Kung sinisingil ka ng iyong provider ng cable para sa mga serbisyo o kagamitang hindi mo hiniling o sinang-ayunan, maaaring nakaranas ka ng “negatibong opsyon sa billing.” Katulad sa “cramming” -- kapag isinasama ng kumpanya ng telepono ang mga hindi awtorisadong pagsingil sa bill ng telepono ng customer -- nagbibigay ang negatibong opsyon sa billing ng responsibilidad sa mga customer na makipag-ugnayan sa kumpanya ng cable upang matutulan ang mga singil at makuha ang mga refund.
Pinagbabawalan ang mga provider ng cable sa paniningil sa mga subscriber para sa mga serbisyo o kagamitang hindi nila hiniling. Dapat ka munang sumang-ayon sa mga bagay na gaya ng mga premium na subscription sa channel, mga set-top box o digital na video recorder bago ka singilin ng iyong kumpanya ng cable para sa mga ito. Hindi sapat para sa isang kumpanya ng cable na hayaan ka lamang mag-opt out pagkatapos magdagdag ng bagong serbisyo o piraso ng kagamitan sa iyong bill.
Pagkilos ng FCC
Sa isang kaso noong 2016 sa negatibong opsyon sa billing, inihayag ng mga subscriber sa isang malaking kumpanya ng cable na siningil sila para sa mga pag-upgrade ng serbisyo at kagamitang partikular nilang tinanggihan. Inihayag ng ibang wala silang kaalaman sa mga hindi awtorisadong pagsingil hanggang sa makatanggap sila ng mga hindi na-order na kagamitan sa koreo, makatanggap ng mga notification ng mga hindi hiniling na pagbabago sa account sa pamamagitan ng email, o magsagawa ng pagsusuri sa kanilang mga buwanang bill. Inilarawan ng mga consumer ang paggugol ng maraming oras at lakas upang tangkaing maalis ang mga hindi awtorisadong pagsingil sa kanilang mga bill at makakuha ng mga refund.
Inimbestigahan ng FCC ang kumpanya bilang pagtugon sa mga reklamong ito. Kasama sa naging resultang kasunduan ang pagbabayad ng malaking multa at mga umiiral na pangako (sa Ingles) ng kumpanyang mas gagawing madali para sa mga customer ang pagkuha ng mga refund at mas gagawing mahirap para sa mga hindi awtorisadong pagsingil na mailagay sa mga bill.
Ano ang maaari mong gawin
May responsibilidad ang mga kumpanya ng cable na tiyaking tumpak ang kanilang mga bill at na pinahintulutan ng kanilang mga customer ang anuman at lahat ng pagsingil. Maaari kang maghain ng reklamo (sa Ingles) sa FCC kung sa palagay mo ay naging biktima ka ng mga labag sa batas na gawain sa billing.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.