U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Maaaring maging mahinang point ng pag-access sa data o pagnanakaw ng pagkakakilanlan ang mga Wi-Fi network at Bluetooth na koneksyon.  Sa kabutihang-palad, maraming paraan upang mabawasan ang iyong tsansang maging biktima.

Pag-encrypt

Pag-encrypt

Ang pag-encrypt ang pinakamabisang paraan upang mapanatiling ligtas ang iyong personal na data. Gumagana ito sa pamamagitan ng paghahalo ng data sa isang mensahe nang sa gayon ay ang mga nilalayong tatanggap lang ang makakabasa nito.  Kapag nagsisimula sa “https” ang address ng website na binibisita mo sa halip na “http,” nangangahulugan iyon na may nagaganap na pag-encrypt sa pagitan ng iyong browser at ng site.

Wired Equivalent Privacy (WEP) at Wi-Fi Protected Access (WPA) ang dalawa sa pinakakaraniwang uri ng pag-encrypt. Ang isang pinakamalakas na karaniwang available ay WPA2, kaya gamitin iyon kung mayroon kang opsyon. Kadalasang ipapaalam sa iyo ng mga Home Wi-Fi system at public Wi-Fi access point, o mga “hotspot” ang pag-encrypt na kanilang ginagamit.

Access sa Pampublikong Wi-Fi

Access sa Pampublikong Wi-Fi

Mas pinipili ng karamihan sa mga user ng Wi-Fi ang paggamit ng pampublikong network sa halip na gamitin ang plano ng data ng kanilang device para sa pag-access ng internet sa malayuan.  Ngunit, maaaring mapanganib ang ginhawa ng pampublikong Wi-Fi.  Kung hindi ka maingat, maaaring mabilis na i-access ng mga hacker ang iyong koneksyon at ikompromiso ang sensitibong impormasyong naka-store sa iyong device at sa mga online account. Narito ang ilang hakbang na maaaring mong gawin upang mabawasan ang panganib: 

  • Suriin ang validity ng mga available na Wi-Fi hotspot. Kung mayroong higit sa isang hotspot na lumalabas na sinasabing nabibilang ito sa lugar kung nasaan ka, makipag-ugnayan sa mga kawani upang maiwasan ang pagkonekta sa nagpapanggap na hotspot.
  • Siguraduhing lahat ng website na kung saan ka nakikipagpalitan ng impormasyon ay mayroong "https" sa simula ng web address. Kung gayon, ie-encrypt ang iyong na-transmit na data.
  • Mag-install ng app add-on na pumipilit sa iyong mga web browser na gumamit ng pag-encrypt kapag kumokonekta sa mga website -- kahit pa sa mga kilalang site na maaaring hindi normal na mag-encrypt ng kanilang mga komunikasyon.
  • Ayusin ang mga setting ng iyong smartphone nang sa gayon ay hindi ito awtomatikong kumokonekta sa mga kalapit na Wi-Fi network. Binibigyan ka nito nang higit na kontrol kung saan at kung kailan ka kokonekta.
  • Kung regular kang gumagamit ng mga pampublikong Wi-Fi hotspot, isaalang-alang ang paggamit ng vritual na pribadong network (virtual private network), na mag-e-encrypt ng lahat ng pag-transmit sa pagitan ng iyong device at ng internet. Maraming kumpanya ang nag-aalok ng mga VPN sa kanilang mga empleyado para sa layuning pangtrabaho, at maaaring mag-subscribe ang mga mismong indibidwal sa VPN.
  • Kapag nag-transmit ng sensitibong impormasyon, mas maaaring ligtas na gamitin ang data plan ng iyong cellphone sa halip na ang Wi-Fi.

Seguridad ng Bluetooth

Seguridad ng Bluetooth

Maaaring gamitin ang mga Bluetooth na koneksyon sa iyong mga mobile device upang kumonekta sa mga wireless headset, maglipat ng file, at i-enable ang pagtawag na hands-free habang nagmamaneho ka.  Karaniwan, payagan muna dapat ng user na magkaroon muna ng Bluetooth na koneksyon bago ibahagi ang data - isang proseso na tinatawag na "pagpares" - na nagbibigay ng sukatan ng seguridad ng data.  Ngunit tulad lang ng mga Wi-Fi na koneksyon, maaaring ilagay ng Bluetooth sa panganib ang iyong personal na data kung hindi ka mag-iingat.  Narito ang ilang hakbang na maaari mong gawin kapag gumagamit ng Bluetooth:

  • I-off ang Bluetooth kapag hindi ginagamit.  Kapag pinanatili itong aktibo, ine-enable nito ang mga hacker na tuklasin kung ano pang device ang kumonekta sa iyo dati, gayahin ang isa mga device na iyon, at kumuha ng access sa iyong device.
  • Kung ikokonekta mo ang iyong mobile phone sa isang inaarkilang sasakyan, maaaring maibahagi ang data ng phone sa may sasakyan.  Siguraduhing alisin sa pagkakapares ang iyong telepono mula sa sasakyan at alisin ang anumang personal na data mula sa sasakyan bago mo ito ibalik.  Gamitin din ang mga parehong hakbang kapag nagbebenta ng sasakyan na mayroong Bluetooth.
  • Gamitin ang Bluetooth sa "hidden" mode sa halip na "discoverable" mode.  Pinipigilan nito ang iba pang hindi kilalang device na mahanap ang iyong Bluetooth na koneksyon.

Seguridad ng Home Wireless Network

Seguridad ng Home Wireless Network

Ine-enable ng mga home wireless network ang mga computer at mobile device na magbahagi ng isang koneksyon ng broadband sa internet nang hindi kinakailangang gumamit ng mga up minute sa mga cellular data plan. Ngunit tulad ng lahat ng iba pang teknolohiya ng wireless network, may ipinapakitang kahinaan ang mga home wireless network na maaaring pagsamantalahan ng mga hacker. Upang matulungang protektahan ang iyong home wireless network mula sa mga hindi ginustong user, isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang:

  • I-on ang pag-encrypt. Madalas na lumalabas ang mga wireless router na naka-disable ang feature ng pag-encrypt, kaya siguraduhing agad itong i-enable sa oras na ma-install ang router. 
  • Baguhin ang default network name ng network, na kilala rin bilang service set identifier nito o "SSID."  Kapag naghanap ang computer na may wireless na koneksyon at nagpakita ng mga kalapit na wireless network, ililista nito ang bawat network na nakapampublikong broadcast ang SSID nito. Karaniwang binibigyan ng mga manufacturer ang lahat ng kanilang wireless router ng default na SSID, na kadalasang pangalan ng kanilang kumpanya. Para sa karagdagang seguridad, pumili ng natatangi at mahirap hulaan na pangalan bilang iyong SSID.
  • Baguhin ang default na password ng network. May kasamang mga naka-preset na password ang karamihan ng wireless router para sa pangangasiwa ng mga setting ng device (iba ito sa password na ginamit upang i-access ang mismong wireless network). Maaaring pamilyar ang mga hindi pinahihintulutang user sa mga default na password, kaya mahalagang palitan ang password ng router device sa sandaling ma-install ito. Mas higit na ligtas ang mahahabang password na binubuo ng kombinasyon ng mga titik, numero, at simbolo.
  • Isaalang-alang ang paggamit ng Media Access Control, o "MAC," filter ng mga address sa iyong wireless router.  Mayroong natatanging ID na tinatawag na "physical address" o "MAC" address ang bawat device na maaaring kumonekta sa isang Wi-Fi network. Maaaring i-screen ng mga wireless router ang mga MAC address ng lahat ng device na kumokonekta sa mga ito, at maaaring itakda ng mga user ang kanilang wireless network na tumanggap lang ng mga koneksyon mula sa mga device na may MAC address, na siyang kikilalanin ng router. Upang gumawa ng isa pang harang sa hindi pinahihintulutang access, isaalang-alang ang pag-activate ng MAC address filter ng iyong wireless router na device mo lang ang isama.
  • I-off ang iyong wireless router kapag hindi ito gagamitin sa loob ng mas mahabang panahon.
  • Gumamit ng anti-virus at anti-spyware software sa iyong computer, at gumamit ng mga katulad na app sa mga device mo na nag-a-access sa iyong wireless network.

Mga Password

Mga Password

Maaaring mahirap tandaan ang lahat ng iyong iba't ibang password. Maaaring mag-alok ang mga web browser at iba pang programa na tandaan ang mga password para sa iyo, na maaaring maging malaking kabawasan sa oras. Gayunpaman, maaaring mas hindi ka ligtas at secure sa ilang shortcut ng password. Makakatulong ang mga sumusunod na magandang hakbang na mapanatiling mas ligtas ang iyong personal na impormasyon:

  • Huwag gumamit ng iisang password para sa maraming account, lalo na para sa mga pinakasensitibo, tulad ng mga bank account, credit card, legal na tala o buwis, at file na naglalaman ng medikal na impormasyon.  Kung hindi, ang taong may access sa isa sa iyong mga account ay maaaring magkaroon ng access sa iba pa.
  • Huwag kusang ipatanda sa mga browser mo ang iyong password at idagdag ang mga ito para sa iyo, partikular para sa pinakamahahalagang pampinansyal, legal, at medikal na account. Kung magkaroon ng access sa iyong computer o smartphone ang hindi pinahihintulutang tao, maaari niyang i-access ang anumang account sa browser na awtomatikong nila-log in ito.
  • Huwag gumamit ng mga password na madaling hulaaan, tulad ng mga karaniwang salita at kaarawan ng mga miyembro ng pamilya. Sa halip, gumamit ng kombinasyon ng mga titik, numero, at simbolo. Kapag mas mahaba at mas mahirap ang password, mas ligtas ang iyong impormasyon

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.