Iniatas ng mga panuntunan ng FCC sa mga broadcaster at cable operator na gawing accessible ang ilang impormasyong pang-emergency, sa English, sa mga taong bingi o may mahinang pandinig, at sa mga taong bulag o may kapansanan sa paningin. Ang ibig sabihin ng panuntunang ito ay dapat na ibigay ang ilang impormasyon tungkol sa isang emergency sa parehong audio at visual na format.
Ano ang kwalipikado bilang impormasyong pang-emergency?
Ang impormasyong pang-emergency ay nilayon para makatulong na magprotekta ng buhay, kalusugan, kaligtasan o ari-arian. Kasama sa mga halimbawa ang:
- Mga agarang sitwasyon sa lagay ng panahon: mga ipo-ipo, buhawi, pagbabaha, daluyong, lindol, pagyeyelo, mabigat na pag-ulan ng nyebe, malawakang sunog, pagbabala at pagbabantay sa nakaambang pagbabago ng lagay ng panahon, at
- Mga sitwasyon sa komunidad gaya ng: mga pandemiko, malawakang pagkawala ng kuryente, pagsabog sa pabrika, kaguluhang sibil, pagpapakawala ng nakalalasong hangin, pagsasara ng paaralan at mga pagbabago sa mga iskedydul ng school bus na magreresulta mula sa mga naturang kundisyon.
Paggawang accessible ang impormasyong pang-emergency
Para sa mga taong bingi o may mahinang pandinig, ang impormasyong pang-emergency na ibinigay sa audio na bahagi ng programa ay dapat na ibigay gamit ang closed captioning o iba pang paraan ng visual na pagpapakita, gaya ng open captioning, crawl o scroll na lalabas sa screen. Ang mga closed caption ay mga visual na ipinapakitang text na nakatago sa signal ng video, karaniwang accessible sa pamamagitan ng iyong remote control, menu sa screen o sa pamamagitan ng isang espesyal na decoder. Ang mga open caption ay mahalagang bahagi ng larawan sa telebisyon, gaya ng mga subtitle sa isang pelikula, kaya hindi mao-off ang mga open caption. Ang mga crawl ay text na dahan-dahang dumadaan sa ibaba ng screen. Ang ipinakitang text o graphics na gumagalaw pataas at pababa ng screen ay tinatawag na scroll. Dapat tiyakin ng mga video programming distributor (VPD) na hindi bina-block ng impormasyong pang-emergency ang anumang closed captioning, at hindi dapat i-block ng closed captioning ang anumang impormasyong pang-emergency na ibinigay sa pamamagitan ng ibang paraan bukod sa closed captioning.
Nagbibigay ang ilang pang-estado at lokal na opisyal ng pamahalaan ng mga serbisyo ng interpreter ng American Sign Language (ASL) sa panahon ng kanilang ipinalabas sa telebisyong anunsyong pang-emergency at mga press conference. Hanggang sa lawak na ibinibigay ang serbisyong ito, hinihikayat ang mga VPD at video programmer na tiyaking palaging nakikita ang interpreter sa screen ng telebisyon para mapakinabangan ng mga manonood na gumagamit ng ASL.
Para sa mga taong bulag o may mahinang paningin, dapat na maging accessible ang impormasyong pang-emergency na ibinigay sa video na bahagi ng isang regular na nakaiskedyul na pagbabalita o pagbabalitang nag-antala sa isang regular na programa sa pamamagitan ng audio na paglalarawan ng impormasyong pang-emergency. Kung visual na ibinigay ang impormasyong pang-emergency sa regular na programa sa pamamagitan ng crawl o scroll sa screen, halimbawa, dapat na may kasama itong audio tone at ginawang accessible na naririnig sa pamamagitan ng paggamit ng secondary na audio stream ng channel ng telebisyon. Maaalertuhan ng tone na ito ang mga taong may kapansanan sa paningin na nagbibigay ang broadcaster ng impormasyong pang-emergency at dapat silang makinig sa secondary audio stream para sa higit pang impormasyon. Dapat tiyakin ng mga video programming distributor at provider na pinang-iibabawan ng aural emergency ang lahat ng iba pang programa sa secondary audio stream at naiparating nang buo ng hindi bababa sa dalawang beses.
Anong impormasyong pang-emergency ang dapat na ibigay?
Ang impormasyon tungkol sa isang kasalukuyang emergency na nilayon para higit pang makaprotekta ng buhay, kalusugan, kaligtasan at ari-arian ay dapat na ibigay nang visual at aural, gaya ng:
- Mga partikular na detalye patungkol sa mga lugar na maaaring apektado ng emergency
- Mga utos sa paglikas, detalyadong paglalarawan ng mga lugar na dapat lumikas at mga partikular na ruta sa paglikas
- Mga inaprubahang paglilikasan o kung paano dapat manatili sa sariling bahay
- Mga tagubilin kung paano gawing ligtas ang personal na ari-arian
- Mga pagsasara ng kalsada
- Paano makakuha ng ayuda
Sa pagtukoy kung dapat na iparating nang visual at aural ang ilang detalye, puwedeng magpasya nang mag-isa ang mga programmer.
Maaaring may mga pagkakataon kung saan maaapektuhan ng emergency ang broadcast station, non-broadcast network o distributor. Sa mga naturang pagkakataon, maaaring hindi posibleng magbigay ng accessible na impormasyong pang-emergency.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.