Para sa mga ilegal na robocaller, ang layunin ay hindi palaging para sumagot ka. Minsan, ito ay para tumawag ka.

Paminsan-minsan, maaaring mag-ring nang isang beses ang iyong telepono at pagkatapos ay tumigil. Kung mangyayari iyon sa iyo, at hindi mo kilala ang numero, huwag mo itong tawagan. Maaaring target ka ng "one-ring" na scam sa telepono.

Ang mga one-ring na tawag ay maaaring magmukhang nanggagaling sa isang lugar sa United States, na may kasamang tatlong unang digit na mukhang mga U.S. area code. Pero ang marurunong na scammer ay karaniwang gumagmait ng mga international na numerong nagsisimula rin sa mga tatlong digit na code – halimbawa, ang "649 ay pumupunta sa Turks and Caicos at ang "809" ay pumupunta sa Dominican Republic. Ang naturang mga scammer ay maaari ding karaniwang gumamit ng mga diskarte sa spoofing, para lalo pang ikubli ang numero sa iyong caller ID display.

Kung tatawag ka sa ganoong numero, maaari kang makonekta sa isang numero ng telepono na nasa labas ng U.S. Bilang resulta, maaari kang masingil para sa pagkonekta, bukod pa sa malalaking kada-minutong bayarin hangga't kausap ka nila sa telepono. Ang mga singil na ito ay maaaring lumabas sa iyong bill bilang mga premium na serbisyo.

Ang iba't ibang uri ng scam na ito ay sumasalalay sa mga pekeng voice-mail message na humihikayat sa iyong tawagan ang isang numerong may hindi pamilyar na area code para "kolektahin ang isang premyo" o abisuhan ka tungkol sa isang kamag-anak na "may sakit".

Paano iwasan ang scam na ito

  • Huwag tawagan o sagutin ang mga tawag mula sa mga numerong hindi mo kilala.
  • Bago tumawag sa mga hindi pamilyar na numero, tingnan kung international ang area code.
  • Kung hindi ka nagsasagawa ng mga international na tawag, hilingin sa kumpanya ng iyong telepono na i-block ang mga papalabas na international na tawag sa iyong linya.
  • Palaging mag-ingat, kahit na mukhang tunay ang isang numero.

Paghain ng reklamo sa FCC

Kung sisingilin ka para sa isang tawag na isinagawa mo bilang resulta ng scam na ito, subukan munang resolbahin ang isyu sa kumpanya ng iyong telepono. Kung hindi mo ito mareresolba nang direkta, maaari kang maghain ng reklamo sa FCC (sa English) nang walang bayad.

Paghain ng reklamo sa Federal Trade Commission

Kung sa tingin mo ay isa kang biktima ng international na scam sa telepono, maaari kang maghain ng reklamo sa FTC (sa English).

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.