Ang mga pangunahing antenna para sa pag-transmit ng wireless telephone service, kasama ang cellular at personal communications service (PCS), ay karaniwang matatagpuan sa sa labas sa mga tore at iba pang matataas ng istraktura tulad ng mga bubong, tangke ng tubig at mga gilid ng mga gusali. Ang kumbinasyon ng mga antenna tower at nauugnay na electronic equipment ay tinatawag na isang "cellular o PCS cell site" o "base station." Ang mga cellular o PCS cell site tower ay karaniwang may taas na 50-200 talampakan. Karaniwang tatlo ang mga antenna sa isang grupo, ang isang antenna sa bawat grupo ay ginagamit upang mag-transmit ng mga signal sa mga mobile units, at ang dalawa antenna naman ay ginagamit upang tumanggal ng mga signal sa mga mobile unit.

Sa isang cell site, ang kabuuang lakas ng radio frequency (RF) na kayang i-transmit mula sa bawat transmitting antenna ay nakadepende sa bilang ng mga radio channel (o transmitter) na pinahintulutan ng Federal Communications Commission (Pederal na Komisyon sa Komunikasyon) at sa lakas ng bawat transmitter. Bagama't pinahihintulutan ng FCC ang isang effective radiated power (ERP) na hanggang 500 watt bawat channel (depende sa taas ng tore), ang karamihan ng cellular o PCS cell site sa mga urban at suburban na lugar ay pinapatakbo nang may ERP na 100 watt bawat channel o mas mababa.

Ang isang ERP na 100 watt ay katumbas ng isang aktwal na actual radiated power na 5-10 watt, depende sa uri ng antenna na ginagamit. Sa mga urban na lugar, ang mga cell site ay karaniwang nag-e-emit ng ERP na 10 watt bawat channel o mas mababa. Para sa mga PCS cell site, karaniwan ang mga ERP na mas mababa pa. Gaya ng lahat ng anyo ng electromagnetic na enerhiya, ang power density mula sa isang cellular o PCS transmitter mabilis na bumababa habang lumalayo sa antenna.

Dahil dito, ang normal na ground-level exposure ay mas mababa kaysa sa maaaring maranasan kung napakalapit ng isang tao sa antenna at sa pangunahing beam na tina-transmit nito. Ipinapakita ng mga pagsusukat na ginagawa malapit sa mga karaniwang cellular at PCS cell site na ang mga ground-level na power density ay mas mababa sa mga limitasyon sa pagkalantad na inirerekomenda ng mga pamantayan sa kaligtasan sa RF/microwave na ginagamit ng FCC.

Mga Alituntunin

Noong 1996, ang FCC ay nagpatupad ng mga na-update na alituntunin para sa pagsusuri ng pagkalantad ng tao sa mga RF field mula sa mga nakapirming transmitting antenna gaya ng mga ginagamit para sa mga cellular at PCS cell site. Ang mga alituntunin ng FCC ay kapareho ng mga inirerekomenda ng National Council on Radiation Protection and Measurements (Pambansang Sanggunian sa Proteksyon at Pagsusukat sa Radiation), isang non-profit na korporasyong binuo ng Kongreso upang bumuo ng impormasyon at mga rekomendasyon hinggil sa proteksyon laban sa radiation. Ang mga alituntunin ng FCC ay katulad ng mga 1992 na alituntuning inirerekomenda ng Institute of Electrical and Electronics Engineers (IEEE), isang non-profit na teknikal at propesyunal na engineering society, at ineendorso ng American National Standards Institute (ANSI), isang nonprofit na membership organization na pinopondohan ng pribadong sektor na nangangasiwa sa pagbuo ng mga boluntaryo at pambansang pamantayan sa Estado Unidos.

Sa kaso ng mga cellular at PCS cell site transmitter, ang mga tagubilin sa pagkalantad sa RF ng FCC ay nagrerekomenda ng maximum na pinapayagang antas ng pagkalantad sa publiko na humigit-kumulang 580 microwatt kada sentimetrong parisukat. Ang limitasyong ito ay maraming beses na mas malaki kaysa sa mga antas ng RF na karaniwang nakikita malapit sa ibaba ng isang tore ng cellular o PCS cell site o sa paligid ng ibang mas mahinang cell site transmitter. Ipinapakita ng mga kalkulasyong nauugnay sa isang "pinakamalalang" sitwasyon (sabay-sabay at tuluy-tuloy na gumagana ang lahat ng transmitter nang nasa maximum na lisensiyadong lakas) na, upang malantad sa mga antas ng RF na malapit sa mga alituntunin ng FCC, kailangan ng isang indibidwal na manatili sa pangunahing beam at sa loob ng ilang talampakan mula sa antenna nang ilang minuto o mas mahaba pa. Samakatuwid, napakaliit ng posibilidad na malantad ang isang miyembro ng publiko sa mga antas ng RF na sobra sa mga alituntunin ng FCC.

Kapag naglagay ng mga cellular at PCS antenna sa mga bubong, ang mga RF emission ay maaaring lumagpas sa kanais-nais na antas ng alituntunin sa mismong bubong, kahit na karaniwang gumagana ang mga antenna sa bubong nang nasa mas mababang antas ng power kaysa sa mga free-standing power antenna. Ang ganoong mga antas ay maaaring maging isang isyu para sa pagmementina o iba pang tauhang nagtatrabaho sa bubong. Gayunpaman, ang mga exposure na lumalagpas sa mga antas ng mga alituntunin ay malamang lang na maranasan nang napakalapit sa, at direktang nasa harap ng, mga antenna. Sa ganoong mga kaso, ang mga pag-iingat gaya ng mga limitasyon sa oras ay maaaring makaiwas sa pagkalantad nang lagpas sa mga tagubilin. Walang panganib sa mga indibidwal na naninirahan o nagtatrabaho sa loob ng gusali.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.