Hinihikayat ka naming makipag-ugnayan sa iyong provider upang malutas ang anumang isyung nauugnay sa serbisyo. Kung hindi mo malutas ang bagay na ito sa iyong provider, maaari kang maghain ng reklamo o magbahagi ng iyong istorya sa FCC sa pamamagitan ng Center sa Pagrereklamo ng Consumer (sa Ingles).

Pagkatapos ng mga sakuna at malubhang panahon, maaaring magkaroon ng mga oportunidad sa panloloko sa panahong nakakaranas ng lubos na kahinaan ang mga tao, o ng mga pagta-target ng mga mapagkawanggawang intensyon.

Ang mga scammer ay gumagamit ng telepono, text, mail, at email at nagpupunta rin sila sa mga bahay para mag-target ng mga residente ng mga apektadong lugar pagkatapos ng mga hurricane at malakas na bagyo.

Maging Alisto sa Mga Red Flag

Una, para sa iyong kaalaman, ang mga opisyal sa mga ahensya ng tulong sa sakuna ng gobyerno ay hindi tumatawag o nagte-text para humiling ng impormasyon sa pinansyal na account, at walang kinakailangang bayad para mag-apply para sa o makakuha ng tulong sa sakuna mula sa FEMA o sa Small Business Administration. Ang sinumang nagsasabing isa siyang opisyal ng pederal na humihingi ng pera ay isang impostor.

Tandaang ang mga scam sa telepono ay madalas na gumagamit ng mga technique sa panggagaya para intensyonal na palsipikahin ang impormasyong ipinapadala sa iyong display sa caller ID para maitago ang kanilang pagkakakilanlan o mapagmukhang opisyal ang tawag.

Kung may taong tatawag na nagsasabing isa siyang opisyal ng gobyerno, ibaba ang telepono at tawagan ang numerong nakalista sa opisyal na website ng ahensya ng gobyerno. Huwag magsisiwalat ng anumang personal na impormasyon maliban na lang kung nakumpirma mong nakikipag-usap ka sa isang lehitimong opisyal. Ang mga manggagawa at ahenteng kumakatok sa mga bahay ay kailangang magdala ng opisyal na patunay ng pagkakakilanlan at kailangan nila itong ipakita kapag hiniling, at hindi sila maaaring humingi o tumanggap ng pera.

Mga Hakbang para Maiwasan ang Mga Scam sa Insurance Pagkatapos ng Sakuna

Kung makakatanggap ka ng tawag tungkol sa isang pag-claim sa o policy ng insurance, huwag magbibigay ng anumang personal na impormasyon o sasang-ayon sa anumang pagbabayad hangga't magagawa mo mismong i-verify kung lehitimo ang tawag.  Kung sasabihin ng tatawag na mula siya sa iyong kumpanya ng insurance, ibaba ang telepono at direktang makipag-ugnayan sa iyong ahente o sa kumpanya gamit ang numero sa iyong statement ng account. Maaaring tumawag sa 1-800-638-6620 ang mga policyholder sa National Flood Insurance Program (NFIP Direct).

Maaari ring tumawag ang mga kontratista at kumpanya ng pagpapabuti ng tahanan at magsabing mga partner sila ng iyong provider ng insurance. Huwag na huwag magbibigay ng mga numero ng policy, detalye ng saklaw, o iba pang personal na impormasyon sa mga kumpanyang hindi mo nakakontrata. Kung kinakailangan ng paglilisensya sa iyong estado, i-verify kung lisensyado at may sapat na insurance ang sinumang kontratistang kinokonsidera mo. Maraming estado ang may mga online na database na maaaring magamit para matiyak ito.

Mga Scam sa Pangkawanggawang Tulong sa Sakuna

Dapat ding maging alisto ang mga consumer sa mga scammer na nagpapanggap bilang mga kinatawan ng mga kawanggawa na humihingi ng mga donasyon para sa tulong sa sakuna. May ilang hakbang kang maaaring gawin para maprotektahan ang iyong sarili mula sa ganitong uri ng panloloko:

  • Magbigay ng donasyon sa mga pinagkakatiwalaan at kilalang kawanggawa. Mag-ingat sa mga scammer na gumagawa ng mga pekeng kawanggawa sa mga panahon ng sakuna. I-verify palagi ang pagiging lehitimo ng kawanggawa sa pamamagitan ng opisyal na website nito. Kung mayroon kang mga pagdududa, maaari mo itong tiyakin sa Better Business Bureau's Wise Giving Alliance (sa English), Charity Navigator (sa English), Charity Watch (sa English), o sa GuideStar (sa English). Maaari mo rin itong tiyakin sa National Association of State Charity Officials (sa English) kung ang mga kawanggawa ay nakarehistro dapat sa iyong estado at kung nakatala sa iyong estado ang kawanggawang nakikipag-ugnayan sa iyo.
  • I-verify ang lahat ng numero ng telepono ng mga kawanggawa. Kung kailangan mong makipag-ugnayan sa isang kawanggawa sa pamamagitan ng telepono, tingnan ang opisyal na website ng kawanggawa para makita kung lehitimo ang numerong mayroon ka. Kung gumagamit ka ng text para magbigay ng donasyon, alamin ito sa kawanggawa para matiyak kung lehitimo ang numero bago ka magbigay ng donasyon.
  • Huwag magbubukas ng mga kahina-hinalang email. Kung makakatanggap ka ng kahina-hinalang email na humihiling ng donasyon o iba pang tulong, huwag magki-click sa anumang link o magbubukas ng anumang attachment. Ang mga scammer ay karaniwang gumagamit ng email para sa mga phishing na pag-atake at para magpalaganap ng malware.
  • I-verify ang impormasyon sa mga post sa social media. Tiyakin ang anumang pangangalap ng mga pangkawanggawang donasyon bago ka magbigay. Ang GoFundMe at iba pang site ay madalas na naglalaman ng mga indibidwal na hiling para sa tulong at hindi sinusuri (sa English) ng site o ng iba pang source ang mga ito.

Para mag-ulat ng pinaghihinalaang panloloko, tumawag nang toll free sa Hotline ng FEMA para sa Panloloko sa Sakuna sa 1-866-720-5721. Kung kailangan mong mag-ulat ng iba pang mapanlokong aktibidad sa panahon o pagkatapos ng sakuna, pakiabusihan ang FEMA sa 1-866-720-5721 o sa disaster@leo.gov.

Maaari ka ring maghain ng reklamo sa FCC (sa English) tungkol sa mga scam sa telepono o maghain ng reklamo sa FTC (sa English) tungkol sa panloloko.

Help Center ng Consumer

Nagbibigay ng mga tip ang mga gabay para sa consumer ng FCC tungkol sa pag-iwas sa panggagaya ng caller ID at mga robocall na maaaring makatulong sa iyong maiwasang maloko. Para matuto pa tungkol sa mga scam at kung paano makaiwas sa mga ito, tingnan ang Glosaryo ng Panloloko ng FCC (sa English) o bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers (sa English).

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.