Kapag nagbibiyahe sa ibang bansa, tandaan ang ang iyong mobile phone at iba pang mga device para sa personal na kominikasyon ay nagta-transmit at nag-iimbak ng iyong personal na impormasyon, na kasinghalaga ng o posibleng mas mahalaga pa sa mga nilalaman ng iyong bagahe.
Bago ka umalis
Gumawa ng mga proactive na hakbang upang gawing secure ang iyong mga device at iyong impormasyong personal na makapagpapakilala (personally identifiable information) bago ka magbiyahe. Iwanan sa bahay ang anumang electronic na kagamitang hindi mo kailangan sa iyong biyahe, at kung dadalhin mo ito, protektahan ito. Tiyaking:
- I-back up ang iyong mga electronic file.
- Magtanggal ng sensitibong data.
- Gumamit ng mga password na mahirap hulaan.
- Tiyaking up-to-date ang antivirus software.
Habang nagbibiyahe
Maging mapagmatyag sa tuwing ginagamit mo ang iyong mga device, at huwag akalaing secure ang lahat. Tiyakin na:
- Panatilihing secure ang iyong mga device sa mga pampublikong lugar gaya ng mga airport, hotel at restaurant.
- Maging mapagmatyag sa iyong kapaligiran at bantayang walang taong sumusubok na magnakaw ng impormasyon sa iyo sa pamamagitan ng pagtingin sa screen ng iyong device kapag ginamit mo ito.
- Pag-isipang gumamit ng privacy screen sa iyong laptop.
Mag-ingat kapag gumagamit ng pampublikong Wi-Fi
Ang ilang banta – halimbawa, pagnanakaw ng device – ay halata, ngunit maaaring hindi nakikita ang iba, gaya ng mga magnanakaw ng data na sumusubok na magnakaw ng mga password upang ikompromiso ang iyong impormasyong personal na makapagpapakilala (personally identifiable information) o i-access ang iyong mga account. Maaari kang lalong maging vulnerable sa mga lokasyong may pampublikong Wi-Fi, kasama ang mga internet cafe, coffee shop, book store, travel agency, clinic, library, airport at hotel. Ilang nakakatulong na tip:
- Huwag gamitin sa ibang bansa ang parehong mga password o numero ng PIN na ginagamit mo sa United States.
- Huwag gamitin ang pampublikong Wi-Fi upang magsagawa ng mga online na pagbili o mag-access ng mga bank account.
- Kapag naglo-log in sa anumang pampublikong network, i-off ang auto-join function ng iyong telepono.
- Habang gumagamit ng pampublikong Wi-Fi network, regular na i-adjust ang mga setting ng iyong telepono na kalimutan ang network, pagkatapos ay mag-log in ulit.
- Subukang mag-log in sa pampublikong Wi-Fi gamit ang maling password. Kung makakapasok ka pa rin, senyales iyon na hindi secure ang network.
Tandaan ding iwasan ang paggamit sa pampublikong kagamitan – gaya ng mga telepono, computer at fax machine – para sa sensitibong impormasyon.
Kapag nakauwi ka na
Ang electronics at mga device na ginamit o binili sa ibang bansa ay maaaring nakompromiso. Ang iyong mobile phone at iba pang mga electronic device ay maaaring vulnerable sa malware kung kokonekta ka sa mga lokal na network sa ibang bansa. I-update ang iyong software na panseguridad o palitan ang iyong mga password sa lahat ng device kapag nakauwi ka na.
Mga karagdaang mapagkukunan ng impormasyon
Para sa higit pang mga tip, bisitahin ang webpage ng Department of Homeland Security, Computer Emergency Readiness Team (nasa English).
Ang mga batas at patakaran hinggil sa online na seguridad at privacy ay naiiba sa ibang mga bansa. Habang nasa ibang bansa, napapailalim ka sa mga lokal na batas. Ang website ng State Department ay may impormasyon sa kaligtasan sa pagbibiyahe (nasa English) para sa bawat bansa sa mundo.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.