Pigilan ang Mga Hindi Gustong Robocall at Text
Gabay ng Consumer: Makakita ng mga tip sa consumer para makaiwas sa mga robocall at impormasyon tungkol sa mga panuntunan ng FCC tungkol sa mga robocall at text, panggagaya sa tawag, pulitikal na tawag at text, at National Do Not Call Registry.
Ang pag-block ng tawag ay isang tool na ginagamit ng mga kumpanya ng telepono para hindi makatanggap ng mga ilegal at hindi gustong tawag ang iyong telepono. Napag-alaman sa isang ulat ng FCC (sa English) kamakailan na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga third-party na kumpanya ng analytics, nakakapag-block ang mga provider ng bilyon-bilyong hindi gustong tawag sa mga consumer sa America kada taon.
Kung minsan, proactive na bina-block ng mga kumpanya ng telepono ang mga tawag na nauugnay sa mga kahina-hinalang pattern ng pagtawag para sa kanilang mga customer. Binibigyang-daan din ng maraming kumpanya ng telepono ang kanilang mga customer na mag-block ng mga karagdagang hindi gustong tawag sa pamamagitan ng pag-enroll sa isang serbisyo o pag-install ng isang app. Magagawa rin ng mga consumer na i-adjust ang ilang partikular na setting sa kanilang telepono, mag-sign up sa isang third-party na serbisyo, o mag-download ng third-party app para mag-block ng mga pinaghihinalaang hindi gustong tawag.
Depende sa iyong service provider, maaaring direktang mapunta ang isang na-block na tawag sa iyong voicemail, maaari kang makarinig ng isang ring at makatanggap ng impormasyon sa caller ID mula sa na-block na tawag, o maaaring hindi ka makatanggap ng anumang abiso.
Sinasamantala ng maraming kumpanya ng telepono ang mga panuntunan ng FCC na nagbibigay-daan sa mga consumer na awtomatikong ma-enroll sa mga serbisyo sa pag-block ng tawag, pero puwede kang mag-opt out kung nag-aalala kang may mga gustong tawag kang mapapalampas. May ilang kumpanya ring nag-aalok ng pag-label ng tawag para matulungan ang mga consumer na matukoy kung aling mga tawag ang gusto nilang sagutin. Nagpapakita ang mga serbisyo sa pag-label ng mga kategorya para sa mga posibleng hindi gusto o ilegal na tawag gaya ng "spam" o "malamang na scam" sa display para sa caller ID.
Mga Mapagkukunan ng Impormasyon Tungkol sa Pagba-block at Pagle-label
Makipag-ugnayan sa kumpanya ng iyong telepono para matuto pa tungkol sa mga solusyon sa pag-block at pag-label na maaaring magamit para maprotektahan ka laban sa mga hindi gusto at ilegal na tawag. Maaaring mayroon ding mga app na puwede mong i-download para sa iyong mobile device – nang may kaunting babayaran o nang libre – para i-block o lagyan ng label ang mga posibleng spam na tawag. Bukod pa sa mga serbisyo sa pag-block ng tawag at pag-label, dapat ka ring makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong wireless device tungkol sa mga built-in na feature na puwede mong gamitin para mag-block ng mga hindi gustong tawag mula sa mga partikular na numero gamit ang mga setting ng cell phone mo.
Ang mga resource na nakalista sa ibaba* ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa marami sa mga tool sa pag-block at pag-label ng tawag na kasalukuyang magagamit ng mga consumer.
Wireless/Mobile
- AT&T: (sa English) Mga serbisyo sa seguridad ng mobile at proteksyon sa tawag.
- Google Project Fi: (sa English) Mga opsyon sa pag-block ng tawag para sa wireless na serbisyo ng Project Fi.
- Sprint: (sa English) Mga opsyon sa pag-block ng tawag gamit ang My Sprint.
- T-Mobile: (sa English) Mga opsyon sa proteksyon sa tawag para tumukoy o mag-block ng mga posibleng scammer.
- U.S. Cellular: (sa English) Mga opsyon sa awtomatikong pagtukoy ng tawag sa network, pag-label, at pag-block ng app.
- Verizon: (sa English) Mga FAQ tungkol sa Call Filter para sa pag-screen at pag-block ng mga hindi gustong tawag.
Landline/Wireline/VoIP
- AT&T: (sa English) Impormasyon tungkol sa serbisyong Digital Phone Call Protect, pag-block ng tawag, at iba pang feature.
- CenturyLink: (sa English) Mga tip at tool para sa customer para mag-block ng mga hindi gustong tawag.
- Comcast: (sa English) Mga opsyon sa pag-block ng tawag para sa mga subscriber ng XFINITY Voice.
- Frontier Communications: (sa English) Mga opsyon ng consumer para sa mga tool at serbisyo sa pag-block ng tawag.
- Spectrum: (sa English) Gabay sa paggamit ng serbisyo ng Nomorobo para mag-block ng mga robocaller.
- Verizon: (sa English) Mga opsyon ng customer para mapigilan ang mga hindi gustong tawag sa mga linya sa bahay.
Mga Resource tungkol sa Third-Party na Analytics
- First Orion: (sa English) Mga tool at serbisyo para sa mga customer sa mobile at negosyo.
- Hiya: (sa English) Mga tool at serbisyo para sa mga mobile phone; Hiya Connect (sa English) para sa mga negosyo.
- Nomorobo: (sa English) Mga tool at serbisyo para sa mga VoIP landline at mobile phone.
- TNS Call Guardian: (sa English) Mga solusyon sa analytics ng tawag para sa mga negosyo.
- YouMail: (sa English) Mga tool at serbisyo para sa mga indibidwal at mga negosyo.
Mga Solusyon sa Wireless Device
- Apple (sa English) May opt-in feature ang mga iPhone na “Silence Unknown Callers” para sa pag-screen at pag-block ng tawag.
- Ang mga Google (sa English) Pixel phone ay may feature na “Call Screen” para sa pag-screen at pag-block ng tawag; Nag-aalok ang Google ng ilang libre at opt-in na tool app para sa pag-block ng tawag para sa mga Android (sa English) phone; at puwedeng gumamit ang mga user ng Google Voice (sa English) ng tool sa pamamahala ng tawag para mag-block ng mga hindi gustong tawag.
- Nakikipagtulungan ang Samsung sa Hiya (sa English) para mag-alok ng solusyon sa pag-block ng tawag na tinatawag na Smart Call para lagyan ng label ang mga posibleng hindi gustong tawag.
Mga Resource at Impormasyon para sa Consumer mula sa Trade Association
- CTIA: (sa English) Mga resource para sa consumer para mapigilan ang mga robocall.
- US Telecom: (sa English) Impormasyon para sa consumer tungkol sa mga ilegal na robocall.
*Ang mga resouce na inilista ay ibinigay para sa layunin ng pagbibigay ng impormasyon. Hindi inieendorso ng FCC ang anumang produkto o serbisyong nakalista, at hindi nito pananagutan ang nilalaman, katumpakan, pagiging kumpleto, o pagiging napapanahon ng mga website na hindi FCC.
Mga Tip para Maiwasan ang Pagkaka-block ng mga Lehitimong Tawag
Ang mga kumpanya ng telepono, o kanilang mga partner na provider ng serbisyo, ay naghahanap ng mga kahina-hinalang pattern ng pagtawag sa kanilang patuloy na pagsusumikap na aktibong i-block ang mga ilegal at hindi kanais-nais na tawag. Nagkakaroon ng false-positive na pagba-block kung ang isang lehitimong negosyo o iba pang entity ay tumatawag gamit ang isang pattern na katulad ng mga nauugnay sa hindi kanais-nais – at karaniwan ay ilegal – na mga robocall.
Narito ang ilang pinakamaiinam na kasanayan para maiwasan ang pagkaka-block:
- Palaging gumamit ng valid na outgoing na numero.
- Huwag magpakita ng invalid na numero sa caller ID.
- Huwag gumamit ng numero ng telepono sa caller ID kung saan hindi ka naman naka-subscribe.
- Huwag gumamit ng outgoing na numerong nasa Do Not Originate list.
- Limitahan ang bilang ng mga isinasagawang tawag kada minuto, partikular kung nasa tapos na ng mga normal na oras ng negosyo.
- Limitahan ang dami ng pagtawag sa mga numero sa loob ng maikling panahon.
Dapat ka ring regular na makipag-ugnayan sa mga kumpanya ng telepono at mga third-party na kumpanya ng analytics tungkol sa mga reklamo ng consumer kaugnay ng mga numerong ginagamit mo para tumawag.
Kapag nag-iiwan ka ng mga mensahe, magsama ng consistent na call-back number at pag-isipang magsama ng dagdag na impormasyon para sa pakikipag-ugnayan na puwedeng magamit ng mga recipient para mag-ulat ng mga alalahanin.
Puwede ka ring gumamit ng iba't ibang outbound number para sa iba't ibang layunin. Halimbawa, ang mga call-back para sa suporta sa customer ay mas malamang na hindi maba-block batay sa mga reklamo kung isinasagawa ang mga iyon gamit ang ibang numero at kung hindi rin ginagamit ang numerong iyon sa mga outbound na tawag para sa telemarketing na maaaring maging sanhi ng mga reklamo.
Bilang karagdagan, tiyaking irehistro sa mga entity na nakalista sa ibaba ang mga valid na numerong plano mong gamitin para sa mga outgoing na tawag, at hindi lang sa kumpanya ng telepono na nagbibigay sa iyo ng serbisyo.
- AT&T: Tumawag sa 800-337-5373, mag-email sa dl-GFMOBusinessFra@ATT.com, o makipag-ugnayan sa Hiya sa pamamagitan ng website nitong hiyahelp.zendesk.com/hc/en-us/requests/new. Ang mga tumatawag ay puwede ring magbigay ng feedback sa att.com/reviewmycalllabel na nagli-link sa portal ng Hiya.
- CenturyLink: Mag-email sa robocall.reporting@centurylink.com, o makipag-ugnayan sa Nomorobo sa nomorobo.com/contact at piliin ang “Report a Number.”
- First Orion: Makipag-ugnayan sa pamamagitan ng website sa calltransparency.com.
- Frontier: Mag-email sa nospam@ftr.com, o makipag-ugnayan sa Nomorobo.
- Hiya: Makipag-ugnayan sa pamamagitan ng website na hiyahelp.zendesk.com/hc/en-us/requests/new. Ang Hiya ay nagbibigay ng serbisyo para sa mga lehitimong negosyo na makapagrehistro sa pamamagitan ng connect.hiya.com.
- Nomorobo: Makipag-ugnayan sa pamamagitan ng website na nomorobo.com/contact at piliin ang “Report a Number.” Ang Nomorobo ay may feature na white list kung saan puwedeng magdagdag ng mga numero ang mga subscriber para maiwasan ang maling pagkaka-block.
- Sprint: Tumawag sa 888-211-4727 o makipag-ugnayan sa TNS sa reportarobocall.com/trf.
- T-Mobile: Makipag-ugnayan sa pamamagitan ng feedback.fosrvt.com o sa pamamagitan ng First Orion sa calltransparency.com.
- TNS: Ang TNS ay may portal sa website nito para sa pagtukoy ng mga pagkakamali sa pamamagitan ng website nito para sa feedback tungkol sa mga robocall na reportarobocall.com/trf, at binibigyang-daan nito ang mga kumpanya na mag-subscribe sa mga alertong nagpapaalam sa kanila kapag itinuturing ang numero bilang isang spammer, spoofer, scammer, o robocaller.
- US Cellular: Tumawag sa 888-944-9400 o makipag-ugnayan sa pamamagitan ng website sa uscellular.com/support/robocall/index.html.
- Verizon: Makipag-ugnayan sa pamamagitan ng website sa voicespamfeedback.com.
- Windstream: Tumawag sa 800-347-1991 o makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email sa website na: windstream.com/Support/Phone/Troubleshooting-repair.
Ang ilan sa mga kumpanya sa itaas ay nag-aalok din ng call labeling para matulungan ang mga consumer na magpasya kung aling mga tawag ang gusto nilang sagutin. Maaaring masagot ng mga kumpanyang ito ang anumang tanong na mayroon ka tungkol sa kung paano nile-label ang iyong mga tawag.
Alamin ang mga patakaran
Una sa lahat, tiyaking mayroon kang pahintulot ng taong tinatawagan mo bago ka tumawag. Inaatasan ng mga patakaran ng FCC ang isang caller na humingi ng nakasulat na pahintulot – sa papel o sa pamamagitan ng electronic na paraan gaya ng isang website form o pagpindot sa telepono – bago magsagawa ng prerecorded telemarketing call sa isang landline na numero ng telepono o bago magsagawa ng autodialed o prerecorded telemarketing call sa isang wireless na numero ng telepono. Inaatasan din ng mga patakaran ng FCC ang mga caller na humingi ng ibinigkas o isinulat na pahintulot bago magsagawa ng mga autodialed o prerecorded na non-telemarketing call o text sa mga wireless na numero. May mga pagbubukod sa mga patakaran ito, gaya ng para sa mga emergency na may sangkot na panganib sa buhay o kaligtasan.
Sa ilalim ng mga patakaran ng FCC, ang mga telemarketer na tumatawag sa iyong bahay ay dapat magbigay ng kanilang pangalan, numero ng telepono, at address kung saan maaaring ma-contact ang kanilang employer o contractor. Ang mga telephone solicitation call ay ipinagbabawal bago sumapit ang 8 am at pagkalipas ng 9 pm.
Ang mga telemarketer ay hindi na makakapagsagawa ng mga telemarketing robocall sa mga wireline home telephone dahil lang sa isang "nabuong relasyon sa negosyo," na maaaring naitaguyod noong bumili ang consumer ng isang bagay o noong nakipag-ugnayan ito sa negosyo para magtanong. Kinakailangan ang pauna at hayagang pagpapahintulot gaya ng inilalarawan sa itaas, kahit na may nabuong relasyon sa negosyo ang telemarketer sa tinawagang party.
Tiyaking sumusunod ka sa mga Do Not Call na probisyon ng Telemarketing Sales Rule. (Tingnan ang Do Not Call Q&A ng Federal Trade Commission para sa higit pang impormasyon.)
Matuto pa tungkol sa mga hindi kanais-nais na tawag at text, kasama ang karagdagang impormasyon sa mga patakaran ng FCC para sa mga auto-dialed na tawag, sa fcc.gov/robocalls.
Unawain kung ano ang pinahihintulutan ng FCC
Sa ilalim ng mga patakarna ng FCC, puwedeng i-block ng mga voice service provider ang mga sumusunod na tawag nang walang pahintulot ng consumer:
- Mga tawag mula sa mga hindi naka-assign, hindi naka-allocate, o invalid na numero.
- Mga tawag mula sa nga numerong nasa Do Not Originate list.
Maaari ding mag-block ang isang voice service provider ng mga tawag na sa palagay nito ay hindi kanais-nais batay sa makatwirang analytics, pero dapat payagan ng provider ang kanilang mga customer na mag-opt out sa ganitong uri ng pagba-block.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.