Pinagbabawalan ng batas pederal ang malaswa, eskandaloso at bastos na nilalaman mula sa pagkaka-broadcast sa radyo o TV.  Mukhang sapat na malinaw iyon, ngunit maaaring maging mahirap tukuyin kung ano ang malaswa, eskandaloso o batos, depende sa kung sino ang kausap mo.

Sa napakalaking kaso ng Supreme Court noong 1964 sa kabastusan at pornograpiya, naisulat ni Justice Stewart Potter ang: "I know it when I see it (Alam ko ito kapag nakita ko)."  May impluwensiya pa rin ang kasong iyon sa mga panuntunan ng FCC ngayon, at itinutulak ng mga reklamo mula sa publiko tungkol sa pagbo-broadcast ng mga katutol-tutol na nilalaman ang pagpapatupad ng mga panuntunang iyon.

Sa madaling salita, kung "alam mo ito kapag nakita mo ito" at katutol-tutol ito para sa iyo, maaari mo itong sabihin sa FCC at hilingin sa aming suriin ito.

Pagpapasya kung ano ang malaswa, eskandaloso o bastos

May natatanging paglalarawan ang bawat uri ng nilalaman:

Ang Malaswang nilalaman ay walang proteksyon mula sa First Amendment.  Para maituring na malaswa ang nilalaman, dapat na matugunan nito ang tatlong bahaging pagsusuri na naitaguyod ng Korte Suprema: Dapat na makuha nito ang makamundong pagnanasa ng isang average na tao; nagpapakita o naglalarawan ng sekswal na pagkilos sa paraang "hindi kanais-nais"; at, kung titingnan nang buo, nagkukulang sa halaga para sa panitikan, sining, politika o siyentipiko.

Ang Eskandalosong nilalaman ay nagpapakita ng mga sekswal o excretory na bahagi ng katawan o mga aktibidad sa paraang hindi nakakatugon sa tatlong bahaging pagsusuri para sa kalaswaan.

Kasama sa Bastos na nilalaman ang "talagang hindi kanais-nais" na wika na itinuturing na nakakainis ng publiko.

Kasama sa mga salik sa pagtukoy kung paano nalalapat ang mga panuntunan ng FCC ang likas na katangian ng nilalaman, oras ng araw kung kailan ito na-broadcast at ang konteksto kung kailan ito naganap sa broadcast.

Ipinagbabawal ng batas ang pagbo-broadcast ng malaswang nilalaman sa buong araw. Ipinagbabawal ang eskandaloso at bastos na nilalaman sa pag-broadcast sa TV at radyo sa pagitan ng 6 a.m. at 10 p.m., kung kailan may makatuwirang pagkakataon na may mga batang nanonood o nakikinig. 

Paano naman sa cable, satellite TV at satellite radio?

Dahil hindi pinoprotektahan ng First Amendment ang kalaswaan, ipinagbabawal ito sa cable, satellite at broadcast TV at radyo.  Gayunpaman, hindi nalalapat ang mga parehong panuntunan para sa pagiging eskandaloso at kabastusan sa cable, satellite TV at satellite radio dahil ang mga serbisyong ito ay may subscription.

Pagpapatupad ng mga panuntunan

Karaniwang nagsisimula ang pagpapatupad ng mga panuntunan sa kalaswaan, pagiging eskandaloso at kabstusan sa mga reklamo mula sa publiko na susuriin ng kawani ng FCC para sa mga posibleng paglabag. Kung nangangailangan ng pagsisiyasat at nakita ngFCC na nilalabag ng isang istasyon ang mga panuntunan nito, may awtoridad itong bawiin ang lisensya ng istasyon, maningil ng multa o magbigay ng babala.  

Anong impormasyon ang dapat kong isama sa reklamo sa kalaswaan, pagiging eskandaloso o kabastusan sa FCC?

Kapag naghahain ng reklamo, pakisama ang sumusunod na impormasyon:

  • Petsa at oras ng pag-broadcast.
  • Ang call sign, channel at/o frequency ng istasyon.
  • Mga detalye ng kung ano ang mismong sinabi o ipinakita sa broadcast.

Makakatulong ang mga detalyadong reklamo para sa pagsusuri sa konteksto ng hindi kanais-nais na wika, imahe o eksena at pagtukoy sa mga posibleng paglabag sa panuntunan. Makakatulong din (ngunit hindi kinakailangan) na magsama ng recording o transcript ng isang broadcast kung maaari, bagama't ang anumang mga dokumentong ibibigay mo ay magiging bahagi ng mga talaan ng FCC at maaaring hindi maibalik.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.