Ang pag-update sa operating system ng iyong smartphone kapag inabisuhan kang gawin ito ay nakakatulong sa pag-aayos sa mga kahinaan sa seguridad at pagpapahusay sa kabuuang performance ng iyong device. Gayunpaman, may mga hakbang na dapat munang gawin upang maprotektahan ang iyong device at anumang larawan o personal na file na naka-store dito.

Bago mo i-update ang iyong OS

Bago mo simulan ang update o upgrade ng OS, gumawa ng ilang hakbang upang makatulong na maiwasan ang mga problema:

  • I-charge ang iyong telepono: Iwasang maubusan ng baterya ang iyong telepono habang nag-a-update sa pamamagitan ng pagsisigurado na mayroong kahit 70 porsyentong karga lang ang device.
  • I-back ang iyong mga file: Hindi dapat makakaapekto sa data na naka-store sa iyong smartphone ang mga upgrade at update ng OS, ngunit maganda pa ring ideya ang pag-back up ng mga file, para lang makasigurado.
  • Paniguraduhing tumutugma ang iyong device sa upgrade ng OS: Maaaring hindi idinisenyo para sa lahat ng mas lumang device ang bagong OS.
  • Mag-delete ng mga app na hindi mo na ginagamit: Maaaring mangailangan ng malaking bahagi ng memory ng iyong device ang bagong OS. Alisin ang mga app na kumokonsumo lang ng espasyo.

Pagkatapos mong i-update ang iyong OS

Minsan, magkakaroon ang bagong OS ng naka-preinstall na mga setting na iba kaysa sa mga pinili mo, at magiging default sa mga bagong setting kaysa sa iyong mga dating setting. Pagkatapos mong i-install ang bagong OS, may mga setting na dapat mong suriin upang tiyaking ang iyong telepono ay hindi nagpapatakbo ng mga function o nagbabahagi ng data sa mga paraang hindi mo gusto.

  • Suriin ang iyong mga setting para sa Wi-Fi: Karamihan sa smartphone ay may kasamang function na awtomatikong nagpapalit sa iyong plan ng data kapag mahina ang koneksyon sa Wi-Fi. Kung hinayaan itong naka-on, maaaring magdulot ito ng paggamit sa data kung kailan hindi mo ito inaasahan. Magpasya kung gusto mo ang function na iyon na i-on o i-off.
  • Suriin ang mga awtomatikong pag-update ng app, na makikita minsan sa ilalim ng mga setting ng paggamit sa mobile data: Kung i-off mo ang function na ito, maaari lang i-update ang mga app gamit ang isang koneksyon sa Wi-Fi. Maaaring makatulong itong maiwasan ang labis na paggamit ng data, partikular na para sa mga app na hindi mo madalas ginagamit.
  • Tingnan ang setting ng privacy para sa iyong device at mga koneksyon sa network: Siguraduhing nakatakda ang iyong mga setting sa serbisyo ng lokasyon, pagbabahagi gamit ang Bluetooth, pagsubaybay sa ad, at social media alinsunod sa mga kagustuhan mo.
  • Tingnan ang pagkakatugma ng OS para sa karamihan ng iyong mahahalagang app: Maaaring hindi tumutugma ang bagong OS sa isa o higit pa sa iyong kasalukuyang app hanggang sa maglabas ng patch. Tingnan kung may upgrade para sa anumang app na hindi gumagana nang maayos. Dagdag pa rito, maaari mong hilinging makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device o provider ng serbisyo upang magbahagi ng feedback sa pagiging compatible ng app. Hanapin ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa iyong bayarin, sa device mo, o online.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.