Ang mga text telephone device (TTY o TDD) ay ginagamit ng mga taong may mga kapansanan sa pandinig o pananalita upang magpadala at tumanggap ng mga text message sa mga network ng telepono. Dati, ang wireline na telepono at mga analog na cellular network ay karaniwang compatible sa mga TTY, ngunit hindi sa mga digital na wireless network. Bilang resulta ng mga panuntunan ng FCC na tiyaking makagagawa ang mga user ng TTY ng mga pang-emergency na tawag sa 911, na-upgrade ng mga provider ng wireless na serbisyo ang kanilang mga digital na network upang maging compatible sa mga TTY. Karaniwan na ngayong nagagamit ng mga consumer ang mga TTY upang gumawa ng mga tawag sa kanilang mga digital na wireless na telepono, kabilang ang mga tawag sa 911, kung compatible ang mismong telepono sa TTY. Upang maghanap ng digital na wireless na telepono na compatible sa TTY, makipag-ugnayan sa iyong provider ng wireless na serbisyo o retailer ng handset.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.