagi ng Amerika sa mga unang taon ng ikadalawampung siglo, at sa pagtatayo ng interstate na highway system sa mga taon ng 1950s at '60s. Upang tiyaking masusulit ang suporta ng CAF, pinagtuunan ng pansin ng FCC ang mga lugar na malinaw na hindi naseserbisyuhan o hindi ganap na naseserbisyuhan ng mga provider ng serbisyong walang subsidiya. 

Maiaalok ba ang broadband sa aking lugar sa pamamagitan ng CAF?

CAF-II-Map thumbnail Para sa mapa ng mga lugar kung saan tumanggap at tatanggap ang mga provider ng serbisyo ng suporta ng CAF Phase II sa loob ng anim na taon ng programa, bisitahin ang www.fcc.gov/reports-research/maps/caf-2-accepted-map (sa Ingles).

Ang malalaking kumpanyang tumanggap ng suporta ng CAF Phase II ay naninindigan sa pagdaragdag ng serbisyo para sa mahigit sa 3.6 milyong tahanan at negosyo sa 45 estado at sa Northern Mariana Islands.

Gayunpaman, sa ilang estado at lugar, tinanggihan ng mga provider ng serbisyo ang iniaalok na pondo. Maaari silang patuloy na magkaroon ng obligasyong maghatid ng mga serbisyo ng voice sa mga bagong lokasyon, ngunit wala silang obligasyon sa CAF Phase II na maghatid ng mga serbisyo ng broadband sa mga bagong lokasyon.

Ano ang timetable para sa pag-access sa broadband sa pamamagitan ng CAF?

Kung naninirahan ka sa estado kung saan tumanggap ang provider ng serbisyo ng suporta ng CAF Phase II, maaari kang magkaroon ng access sa serbisyo ng broadband sa loob ng susunod na ilang taon. Ang mga kumpanyang tumanggap ng suporta ng CAF Phase II ay may anim na taon upang magplano at maghatid ng broadband sa mga consumer, bagama't hindi ginagarantiyang magkakaroon ng access ang bawat sambahayan. Ang iskedyul ng paglalagay ay pinagpapasyahan ng provider ng serbisyo at hindi ng FCC.

Ano ang mga minimum na kinakailangan para sa mga serbisyo ng broadband sa ilalim ng CAF?

Ang mga kumpanyang tumanggap ng suporta ng CAF Phase II ay dapat matugunan ang mga sumusunod na kinakailangan para sa mga serbisyo ng voice at broadband:

  • Bilis: Ang mga provider ng serbisyo ay dapat maghatid ng broadband sa bilis na hindi bababa sa downstream na 10 megabit bawat segundo at upstream na 1 Mbps.
  • Latency: Ang latency ng network ng mga provider ng serbisyo ay hindi maaaring mas mataas sa 100 millisecond kada round trip. Ang latency ay ang oras na inaabot ng packet ng data upang maglakbay nang pabalik-balik sa isang network.
  • Palugit sa Paggamit: Sa kasalukuyan, dapat magbigay ang carrier ng hindi bababa sa isang plan na may minimum na palugit sa paggamit na hindi bababa sa 150 gigabyte kada buwan, o sa ilang partikular na pagkakataon, isang plan na may magagamit na 100 GB.
  • Pagpepresyo: Ang mga provider ng serbisyo ay dapat maghatid ng serbisyo sa mga rate na makatuwirang maihahalintulad sa mga rate sa mga siyudad.

Ano ang mga plano para sa paglalagay ng broadband pagkatapos ng CAF Phase II?

Sa mga lugar kung saan tumanggap ang mga provider ng serbisyo ng suporta ng CAF Phase II, pinaplano ng FCC na suriin at solusyunan ang mga bahaging hindi pa rin naseserbisyuhan sa pagtatapos ng programa sa 2020. Sa mga lugar na hindi pa rin nahahatiran ng serbisyo, maggagawad ng suporta ang FCC sa pamamagitan ng kumpetitibong proseso ng pag-bid.

Ang ilang partikular na lugar ay sineserbisyuhan ng iba pang grupo ng mga provider ng serbisyo, pangunahin na ang mas maliliit na lokal na kumpanya ng telepono ("mga rate-of-return carrier") na hindi kwalipikado para sa suporta ng CAF Phase II. Ang mga provider ng serbisyo na ito ay tumatanggap ng suporta sa pamamagitan ng iba pang paraan at karaniwang napapailalim sa mga obligasyon sa broadband. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga rate-of-return carrier, pakibisita ang https://www.fcc.gov/general/rate-return-resources (sa Ingles).

Susubaybayan ng FCC ang pag-usad at nag-iisip ng iba pang paraan upang matiyak ang access sa serbisyo ng broadband para sa mga consumer na hindi naseserbisyuhan at kulang ang natatanggap na serbisyo.

Para sa higit pang detalye tungkol sa CAF, pakibisita ang www.fcc.gov/general/connect-america-fund-caf (sa Ingles).

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.