Inaatasan ng mga panuntunan ng FCC ang mga cable television operator na nagbibigay ng serbisyo sa 1,000 o higit pang subscriber na magpanatili ng ilang partikular na tala at gawing available ang mga ito para sa pampublikong pagsisiyasat kapag hiniling sa isang napupuntahang lokasyon.

Anu-anong tala ang kinakailangang panatilihin ng mga kumpanya ng cable para sa pampublikong pagsisiyasat?

Inaatasan ang mga kumpanya ng cable na panatilihing available ang mga file na ito para sa pampublikong pagsisiyasat sa isang napupuntahang lokasyon.

  • Mga tala ng political advertising
  • Mga pagkakakilanlan ng sponsorship
  • Mga ulat ng Patas na Pagkakataong Makapagtrabaho
  • Mga tala para sa advertising habang nagpapalabas ng mga pambatang programa
  • Ang lokasyon ng principal local office ng system
  • Mga television broadcast station na ihinahatid ng system alinsunod sa mga sinusunod na iniaatas

Kabilang sa iba pang iniaatas ang:

  • Dapat available ang mga file para sa pampublikong pagsisiyasat anumang oras sa loob ng mga regular na oras ng negosyo.
  • Dapat kilalanin ng mga cable operator ang mga kahilingang personal idinulog na gumawa ng kopya ng mga dokumentong nakasaad sa mga file para sa pampublikong pagsisiyasat, at maaaring maningil ang mga ito ng makatwirang bayarin para sa mga kopya.
  • Dapat matugunan ang mga kahilingan para sa mga kopya ng mga dokumento sa loob ng makatwirang panahon, na hindi lalampas sa pitong araw.

Maaaring piliin ng mga cable operator, ngunit hindi inaatasan, na kilalanin ang mga kahilingan para sa mga kopya na ipinadala sa pamamagitan ng liham. Dapat kilalanin ang mga kahilingang personal na idinulog.

Higit pang impormasyon tungkol sa mga pampublikong file

Inaatasan na ng FCC ang halos lahat ng impormasyon ng pampublikong file para sa mga broadcast station, cable system, DBS provider, at SDARS licensee na i-post online. Matuto pa sa publicfiles.fcc.gov/about-station-profiles (sa Ingles).

Impormasyon para sa subscriber tungkol sa mga iniaatas sa privacy

Dahil kadalasang kailangang kumuka ng impormasyon ng mga kumpanya ng cable television mula sa mga subscriber upang makapagbigay ng mga serbisyo at magsagawa ng pagsingil, tinutugunan din ng mga panuntunan ng FCC ang mga saloobin tungkol sa privacy. Inaatasan ang mga kumpanyang gumawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang personal na impormasyon ng mga subscriber. Tingnan ang aming gabay para sa consumer, Pinoprotektahan ang Iyong Privacy: Mga Tala ng Telepono at Cable, para sa higit pang impormasyon.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.