Ipinapakita sa pag-close caption ang bahaging audio ng isang programa sa telebisyon bilang text sa screen ng TV, kung saan nagbibigay ito ng mahalagang link sa mga balita, paglilibang at impormasyon para sa mga indibidwal na hindi nakaririnig o hirap makarinig. Ipinag-uutos ng kongreso sa mga distributor ng video programming (mga VPD) - mga operator ng cable, broadcaster, distributor ng satellite at iba pang distributor ng multi-channel na video programming - na i-close caption ang kanilang mga programa sa TV.
Mga patakaran sa pag-close caption ng FCC
Ang mga patakaran ng FCC sa pag-close caption sa TV ay tumitiyak na may ganap na access sa programming ang mga manonood na hindi nakaririnig at hirap makarinig, tumutuon sa kalidad ng pag-caption at nagbibigay ng gabay sa mga distributor at programmer ng video programming. Nalalapat ang mga patakaran sa lahat ng programming ng telebisyon na may mga caption, kung saan ang mga caption ay kinakailangang:
- Tumpak: Ang mga caption ay dapat na tumutugma sa mga binibigkas na salita at nagpaparating ng mga ingay sa paligid at iba pang tunog sa pinakaabot na makakayang gawin.
- Sumasabay: Sumasabay dapat ang mga caption sa mga kaukulang salitang binibigkas at sa mga tunog sa pinakaabot na makakayang gawin at naipapakita dapat sa screen ang mga ito sa bilis na mababasa ng mga manonood.
- Kumpleto: May mga caption dapat mula sa simula hanggang sa katapusan ng programa sa pinakaabot na makakayang gawin.
- Wastong nailapat: Ang mga caption ay hindi dapat humaharang sa ibang mahalagang visual na content sa screen, hindi nagsasapawan o lumalampas sa hangganan ng video screen.
Pinaghihiwalay ng mga patakaran ang mga pre-recorded, live, at near-live na programming at ipinaliliwanag kung paano nalalapat ang mga pamantayan sa bawat uri ng programming, kung saan binibigyang-pansin ang mas malaking balakid na kaugnay ng pag-caption sa live at near-live na programming.
(Hindi kinokontrol ng FCC ang pag-caption ng mga home video, DVD o video game.)
Hindi kasamang programming
Sa kasalukuyan ay may dalawang kategorya ng hindi pagkakasama sa mga patakaran ng pag-close caption, sariling pagpapatupad at lubhang mahirap o magastos ipatupad (economically burdensome):
- Kabilang sa hindi pagkakasama dahil sa sariling pagpapatupad ang mga anunsyo ng serbisyo publiko na wala pang 10 minuto at hindi binabayaran ng mga pederal na dolyar, programming na ipinapalabas mula 2 a.m. hanggang 6 a.m., at programming na mas lamang ang pagiging textual. Hindi rin isinasama ang hindi pangbalitang programming sa lokal na walang umuulit na value. Tingnan ang kumpletong listahan ng mga hindi pagsasama dahil sa sariling pagpapatupad (sa Ingles).
- Nagtakda ang FCC ng mga pamamaraan para sa paghiling ng hindi pagkakasama sa mga patakaran sa pag-close caption kung magiging lubhang mahirap o magastos ang pagsunod sa mga ito. Alamin ang tungkol sa hindi pagkakasama dahil sa pagiging lubhang mahirap at magastos ng pagpapatupad (sa Ingles).
Paano kung nakararanas ka ng mga problema sa pag-close caption
Maaari kang makipag-ugnayan sa iyong VPD upang iulat ang problema sa panahong nangyari ito upang malaman kung maaayos mo ang problema. Makikita mo ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng iyong VPD sa bill mo, o kaya, kung may broadcast only TV ka, dapat na nasa directory ng telepono ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa istasyon ng TV. Maaari ka ring maghanap sa Pagpapatala ng VPD ng FCC (sa Ingles). Dapat na magbigay ang mga VPD sa FCC ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa pagtanggap at pangangasiwa ng mga agarang alalahanin sa pag-close caption ng mga consumer, at impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga nakasulat na reklamo sa pag-close caption. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang website ng pag-close caption ng FCC (sa Ingles).
Para sa mga problema sa pag-caption sa panahon ng programming na hindi pang-emergency, maaari kang maghain ng nakasulat na reklamo sa FCC o sa iyong VPD. Kung maghahain ka ng iyong reklamo sa FCC, ipapasa ng FCC ang reklamo sa iyong VPD. Alinsunod sa patakaran ng FCC, dapat na maihain ang iyong nakasulat na reklamo sa loob ng 60 araw ng problema sa pag-caption. Pagkatapos na matanggap ang reklamo, direkta man mula sa iyo o mula sa FCC, may 30 araw ang VPD upang tumugon sa reklamo. Kung naghain ka ng iyong reklamo sa VPD mo at hindi sila tumugon sa loob ng 30 araw, o kung mananatili ang hindi pagkakaunawaan, maaari mong ipadala ang iyong reklamo sa FCC.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.