Nakakatanggap kung minsan ang FCC ng mga reklamo tungkol sa pinaghihinalaang maling impormasyong ineere sa TV o radyo. Sinusuri ng FCC ang lahat ng reklamo para sa posibleng paglabag sa mga panuntunan nito, na may limitadong saklaw.
Pag-eere ng maling impormasyong nagsasanhi ng malaking 'pinsala sa publiko'
Pinagbabawalan ng FCC ang pag-eere ng maling impormasyon tungkol sa isang krimen o sakuna kung batid ng broadcaster na mali ang impormasyon at magsasanhi ito ng malaking "pinsala sa publiko" kung ieere.
Partikular na tinutukoy sa mga panuntunan ng FCC na “ang pinsala sa publiko: ay iyong nagsisimula kaagad at nagsasanhi ng direkta at aktwal na pinsala sa ari-arian o sa kalusugan o kaligtasan ng publiko; o nagbabaling sa atensyon ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas o mga awtoridad na nagtitiyak sa kalusugan at kaligtasan ng publiko palayo sa kanilang mga tungkulin."
Maaaring mag-ere ang mga broadcaster ng mga disclaimer na malinaw na naglalarawan sa programa bilang katha lamang upang maiwasan ang paglabag sa mga panuntunan ng FCC tungkol sa pinsala sa publiko.
Pag-eere ng maling nilalaman sa programa ng balita
Pinagbabawalan ng batas ang FCC sa pakikibahagi sa pag-censor o paglabag sa mga karapatan ng press sa First Amendment. Gayunpaman, ilegal para sa mga broadcaster na sadyaing ibahin ang mga balita, at maaaring aksyunan ng FCC ang mga reklamo kung may nakadokumentong katibayan ng naturang pagkilos mula sa mga taong may direktang personal na kaalaman tungkol dito. Para sa higit pang impormasyon, pakitingnan ang aming gabay para sa consumer, ang Mga Reklamo tungkol sa Broadcast Journalism.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.