U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Ang "pag-slam o slamming" ay ang ilegal na gawain ng pagpapalit sa kumpanya ng tradisyonal na wireline na telepono ng consumer para sa lokal, lokal na toll, o long distance na serbisyo nang walang pahintulot. Tumutulong ang mga panuntunan sa pag-slam ng FCC na protektahan ang mga consumer mula sa mga ilegal na pagpapalit, at nagbibigay ng solusyon ang mga ito kung na-slam ka. Pinagbabawalan din ng mga panuntunan ang mga hindi makatuwirang pag-antala sa isang awtorisadong pagpapalit ng iyong lokal na kumpanya ng telepono.

Paano poprotektahan ang iyong sarili laban sa pag-slam

  • Gawin palagi ang kaagad at masusing pagsusuri ng bill ng iyong telepono. Kung may makita kang bagong pangalan ng kumpanya ng telepono sa iyong bill, tawagan ang numerong ipinapakita sa bahaging iyon ng bill at humingi ng paliwanag.
  • Alamin ang mga pamamaraang maaaring gamitin ng mga kumpanya ng telepono upang legal na mapalitan ang iyong awtorisadong kumpanya ng telepono. Iniaatas ng mga panuntunan ng FCC sa mga kumpanya ng telepono na kunin ang iyong malinaw na pahintulot sa pagsasagawa ng naturang pagpapalit.
  • Hilingin sa iyong lokal na kumpanya ng telepono na "i-freeze" ang iyong account upang pigilan ang sinuman bukod sa iyo na palitan ang pinili mong awtorisadong kumpanya ng telepono.

Ano ang dapat gawin kung na-slam ka

Kung pinalitan ang iyong awtorisadong kumpanya ng telepono nang walang pahintulot mo:

  • Tawagan ang kumpanyang nag-slam at sabihin sa kanilang gusto mong maayos ang problema at sabihing alinsunod sa mga panuntunan ng FCC, hindi mo kailangang magbayad para sa unang 30 araw ng serbisyo nito.
  • Tawagan ang iyong awtorisadong kumpanya upang ipaalam dito ang tungkol sa pag-slam, at na gusto mong bumalik sa dating plan ng pagtawag bago ginawa ang pag-slam.
  • Gayundin, sabihin sa iyong awtorisadong lokal na kumpanya ng telepono na gusto mong alisin sa iyong bill ang lahat ng singilin para sa pagpapalit ng kumpanya .

Kung na-slam ka ngunit HINDI mo binayaran ang bill ng kumpanyang nag-slam, HINDI mo kailangang bayaran ang kumpanya sa loob nang hanggang 30 araw makaraang ma-slam. Hindi mo rin kailangang bayaran ang iyong awtorisadong kumpanya ng telepono para sa anumang singilin sa loob nang hanggang 30 araw. Pagkatapos ng 30 araw, dapat mong bayaran ang iyong awtorisadong kumpanya para sa serbisyo, ngunit sa mga rate nito at hindi sa mga rate ng nag-slam.

Kung na-slam ka, ngunit natuklasan mo ito pagkatapos mong BAYARAN ang bill ng kumpanyang nag-slam, dapat magbayad ang kumpanyang nag-slam sa iyong awtorisadong kumpanya ng 150 porsyento ng singiling binayaran mo sa kumpanyang nag-slam. Mula sa halagang ito, ibabalik sa iyo ng awtorisadong kumpanya mo ang 50 porsyento ng singiling ibinayad mo sa kumpanyang nag-slam. O kaya, maaari mong hilingin sa iyong awtorisadong kumpanya na muling kalkulahin at muling ipadala ang iyong bill gamit ang mga rate nito sa halip na mga rate ng kumpanyang nag-slam.

Mga pamamaraan ng awtorisadong pagpapalit

Hindi maisasagawa ang legal na pagpapalit ng iyong serbisyo ng telepono mula sa umiiral mong awtorisadong kumpanya ng telepono patungo sa isang bagong kumpanya maliban kung patutunayan ng bagong kumpanya ang pagpapalit sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod na pamamaraan:

  • Paggamit ng hiwalay ng third party upang patunayan ang iyong berbal na pahintulot upang magpalit
  • Pagpapalagda sa iyo sa isang kasulatan na nagsasaad ng kagustuhan mong magpalit ng awtorisadong kumpanya ng telepono
  • Pagbibigay ng toll-free na numerong maaari mong tawagan upang kumpirmahin ang order upang magpalit ng awtorisadong kumpanya ng telepono

Paghahain ng reklamo sa pag-slam

Kung naninirahan ka sa Alaska, Arizona, Delaware, Florida, Georgia, Hawaii, Illinois, Missouri, New Mexico, Pennsylvania, Rhode Island, Tennessee, Virginia, West Virginia, Wisconsin o sa Virgin Islands, maaari kang maghain ng reklamo sa pag-slam sa FCC (sa Ingles).

Dapat mong dalhin ang kopya ng anumang bill na inirereklamo mo. Pakisaad sa kopya ng bill ang pangalan ng kumpanya ng telepono na nag-slam at ang mga pinag-uusapang singilin.

Pinoproseso ng mga komisyon sa pampublikong serbisyo sa lahat ng ibang estado, sa District of Columbia at Puerto Rico, ang mga reklamong natatanggap mula sa mga naturang hurisdiksyon. Kung naninirahan ka sa estado o teritoryong nagpoproseso ng mga reklamo sa pag-slam, tingnan ang website ng komisyon nito sa pampublikong serbisyo para sa impormasyon sa paghahain ng reklamo.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.