Kung hindi mo babaguhin ang default na password sa lahat ng iyong voicemail account, baka magulat ka o ang iyong kumpanya sa laki ng babayaran. May mga hacker na alam kung paano isasaayos ang mga voicemail system upang tumanggap at magsagawa ng mga internasyonal na collect call nang lingid sa kaalaman mo o walang pahintulot mula sa iyo.

Paano isinasagawa ang scam

Tumatawag ang hacker sa isang voicemail system, naghahanap ng mga mailbox na may aktibo pa ring mga default na password o may mga password na madaling mahulaan ang mga kumbinasyon, gaya ng “1-2-3-4.” Pagkatapos matuklasan ang naturang numero, binabago ng hacker ang papalabas na pagbati at ginagawang katulad ng, “Yes, yes, yes, yes, yes, operator, I will accept the charges. (Oo operator, tatanggapin ko ang mga singil.)” Nakaprograma ang mga awtomatikong operating system ng collect call na pakinggan ang mga naturang key word o parirala. Pagkatapos nito ay magsasagawa ang hacker ng collect call sa numero. Kapag narinig ng operator ang papalabas na mensahe, ikokonekta ang collect call. Maaaring gamitin ng hacker ang koneksyon sa loob ng mahabang oras upang magsagawa ng iba pang internasyonal na tawag.

Sa isa pang bersyon ng scam na ito, pinapasok ng hacker ang feature na pagpapasa ng tawag ng voicemail system at ipoprograma ang system na magpasa ng mga tawag sa isang internasyonal na numero, pagkatapos ay gagamitin ito upang magsagawa ng mga tawag.

Karaniwang tina-target ng mga hacker ang mga pangnegosyong voicemail system, ngunit dapat ding mag-ingat ang mga consumer na may pangresidenteng voicemail.

Dapat mong malaman

  • Kadalasang pinapasok ng mga hacker ang mga pangnegosyong voicemail system sa mga panahon ng holiday o kapag weekend, kung kailan mas hindi napapansin ang mga papalabas na mensahe.
  • Karaniwang nakatira sa ibang bansa ang mga hacker, na may mga pagtawag na nagmumula sa, at pinapadaan sa maraming bansa sa buong mundo.
  • Karaniwang nalalaman ng mga nabibiktimang negosyo na na-hack sila kapag nag-uulat ang kumpanya ng kanilang telepono ng hindi pangkaraniwang aktibidad, ngunit maaaring hindi ito malaman ng mga residenteng biktima hanggang sa matanggap nila ang mga bill ng telepono na hindi pangkaraniwan ang taas ng singil.

Mga tip upang mabawasan ang pagkalagay mo sa panganib

Upang maiwasang mabiktima sa ganitong scam, sundin ang mga kapaki-pakinabang na tip na ito:

  • Palaging magbago ng mga default na password para sa lahat ng voicemail box.
  • Pumili ng mahirap hulaang password ng voicemail na binubuo nang hindi bababa sa anim na digit.
  • Palitan nang madalas ang password ng iyong voicemail.
  • Huwag gumamit ng mga madaling malamang password gaya ng address, petsa ng kapanganakan, numero ng telepono, umuulit na mga numero, gaya ng 000000, o magkakasunod na numero, gaya ng 123456.
  • Regular na suriin ang iyong naka-record na anunsyo upang tiyaking mula sa iyo ang pagbati.
  • Isaalang-alang ang pag-block ng mga internasyonal na tawag.
  • I-disable ang feature na malayuang notification, auto-attendant, pagpapasa ng tawag, at out-paging kung hindi mo ginagamit ang mga ito.
  • Kumonsulta sa iyong provider ng serbisyo ng voicemail tungkol sa mga karagdagang pag-iingat na panseguridad.

Kung sa palagay mo ay na-hack ka, iulat ang insidente sa iyong provider ng serbisyo at sa pulis.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.