Iniaatas sa FCC ng Batas sa Pagiging Compatible sa Hearing Aid (Hearing Aid Compatibility Act) na tiyaking compatible sa hearing aid ang lahat ng wireline na teleponong ginawa o na-import upang gamitin sa Estados Unidos at lahat ng "kinakailangang" telepono, gaya ng mga pampublikong telepono, teleponong pang-emergency, at telepono sa trabaho. Sinimulan noong 2003, nagpatupad ang FCC ng mga panuntunan para sa pagiging compatible din sa hearing aid ng mga digital na wireless na telepono.
Ang mga teleponong compatible sa hearing aid ay may mga panloob na feature na direktang nagpapadala ng mga signal ng tunog sa elektromagnetikong paraan papunta sa mga hearing aid at cochlear implant na may mga telecoil (o mga T-coil). Sa Estados Unidos, humigit-kumulang 60 porsyento ng mga hearing aid ay mayroong mga telecoil. Maraming tao ang nag-uulat ng feedback o "matinis na tunog" kapag inilalagay nila ang handset ng telepono o mobile phone sa tabi ng kanilang hearing aid. Naaalis ng mga T-coil na hearing aid ang feedback na ito dahil awtomatikong nao-off ang mga mikropono ng mga ito upang hindi masagap ang tunog sa paligid, at mapalakas lang ng mga hearing aid ang signal ng telepono.
Tip sa consumer: Maaaring kailanganin ng ilang taong gumagamit ng mga hearing aid sa telecoil coupling mode na ilagay ang telepono nang bahagya sa likod ng tainga sa halip na direktang nakadikit sa mismong tainga upang makuha ang pinakamalinaw na signal.
Mga Wireline na Telepono
Ano ang mga kinakailangan para sa pagiging compatible sa hearing aid ng mga wireline na telepono?
Iniaatas ng mga panuntunan ng FCC na sumailalim ang mga wireline na telepono sa HAC Act:
- Magkaroon ng magnetic field na may sapat na lakas at kalidad upang mapahintulutan ang pag-uugnay sa mga hearing aid na may mga telecoil.
- Magkaroon ng sapat na range ng volume.
Iniaatas din ng mga panuntunan ng FCC na mabigyang-daan ng mga telepono ang paglalakas ng volume upang marinig ito ng mga indibidwal na may kapansanan sa pandinig, gumagamit man sila o hindi gumagamit ng mga hearing aid. Ang mga teleponong nalalakasan ang volume ay dapat awtomatikong bumabalik sa mas mahinang volume sa tuwing ibinabalik ang handset sa on-hook nitong posisyon. Maaaring humiling ang mga manufacturer ng kagamitang telepono ng waiver na nagpapahintulot na manatili ang mga teleponong nalalakasan ang volume sa setting ng malakas na volume sa ilalim ng ilang partikular na kundisyon.
May mga kinakailangan bang paglalagay ng label para sa mga wireline na telepono?
Dapat lagyan ng label na "HAC" ang mga teleponong compatible sa hearing-aid
Mga Wireless na Handset
Ano ang mga karagdagang pagsasaalang-alang sa teknolohiya para sa mga wireless na telepono?
Ang kakayahang gawing compatible ang mga wireless na telepono sa mga hearing aid ay may bahagi ring nakadepende sa ibang mga pagpapasya ng mga carrier at manufacturer sa teknikalidad at disenyo. Halimbawa, para sa mga kadahilanang pangteknikal, mas madaling matugunan ang mga pamantayan sa pagiging compatible sa mga system na gumagamit ng mga Code Division Multiple Access (CDMA) na cellular wireless network kaysa sa mga system na gumagamit ng Global System for Mobile Communication (GSM). Mas madali ring matugunan ang mga pamantayan sa pagiging compatible sa hearing aid sa mga handset na may mga disenyo ng flip phone kaysa sa iba pang istilo, dahil mas malayo ang speaker sa iba pang bahagi ng telepono – tulad ng baterya ng device, backlight o wireless na antenna – kung kaya nababawasan ang posibilidad ng electromagnetic interference sa T-coil.
Nagdudulot minsan ang mga digital na wireless na telepono ng panlalabo ng signal dahil sa elektromagnetikong enerhiyang inilalabas ng antenna, backlight, o iba pang bahagi ng telepono.
Ano ang mga kinakailangan para sa pagiging compatible sa hearing aid ng mga digital na wireless na telepono?
Ang pamantayan para sa pagiging compatible ng digital na wireless handset sa mga hearing aid ay ang pamantayang C63.19 ng American National Standard Institute. Itinuturing na compatible sa hearing-aid ang isang digital na wireless handset kung natutugunan nito ang isang "T3" o "U3T" na rating, o mas mataas, sa ilalim ng pamantayan ng ANSI. Ito ang rating ng pagiging compatible sa telecoil ng handset.
Ang hearing aid na ginagamitan ng telecoil ay dapat ding magkaroon ng rating na tulad ng T1, T2, o T3. Upang matukoy kung gaano kahusay na gumagana nang magkasama ang handset at ang hearing aid, pagsamahin ang T rating ng dalawa. Halimbawa, ang isang T3 na handset na ginagamit kasama ng T3 na hearing aid, ay nagreresulta sa kabuuang 6, na itinuturing na "pinakamainam" o "pinakamahusay."
Dagdag pa sa pagbibigay ng rate sa paggana sa telecoil ng mga wireless handset, nagbibigay din ang pamantayan ng ANSI ng pamamaraan sa pagbibigay ng rate sa papapalabas ng RF ng mga handset at hearing aid. Mahalaga ang pagbibigay ng rate na ito kahit na gumagamit ang user ng hearing aid ng mikropono para sa input ng audio sa halip na gumamit ng telecoil. Ibinibigay ang mga rate sa RF bilang M1 hanggang M4, kung saan M1 ang itinuturing na pinakamahina laban sa mga pagpapalabas ng RF at M4 ang itinuturing na pinakamalakas. Dapat magkaroon ang isang digital na wireless handset ng M3 na rating o mas mataas upang maituring na compatible sa hearing-aid. Upang matukoy kung gagana nang maayos ang isang partikular na digital na wireless na telepono sa isang partikular na hearing aid, pagsamahin ang rating ng pagiging immune ng hearing aid sa rating ng handset. Ang kabuuang 4 ay nangangahulugang magagamit ang telepono, ang 5 ay nangangahulugang normal itong magagamit, at ang 6 o higit pa ay nangangahulugang mahusay na magagamit ng mga user ng hearing aid ang telepono.
Ano ang mga kinakailangang paglalagay ng label at pagsubok?
- Ang mga package na naglalaman ng mga handset na compatible sa hearing-aid ay dapat malinaw na nalagyan ng label at may detalyadong impormasyon sa package o manual ng produkto.
- Dapat magbigay ang mga provider ng serbisyong wireless ng mga paraan upang masubukan ng mga consumer sa kanilang mga retail na tindahan ang mga handset na compatible sa hearing aid.
- Kinakailangan ng mga manufacturer at provider ng serbisyo na mag-post ng impormasyon sa kanilang mga website tungkol sa kanilang mga iniaalok na handset na compatible sa hearing aid.
Ang ilang manufacturer ng hearing aid ay kusang-loob na nagsasama ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagiging compatible sa hearing aid ng kanilang mga produkto.
May kakayahan ang ilang handset na gumamit ng mga wireless na teknolohiyang tulad ng Wi-Fi o Bluetooth, kung saan hindi pa naipapatupad ng FCC ang mga pamantayan sa teknikalidad ng pagiging compatible sa hearing aid. Kung may naturang teknolohiyang kasama sa isang handset, dapat ay ipinababatid sa mga consumer mula sa materyales ng package at iba pang paghahayag na hindi pa nasusubukang gamitin sa mga hearing aid ang mga naturang operasyon.
Subukan bago ka bumili
Tiyaking susubukan sa tindahan ang iyong wireless device kasama ng hearing aid mo ka bumili. Pinakamainam na sumubok ng iba't ibang modelo bago ka bumili, upang mahanap mo ang pinakamahusay na tumutugmang wireless handset para sa iyong mga hearing aid. Bumisita sa isang carrier store na may kumpletong serbisyo at hilinging subukan ang mga device na itinalagang "compatible sa hearing aid." Maaaring magbago ang mga pagpapalabas ng RF ng iyong cell phone depende sa lokasyon mo. Tiyaking ganap na nasuri ang iyong mga karanasan sa pakikinig kapag nasa labas, at sa iba't ibang maraming lokasyon kapag panahon nang isauli ang handset.
Paghahain ng reklamo
Kung magkakaproblema ka sa paggamit ng hearing aid sa isang wireline na teleponong dapat ay compatible sa hearing aid, subukan muna itong lutasin sa tulong ng manufacturer ng kagamitan o sa iyong provider ng serbisyo. Kung hindi mo direktang malulutas ang isyu, maaari kang maghain ng reklamo sa FCC (sa Ingles).
Ano ang kasamang ilalagay sa iyong reklamo
Kasama dapat sa iyong reklamo ang:
- Ang gumawa at numero ng modelo ng kagamitan o device na inirereklamo mo.
- Ang pangalan, address, at numero ng telepono (kung alam) ng kumpanya o mga kumpanyang nauugnay sa iyong reklamo.
- Isang maikling paglalarawan ng iyong reklamo at ang resolusyong hinihiling mo, at isang kumpletong paglalarawan ng kagamitan o serbisyong inirereklamo mo, kabilang ang petsa ng pagbili, paggamit, o pagtatangkang paggamit.
Higit pa tungkol sa Accessibility
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga programa ng FCC upang isulong ang access sa mga serbisyo ng telekomunikasyon para sa mga taong may kapansanan, bisitahin ang website ng Tanggapan sa Mga Karapatan ng May Kapansanan (Disability Rights Office) (sa Ingles) ng FCC.
Dapat ay taunang mag-ulat ang mga manufacturer at provider ng serbisyo sa FCC tungkol sa mga iniaalok nilang handset na compatible sa hearing aid. Makikita rito (sa Ingles) ang listahan ng lahat na compatible na handset na iniaalok ng mga manufacturer sa pinakahuling panahon ng pag-uulat.
Makikita rito (sa Ingles) ang karagdagang impormasyon sa mga compatible na handset na iniaalok ng mga partikular na provider ng serbisyo sa pinakahuling panahon ng pag-uulat.
Maaaring hanapin ng mga consumer dito (sa Ingles) ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng accessibility customer care representative ng kumpanya.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.