Kung gumagamit ka ng dial-up na modem upang i-access ang Internet at nakakita ka ng malaking halaga ng internasyonal na tawag sa bill ng iyong telepono na hindi ikaw ang gumawa, maaaring nabiktima ka ng scam sa internasyonal na pag-dial.

Narito kung paano ito ginagawa: Hinihikayat ng ilang website ang mga gumagamit ng computer na mag-download ng software upang matingnan ang ilang partikular na materyal. Maaaring idiskonekta ng software na ida-download mo ang modem ng iyong computer, pagkatapos ay ikokonekta itong muli gamit ang isang internasyonal na numerong pangmalayuan. Ang resulta: maaaring aktwal na tumatawag ang iyong modem sa malalayong bansa na magreresulta sa mga pagsingil sa iyong bill.

Mag-ingat sa pag-download

Hindi ka dapat mag-download ng mga program sa internet nang hindi binabasa ang mga pagpapahayag. Ang ilang website, na ina-advertise bilang "libre at hindi na-censor," ay maaaring may mga pagtatatwa (disclaimer) na kadalasang lumalabas sa isang pop-up na window na nagbubunyag ng impormasyon sa mga posibleng pagsingil o muling pag-route ng website. Mahalagang mabasa mo ang pagtatatwa upang malaman ang mga pagsingil na susuriin bago mo i-click ang kahong sumasang-ayon sa mga tuntunin at kondisyon.

Kapag isinasaad sa isang pagtatatwa ang tulad ng, "you will be disconnected from your local Internet access number and reconnected to an international location (madidiskonekta ka sa iyong lokal na numero sa pag-access sa Internet at muling ikokonekta sa isang internasyonal na lokasyon)," at sumang-ayon ka pa ring mag-download, maaari kang makatanggap ng bill sa telepono na may matataas na internasyonal na pagsingil ng toll. Maaari ding mapadalhan ka ng bill mula sa isang kumpanyang hindi pangtelekomunikasyon na nagbibigay ng serbisyo ng billing sa website.

Gayundin, maaaring mag-install ang ilang pop-up na ad ng mga spyware na uri ng program na nagdidiskonekta at muling nagra-route ng iyong modem, kahit na hindi mo pinapahintulutan.

Mga tip upang mabawasan ang panganib

  • Humiling sa iyong service provider ng internasyonal na pag-block sa linya ng iyong computer.
  • Isaalang-alang ang pag-disable ng iyong modem, kung mayroon kang broadband na access sa internet.
  • Samantalahin ang paggamit ng mga firewall, proteksyon sa virus at software laban sa spyware, at tiyaking na-download mo ang mga pinakabagong update para sa operating system at mga browser na ginagamit mo.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.