Dahil pasukan na ng mga mag-aaral sa kolehiyo ngayong semestre sa taglagas, maaari silang maging pangunahing target ng mga scammer na naghahanap ng pagkakakitaan sa abalang panahong ito ng paaralan, sa online at pati sa telepono.
Maaaring mas maging mahirap ang pagtukoy sa mga naturang scam mula sa hanay ng mga lehitimong lumilikom ng pondo at ng iba pang nagsisikap para tunay na makatulong sa mga mag-aaral at magulang. Gaya ng inilalarawan ng ABC News affiliate WTVD ng Raleigh, N.C. - tahanan ng NC State - ang mga mag-aaral sa kolehiyo "ang perpektong target (sa Ingles)." Ayon sa Better Business Bureau ng North Carolina, kabilang sa mga nangungunang scam na bumibiktima sa mag-aaral ang mga scam na may kaugnayan sa scholarship, teknikal na suporta, at kasama sa kwarto at pagpapaupa.
Bukod sa mga hindi hiniling na tawag o robocall, may iba pang ginagawa ang mga scammer sa campus para makapagnakaw ng personal na impormasyon; nagpapadala rin sila ng mga mapanlinlang na email at text message na mukhang opisyal. Binibigyang-pansin din sa kamakailang artikulo sa USA TODAY (sa Ingles) ang mga naturang scam sa campus at kung paano matutukoy ang mga ito. Ayon sa ulat ng USA Today, kabilang sa iba pang karaniwang scam ang mga pag-aalok ng pekeng scholarship (sa Ingles).
Mga bagay na dapat tandaan:
- Hindi mo kailangang magsagawa ng mga pagbabayad sa utang sa pamamagitan ng tawag sa telepono.
- Hindi lang sa simula ng taong pampanuruan nabibiktima sa scam ang mag-aaral; maging alerto sa mga scam sa buong taon.
- Huwag kailanman magbigay ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan kapag nakikipag-usap sa telepono, kabilang ang numero ng Social Security, numero ng account sa bangko at numero sa pagruruta, at numero ng credit at debit card.
- Tiyaking protektado ang impormasyon sa paghiram ng pera ng sinumang mag-aaral, dahil malamang na pagdiskitahan ng mga scammer ang mga mag-aaral na may utang.
- Pagbutihan at dalasan ang pagsubaybay sa iyong mga rekord ng pananalapi at impormasyon ng account sa bangko.
Para sa higit pang impormasyon kung paano maiiwasan ang mga scam sa telepono at iba pang hindi kanais-nais na tawag o text, bisitahin ang www.fcc.gov/robocalls/tagalog.
Maghain ng reklamo sa FCC
Dahil sa mga reklamong inihahain ng mga consumer sa amin, kami sa FCC ang madalas na unang nakakarinig ng tungkol sa mga scam sa telepono. Maaari kang maghain ng mga reklamo sa FCC (sa Ingles) tungkol sa mga hindi kanais-nais na tawag at panggagaya, kasama ng telecom billing, mga isyu sa serbisyo, at iba pang bagay na pinangangasiwaan ng FCC. Makikita ang impormasyon tungkol sa impormal na proseso ng pagrereklamo ng FCC, kabilang kung paano maghain ng reklamo, at ano ang mangyayari pagkatapos maihain ang reklamo sa Madalas na Itanong sa Complaint Center ng FCC (sa Ingles).
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.