Maaaring i-encrypt ng mga operator ng cable na may mga ganap na digital na system ang kanilang mga serbisyo. Kung magpapasya ang operator ng iyong cable na i-encrypt ang mga serbisyo nito, kakailanganin mo ng set-top box o CableCARD para sa bawat set ng telebisyon sa tahanan mo, kung saan mo gustong magpatuloy sa panonood ng programa sa cable.
Ang pag-encrypt ng ganap na digital na serbisyo ng cable ay nagbibigay-daan sa mga operator na i-activate at i-deactivate nang malayuan ang serbisyo. Nangangahulugan itong hindi na kakailanganin ng maraming consumer na hintayin sa tahanan ang technician upang ma-activate, makansela, o mapalawak ang serbisyo. Bukod dito, binabawasan ng pag-encrypt ang pagnanakaw ng serbisyo, na kadalasang nagpapababa sa kalidad ng serbisyo ng cable na natatanggap ng mga nagbabayad na subscriber.
Ano ang ibig sabihin nito para sa mga subscriber ng cable?
Kung kasalukuyang hindi naka-encrypt ang iyong mga serbisyo ng cable at nagsimulang mag-encrypt ang operator ng cable mo, kakailanganin mo ng dagdag na kagamitan - isang set-top box o CableCARD - upang makapanood sa mga bagong na-encrypt na channel.
Kung kakailanganin mo ng dagdag na kagamitan dahil nagsimulang mag-encrypt ng serbisyo ang iyong provider, karapat-dapat kang makatanggap ng libreng kagamitan sa loob ng limitadong panahon:
Kung sa panahong nagsimula sa pag-encrypt ang operator ng iyong cable ay nag-subscribe ka sa... |
Kung gayon ay karapat-dapat ka sa... |
Pangkaraniwang serbisyo ng broadcast lang at wala kang set-top box o CableCARD |
Isang set-top box o CableCARD para sa hanggang dalawang set ng telebisyon nang sisingilin o magiging bayarin sa serbisyo sa loob ng dalawang taon mula sa petsang nagsimulang mag-encrypt ang operator ng iyong cable. |
Isang antas ng serbisyo bukod sa serbisyo ng broadcast basic ngunit gumagamit ka ng digital na telebisyon upang makatanggap lang ng tier ng pangunahing serbisyo nang hindi gumagamit ng set-top box o CableCARD |
Isang set-top box o CableCARD sa isang set ng telebisyon nang walang sisingilin o magiging bayarin sa serbisyo sa loob ng isang taon mula sa petsang nagsimulang mag-encrypt ang operator ng iyong cable. |
Tier lang ng pangunahing serbisyo nang hindi gumagamit ng set-top box o CableCARD at tumatanggap ka ng Medicaid |
Isang set-top box o CableCARD para sa hanggang dalawang set ng telebisyon nang walang sisingilin o magiging bayarin sa serbisyo sa loob ng limang taon mula sa petsang nagsimulang mag-encrypt ang operator ng iyong cable. |
Kailangan ba ng operator ng cable na abisuhan ako tungkol sa mga pagbabago?
Dapat kang abisuhan ng operator ng cable mo nang hindi bababa sa 30 araw bago nito simulan ang pag-encrypt at abisuhan ka tungkol sa kagamitang may karapatang kang matanggap.
Dapat kang abisuhan ng operator ng iyong cable nang 30 hanggang 60 araw bago ang pagtatapos ng panahon ng libreng kagamitan. Dapat isama sa abiso ang bayarin sa pagpaparenta na sisimulan nang singilin ng operator ng iyong cable para sa kagamitan.
Paano kung nag-subscribe ako sa serbisyo ng cable matapos simulan ng ganap na digital na operator ng cable na i-encrypt ang kanilang serbisyo?
Hindi ka magiging karapat-dapat para sa libreng kagamitan, at pahihintulutan ang operator ng cable mo na singilin ka sa mga karaniwang bayarin sa kagamitan nito para sa anumang kinakailangang set-top box o CableCARD. Maaari kang humingi sa operator ng cable mo ng rate card, na magsasaad ng mga halaga ng kagamitan.
Ano ang ibig sabihin nito para sa mga manonood sa over-the-air na telebisyon at mga direktang subscriber ng broadcast satellite?
Kung nanonood ka ng telebisyon nang over-the-air gamit ang antenna, o nag-subscribe sa isang serbisyo ng direktang broadcast satellite gaya ng DIRECTV o Dish Network, hindi ka maaapektuhan ng pag-encrypt ng cable system.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.