Ang mga personal na radio service ay mga pangmalapitang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga radio wave na mahinang kumonsumo ng kuryente at gumagamit ng mga device na gumagana sa paraang kagaya ng mga walkie-talkie. Kabilang sa mga personal na radio service ang mga one-way at two-way na serbisyo sa pakikipag-usap gamit ang boses, serbisyo sa data, at mga malayuang kinokontrol na transmission na nagpapatakbo ng mga kagamitan.

Karaniwang hindi nakaasa sa mga transmission tower o iba pang kagamitan ang mga device na ginagamit sa mga personal na radio service. Nakakaranas ng higit na mas kaunting static, ingay, at paghina ng signal kaysa sa mga CB o walkie talkie ang ilang uri nito, partikular na ang mga gumagamit ng VHF at UHF na radio spectrum.

Ang mga pinakasikat na uri ng mga personal na radio service ay ang Citizens Band Radio Service, Family Radio Service, General Mobile Radio Service, Low-Power Radio Service, at Multi-Use Radio Service. Sa mga uri ng serbisyo na ito, ang General Mobile Radio Service lang ang may kailangan ng lisensya mula sa FCC para sa pagpapatakbo.

Citizens Band Radio Service (CB)

  • Nagbibigay-daan ang serbisyo ng CB sa mga pribadong two-way na pakikipag-ugnayan.
  • "Palit-palitang" gumagana ang serbisyo ng CB sa 40 nakabahaging channel, ibig sabihin, walang channel ng CB na nakatalaga sa sinuman/anumang partikular na indibidwal o organisasyon. Hindi maaaring makipag-usap nang tuluy-tuloy ang mga user sa ibang istasyon nang mahigit 5 minuto, at kinakailangang maghintay nang hindi bababa sa isang minuto bago muling makipag-ugnayan.
  • Kinakailangan ng certification mula sa FCC para sa mga kagamitan sa CB na ginagamit sa Estados Unidos, at dapat ay may label mula sa manufacturer na nagsasabing na-certify ang mga ito.
  • Hindi mo maaaring pataasin ang power output o baguhin ang loob ng iyong CB unit, at hindi ka maaaring magkabit ng anumang uri ng power amplifier dito. Nag-iiba ang maximum na pinapahintulutang power level depende sa kung nagta-transmit ng single side band (hanggag labindalawang watt na Peak Envelope Power (PEP)) o ng AM signal (hanggang apat na watt na PEP) ang istasyon. Hindi pinapahintulutan ang mga pakikipag-ugnayan (o pagtatangkang makipag-ugnayan) sa mga istasyong mahigit 250 km (155.3 milya) ang layo.

Family Radio Service (FRS)

  • Nagbibigay-daan ang FRS sa two-way na pakikipag-ugnayan gamit ang boses sa loob ng maiikling distansya (karaniwang mas maikli sa kalahating milya sa mga 0.5 watt na channel at hanggang dalawang milya sa mga 2 watt na channel, depende sa mga kundisyon).
  • Maihahambing sa walkie-talkie ang hitsura at paraan ng paggana ng FRS unit.
  • Sa taong 2017, nagdisenyo ang Commission ng mga karagdagang channel na magagamit para sa FRS at binago nila ang pagkakauri ng ilang partikular na dual-use na FRS-General Mobile Radio Service (GMRS) unit bilang mga unit na para lang sa FRS kung saan hindi kailangan ng indibidwal na lisensya. Kailangan pa rin ng lisensya sa GMRS upang magpatakbo ng ERP na gumagamit ng mahigit 2 watt; upang magpatakbo sa mga frequency na 467.5500, 467.5750, 467.6000, 467.6250, 467.6500, 467.6750, 467.7000, at 467.7250 MHz; o upang gumamit ng naaalis na antenna.
  • Maaari mong gamitin ang iyong FRS unit saanman sa U.S. at mga pag-aari nito.

General Mobile Radio Service (GMRS)

  • Ang GMRS ay isang mobile at panlupang radio service na available para sa mga two-way na pakikipag-ugnayan sa loob ng maikling distansya.
  • Kinakailangan ng lisensya mula sa FCC upang legal na makapagpatakbo ng GMRS system. Ang indibidwal na may lisensya ang tanging responsable sa wastong pagpapatakbo ng GMRS system.
  • Ang GMRS system ay binubuo ng mga operator ng istasyon at isang mobile na istasyong may isa o higit pang mobile unit. Maaaring mayroon din itong isa o higit pang istasyong panlupa. Ginagamit bilang mga repeater ang ilang istasyong panlupa, na nagpapalawak sa saklaw ng mga mobile unit ng GMRS.
  • Sa mga indibidwal lang ibinibigay ang mga lisensya sa GMRS, ngunit maaaring i-renew ang mga lisensya sa GMRS na ibinigay sa mga hindi indibidwal na entity (gaya ng mga negosyo) bago sumapit ang Hulyo 31, 1987 kung makakatugon sila sa ilang partikular na kundisyon. Maaari kang mag-apply para sa lisensya sa GMRS online (sa Ingles), o sa pamamagitan ng pagsagot sa FCC Form 605 (sa Ingles). Nagtatakda ang FCC ng mga fee sa paghahain ng lisensya (sa Ingles) taun-taon, at magagamit ang mga lisensya sa loob ng 10 taon.

Low Power Radio Service (LPRS)

  • Ang LPRS ay isang pribadong one-way na serbisyo sa pakikipag-ugnayan sa loob ng maiikling distansya na nagbibigay-daan sa mga istasyon na mag-transmit ng data ng boses o signal para sa tulong sa pandinig sa mga taong nangangailangan ng pagsasalin ng wika, at sa ilang partikular na indibidwal sa mga sitwasyong pang-edukasyon. Nagbibigay-daan din ang LPRS sa mga istasyon na mag-transmit ng boses, data, o mga tracking signal para sa mga pakikipag-ugnayang nauugnay sa pangangalagang pangkalusugan at ilang partikular na aktibidad kaugnay ng pagpapatupad ng batas. Hindi pinapahintulutan ang two-way na pakikipag-ugnayan. Maaari ring gamitin ang LPRS para sa mga pakikipag-ugnayang kaugnay ng pagkontrol sa network sa Automated Marine Telecommunications System (AMTS).
  • Maaaring gamitin ang mga LPRS transmitter saanman sa Estados Unidos.

Multi-Use Radio Service (MURS)

  • Ang MURS ay isang pribadong two-way na serbisyo sa pakikipag-ugnayan sa pamjamagitan ng mga radio wave gamit ang boses o data sa loob ng maiikling distansya.
  • Pinapatakbo ang serbisyo sa limang VHF channel. Kailangang mag-coordinate ang mga user ng MURS hinggil sa paggamit ng limang channel upang makaiwas sa pag-abala sa iba pang user. Walang user na mas isinasapriyoridad kaysa sa iba pang user, ngunit kinakailangang magparaya ng lahat ng user sa mga pakikipag-ugnayang pang-emergency. Hindi maaaring patakbuhin ang istasyon ng MURS bilang repeater na istasyon, kabilang ang mga store-and-forward na pagpapatakbo sa packet radio, o booster ng signal.
  • Dalawang watt ang maximum na pinapahintulutang output power para sa isang MURS unit. Nakadepende sa taas ng antenna ng unit, topograpiya, at lagay ng panahon ang saklaw ng transmission sa pagitan ng dalawang hand-held na unit.

Pagpapatabo ng radio service nang walang lisensya

Tandaang kung magpapatakbo ka ng radio transmitter na nangangailangan ng lisensya, o gumagamit ka ng radyong pinapahintulutan lang sa isang partikular na serbisyo sa hindi pinapahintulutang serbisyo, maaari kang multahan o ipakulong, at/o maaaring kumpiskahin ang mga kagamitan.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.