Kung magpapalit ka ng service provider at mananatili sa parehong heograpikong lokasyon, maaari mong panatilihin ang iyong dating numero ng telepono. Ang prosesong ito – na madalas na tinatawag na pag-port ng numero ng telepono – ay maaaring gawin sa pagitan ng mga wireline, IP at wireless provider.

Pagsisimula ng proseso ng pag-port

Maaari kang humiling ng serbisyo mula sa ibang kumpanya anumang oras. Kapag magpapalit ka ng kumpanya:

  • Pag-aralan ang iyong kasalukuyang kontrata. Maaaring may mga nakasaad na bayarin sa iyong kontrata para sa maagang pagtatapos at/o mga hindi pa nababayarang singilin na pananagutan mong bayaran.
  • Huwag tapusin ang iyong serbisyo sa iyong kasalukuyang kumpanya bago pasimulan ang bagong serbisyo sa ibang kumpanya.
  • Makipag-ugnayan sa bagong kumpanya upang masimulan ang proseso ng pag-port ng iyong numero.
  • Ibigay sa bagong kumpanya ang iyong 10 digit na numero ng telepono at anumang karagdagang impormasyong kinakailangan.

Mayroon bang mga bayarin para sa pag-port?

  • Maaari kang singilin ng mga kumpanya sa pag-port ng iyong numero, ngunit maaari mong hilingin na ma-waive o mapag-usapan ito para mapababa ang anumang bayarin.
  • Kapag humiling ka na ng serbisyo mula sa isang bagong kumpanya, hindi maaaring tumanggi ang iyong dating kumpanya na i-port ang iyong numero, kahit pa may hindi ka pa nababayarang balanse o bayarin sa pagtatapos ng kontrata.

Gaano tumatagal ang proseso ng pag-port?

Nag-aatas ang mga panuntunan ng FCC ng mga simpleng pag-port, na hindi nag-uugnay ng mahigit sa isang linya o mas kumplikadong pagsasaayos sa equipment sa pagpapalit ng telepono, na napoproseso sa loob ng isang araw ng negosyo. Maaari mo nang magamit ang iyong telepono sa loob ng ilang oras para sa mga pagbabago sa mga wireless na service provider. Gayunpaman, ang pag-port mula sa wireline patungo sa wireless na serbisyo ay maaari pa ring tumagal nang ilang araw.

Mga isyu sa serbisyo para sa wireline patungo sa wireless na transisyon

Kung ikaw ay magpo-port mula sa isang wireline na telepono patungo sa isang wireless na telepono, maaaring magkaroon ng yugto kung saan mayroon kang dalawang telepono na may iisang numero.  Tanungin ang iyong bagong wireless na kumpanya kung magagawa mong ipagpatuloy ang paggamit ng iyong kasalukuyang wireline na numero sa panahon ng isang araw na proseso ng paglipat.  

Maaaring maapektuhan ang mga serbisyo sa lokasyon sa 911 at pag-callback (kapag available) sa wireless sa panahon ng transisyon.  Makakatanggap ng mga tawag, ngunit maaaring hindi ka matawagan ng mga operator ng 911 kung madidiskonekta ang tawag.  Bago ang pag-port, tanungin ang iyong bagong kumpanya kung maaapektuhan ang serbisyo sa 911 sa panahon ng proseso.

Gayundin, hindi maisasama sa iyong paglipat ang iyong kumpanya sa wireline na long distance.  Ang iyong serbisyo sa long distance ay posibleng ibigay ng iyong bagong wireless na kumpanya, na dapat mong i-verify.

Hindi posible sa lahat ng oras ang pag-port

Kung lilipat ka sa isang bagong heograpikong lugar, maaaring hindi mo mapanatili ang iyong kasalukuyang numero ng telepono kapag nagpapalit ka ng provider.

Gayundin, maaaring humingi ang ilang rural na serbisyo sa wireline ng mga waiver para sa kinakailangan sa pag-port mula sa mga awtoridad ng estado. Maaaring hindi magawa ng kanilang mga customer na i-port ang kanilang numero sa isang bagong provider. Kung hindi mo na-port ang iyong numero dahil doon, makipag-ugnayan sa public utilities commission ng estado para sa karagdagang impormasyon.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.