Kung ang mga empleyado ng istasyon sa pag-broadcast, producer ng programa, supplier ng programa, at iba pa ay tatanggap o sasang-ayong tumanggap ng mga bayad, serbisyo, o iba pang mahalagang pagsasaalang-alang kapalit ng pag-eere ng materyal, iniaatas ng pederal na batas at mga panuntunan ng FCC sa mga broadcaster na ganap na ihayag ang impormasyong ito sa mga tagapakinig sa oras ng pag-ere ng programa.
Ano ang sinasabi sa mga panuntunan
Iniaatas sa Communications Act at mga panuntunan ng FCC na:
- Kapag ang isang lisensyado sa pag-broadcast ay tumanggap o pinangakuan ng bayad para sa pag-eere ng materyal na programa, dapat ay ganap na ihayag ng istasyon ang detalyeng iyon sa oras ng pag-ere ng materyal at dapat tukuyin kung sino ang nagbabayad pa rito;
- Ang lahat ng na-sponsor na materyal ay dapat hayagang tinutukoy maliban kung malinaw na ang pagbanggit ng produkto o serbisyo ay bumubuo ng pagpapakilala ng pag-sponsor;
- Ang sinumang empleyado ng istasyon sa pag-broadcast na tumanggap o sumang-ayong tumanggap ng bayad para sa pag-eere ng materyal na programa, at ang taong nagbayad o nangakong magbabayad, ay dapat ihayag ang impormasyong ito sa istasyon bago ang pag-eere;
- Ang sinumang taong kaugnay sa pag-supply, produksyon, o paghahanda ng programa na tumatanggap o nagsasagawa ng pagbabayad para sa pag-eere nito, o may nalalaman sa mga naturang kasunduan, ay dapat ihayag ang impormasyong ito bago ang pag-eere;
- Ang mga lisensyado sa pag-broadcast ay dapat magsagawa ng mga makatuwirang pagsisikap upang makuha sa kanilang mga empleyado at supplier ng programa ang kinakailangang impormasyon upang maisagawa ang iniaatas na mga pag-anunsyo ng pag-sponsor;
- Dapat ipagbigay-alam ang impormasyon hanggang sa chain ng produksyon at pamamahagi bago ang oras ng pag-broadcast.
Nalalapat ang mga panuntunang ito sa lahat ng uri ng materyal na programang ineere sa mga istasyon sa pag-broadcast ng radyo at telebisyon. Maaaring nalalapat din ang ilan sa mga panuntunang ito sa mga cablecast.
Paghahain ng Reklamo
Kung may pinaghihinalaan kang broadcaster na lumabag sa mga panuntunan ng FCC, maaari kang maghain ng reklamo sa FCC (sa Ingles).
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.