Pinoprotektahan ng mga panuntunan ng FCC para sa Over-the-Air-Reception Devices – OTARD – ang karapatan ng may-ari ng o nangungupahan sa ari-arian na magkabit, magpanatili o gumamit ng antenna upang makatanggap ng video programming mula sa mga direct broadcast satellite, broadband radio service at television broadcast station. Nalalapat din ang mga panuntunan ng OTARD sa mga pinapaupahang ari-arian kung saan may eksklusibong paggamit ng lugar ang nangungupahan, at sa mga customer-end antenna na nakakatanggap at nagpapadala ng mga fixed wireless signal.

May mga pagbubukod sa mga panuntunan ng OTARD, kabilang ang mga probisyon para sa kaligtasan at pagpapanatili ng mga makasaysayang lugar.

Anong mga uri ng mga antenna ang nasasaklawan ng mga panuntunan ng OTARD?

Nasasaklawan ang mga sumusunod na antenna o dish ng mga panuntunang ito:

  • Isang dish antenna na may isang metro o mas mababa ang diyametro (o anumang laking dish kung nasa Alaska), na idinisenyo upang makatanggap ng direct broadcast satellite service, kabilang ang direct-to-home satellite service, o upang makatanggap o makapagpadala ng mga fixed wireless signal sa pamamagitan ng satellite.
  • Isang antenna na may isang metro o mas mababa ang diyametro at idinisenyo upang makatanggap ng mga video programming service sa pamamagitan ng broadband radio service (wireless cable), o upang makatanggap o makapagpadala ng mga fixed wireless signal bukod sa pamamagitan ng satellite.
  • Isang antenna na idinisenyo upang makatanggap ng mga lokal na television broadcast signal.

Hindi saklaw ng mga panuntunang ito ang mga antenna na ginagamit para sa AM/FM radio, amateur (“ham”) radio, CB radio, Digital Audio Radio Services o mga antenna na ginagamit bilang bahagi ng isang hub upang magpasa ng mga signal sa maraming lokasyon.

Anong mga uri ng mga ari-arian ang nasasaklawan?

Sa ilalim ng mga panuntunan ng OTARD, may karapatan ang may-ari o nangungupahan na magkabit ng antenna sa ari-arian na pagmamay-ari niya o kung saan mayroon siyang eksklusibong paggamit o kontrol. Kasama rito ang mga single family home, condominium, cooperative, townhome at manufactured na tahanan. Sa mga condominium, cooperative at pinapaupahang ari-arian, nalalapat ang mga panuntunan sa mga lugar na may “eksklusibong paggamit”, tulad ng mga asotea, balkonahe o patio.  Ang tinutukoy ng “eksklusibong paggamit” ay isang lugar ng ari-arian na tanging ang mga nangungupahan at kanilang mga bisita ang maaaring pumasok at gumamit. Kung ang lugar ay nagagamit ng iba o maaaring mapuntahan nang hindi nangangailangan ng pahintulot ng nangungupahan, hindi ito itinuturing na lugar na may eksklusibong paggamit.

Hindi nalalapat ang mga panuntunan ng OTARD sa mga karaniwang lugar na pagmamay-ari ng nagpapaupa, asosasyon ng komunidad o ng mga may-ari ng condominium. Maaaring kasama sa mga karaniwang lugar na ito ang bubong o panlabas na dingding ng multiple dwelling unit. Sa ilang kundisyon, kung may available na karaniwang antenna para magamit ng mga residente, maaaring pagbawalan ng asosasyon ng komunidad o nagpapaupa ang pagkakabit ng sariling antenna o satellite dish, kung ang kalidad ng signal mula sa pangunahing antenna ay kasing ganda naman ng kalidad ng nagmumula sa sariling antenna o dish, at ang mga gastusin sa paggamit ng pangunahing antenna ay hindi hihigit sa mga gastusin ng sariling antenna o dish.

Anong mga uri ng mga paglilimita ang ipinagbabawal?

Ipinagbabawal ang mga paglilimita na pumipigil o nag-aantala sa pagkakabit, maintenance o paggamit ng mga antenna na nasasaklawan ng panuntunan. Halimbawa, kadalasan, ipinagbabawal ang mga kinakailangan upang makakuha ng pag-apruba bago makapagkabit ng antenna.

Anong mga uri ng mga paglilimita ang pinapahintulutan?

Mapapahintulutan ang mga paglilimita na kinakailangan upang maiwasan ang pinsala sa inuupahang ari-arian, hangga't makatuwiran ang paglilimita. Halimbawa, malamang na mapahintulutan ang paglilimita sa pag-upa na nagbabawal sa mga nangungupahan na sirain ang sahig ng balkonahe para sa pagkakabit ng antenna.  

Maaaring magpatupad ang isang asosasyon, nagpapaupa o lokal na pamahalaan ng ilang paglilimita kapag mayroong isyu sa kaligtasan o kapag sangkot ang isang makasaysayang lugar. Ang isang halimbawa ng mapapahintulutang paglilimita para sa kaligtasan ay ang paghiling na mahigpit na maikabit ang antenna upang hindi ito maitumba ng hangin. Dapat na maisulat nang maayos ang mga paglilimita para sa kaligtasan upang hindi na maging mas mahirap kaysa sa kinakailangan ang pagtugon sa isang lehitimong layuning pangkaligtasan.

Kung mayroong pagsasalungat tungkol sa pagiging wasto ng isang paglilimita, dapat na patunayan ng asosasyon, nagpapaupa o lokal na pamahalaang sumusubok na magpatupad sa paglilimita na wasto ito. Nangangahulugan ito na sinuman ang kumukuwestyon sa pagiging wasto ng paglilimita, dapat na patunayan ng tao o entity na sumusubok na magpatupad sa paglilimita na lehitimo ang panuntunan. 

Paghahain ng petisyon tungkol sa paglilimita sa antenna

Kung naniniwala kang hindi wasto ang paglilimita sa antenna, subukan muna itong lutasin sa tao, asosasyon, nagpapaupa o lokal na pamahalaang naglilimita. Kung hindi mo ito malutas nang direkta, maaari kang maghain ng Petition for Declaratory Ruling sa FCC o sa isang nakakasakop na hukuman. 

Walang partikula na form na ginagamit para sa paghahain ng petisyon sa FCC. Dapat na kasama sa iyong petisyon, kahit ang mga sumusunod lang:

  • Paglalarawan ng mga ebidensya, kabilang ang paglilimita na inirereklamo mo
  • Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa lahat ng partidong sangkot sa salungatan 
  • Mga kopya ng eksaktong salitang ginamit sa paglilimita
  • Anumang may kaugnayang komunikasyon

Dapat kang magsama ng “patunay ng serbisyo” sa iyong petisyon. Ang patunay ng serbisyo ay isang pahayag na nagsasaad na sa parehong araw na hinain mo ang iyong petisyon sa FCC, nagbigay ka ng kopya ng petisyon at anumang mga kalakip sa tao o entity na sumusubok na magpatupad sa paglilimita sa antenna. Dapat na isaad ng patunay ng sebisyo ang pangalan at address ng mga partidong pinagbigyan, petsa noong ibinigay ang mga ito, at ang paraan ng serbisyo, tulad ng koreo, serbisyo ng personal na paghahatid o na-certify na koreo. 

Tandaan:  Ang lahat ng alegasyon na isinama sa petisyon ay dapat na masuportahan ng isang notaryo na nilagdaan ng isa o higit pang mga tao na aktwal na nakakaalam sa mga pangyayari. Dapat kang magpadala ng orihinal at dalawang kopya ng petisyon at lahat ng kalakip sa:

Office of the Secretary
Federal Communications Commission
45 L Street NE
Washington, DC  20554.

ATTENTION: Media Bureau (sa sobre & unang pahina ng petisyon)

Maaari mong patuloy na gamitin ang iyong antenna habang nakabinbin ang petisyon, maliban kung may kinalaman ang paglilimita na inirereklamo mo sa kaligtasan o pagpapanatili ng kasaysayan.   

Mga kinakailangan sa pagkakabit para sa mga nakapirming wireless antenna na tumatanggap at nagpapadala

Hinihiling ng FCC na ang mga nakapirming wireless antenna na may kakayahang makatanggap at makapagpadala ng mga serbisyo ng voice at data na matugunan ang ilang alituntunin patungkol sa mga limitasyon sa pagkakalantad sa radiation at mga pamantayang pangkapaligiran.  Dahil sa mga alituntuning ito, mapapahintulutan ang mga kinakailangan na ang mga nakapirming wireless antenna ay maikabit ng isang propesyunal.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.