Ano ang broadband?

Ang broadband o mabilis na access sa Internet ay nagbibigay-daan sa mga user na i-access ang Internet at mga serbisyong may kaugnayan sa Internet sa mga bilis na mahigit pa sa mga serbisyo ng "dial-up." Iba-iba ang bilis ng broadband depende sa teknolohiya at antas ng serbisyong kinuha. Ang mga serbisyo ng broadband para sa mga residenteng consumer ay karaniwang naghahatid ng mas mabilis na downstream (mula sa Internet patungo sa iyong computer) kaysa sa upstream (mula sa iyong computer patungo sa Internet).

Paano ito gumagana?

Nagbibigay-daan ang broadband sa mga user na i-access ang impormasyon sa pamamagitan ng Internet gamit ang isa sa maraming teknolohiya ng mabilis na pagpapadala. Digital ang pagpapadala, kung saan nangangahulugang ipinapadala ang lahat ng text, larawan, at tunog bilang "mga bit" ng data. Ginagawang posible ng mga teknolohiya ng pagpapadala ang broadband at mas mabilis nitong ipinapadala ang mga bit na ito kaysa sa mga tradisyonal na koneksyon sa telepono o wireless, kabilang ang mga tradisyonal na dial-up na koneksyon sa pag-access ng Internet.

Ano ang mga kapakinabangan nito?

  • Isang mahalagang tool ang broadband para sa pagpapaabot ng mga pang-edukasyon at pang-ekonomiyang oportunidad sa mga consumer sa malalayong lugar.
  • Binibigyang-daan ka ng broadband na sulitin ang mga serbisyong hindi magagamit o hindi madaling gamitin sa pamamagitan ng dial-up na koneksyon sa Internet, gaya ng Voice over Internet Protocol (VoIP), isang alternatibo sa tradisyonal na serbisyo ng voice telephone.
  • Ginagawang posible ng broadband ang "telemedicine.": ang mga pasyente sa mga rural na lugar ay maaaring kumonsulta nang online sa mga medikal na espesyalista sa mas maraming lungsod at napakabilis ng pagbabahagi ng impormasyon at mga resulta ng pagsusuri.
  • Tinutulungan ka ng broadband na mahusay na ma-access at magamit ang maraming sanggunian at mapagkukunang pangkultura sa pamamagitan ng Internet.
  • Kailangan mo rin ng broadband upang pinakamahusay na masulit ang maraming oportunidad ng malayuang pag-aaral, tulad ng mga online na kurso sa kolehiyo o unibersidad, at programa ng pagpapatuloy o senior education program.
  • Binibigyang-daan ka ng broadband na mas mabilis at mahusay na makapamili online.

Ano ang mga magagamit na uri nito?

Maaaring ihatid ang broadband sa pamamagitan ng iba't ibang platform:

  • Digital Subscriber Line (DSL)
  • Cable Modem
  • Fiber
  • Wireless
  • Satellite

Ibabatay sa ilang salik ang pipiliin mong teknolohiya ng broadband. Kasama rito ang paraan ng pag-package sa broadband na access sa Internet kasama ng iba pang serbisyo (tulad ng voice telephone at home entertainment), presyo, at pagiging available ng serbisyo.

Digital subscriber line (DSL)

Isang wireline na teknolohiya ng pagpapadala ang DSL at mas mabilis nitong ipinapadala ang data sa pamamagitan ng tradisyonal na copper na kable ng telepono na nakakabit na sa mga tahanan at negosyo.

Ang mga sumusunod ay mga uri ng DSL na teknolohiya ng pagpapadala:

  • Asymmetrical Digital Subscriber Line (ADSL) – pangunahing ginagamit ng mga residenteng customer. Ang ADSL ay karaniwang naghahatid ng mas mabilis na downstream kaysa upstream. Nagbibigay-daan ang ADSL sa mas mabilis na downstream na pagpapadala ng data sa pamamagitan ng parehong linyang ginagamit upang maghatid ng serbisyo ng voice, nang hindi inaantala ang mga regular na tawag sa telepono sa linyang iyon.
  • Symmetrical Digital Subscriber Line (SDSL) – karaniwang ginagamit ng mga negosyo para sa mga serbisyong gaya ng pakikipagkumperensya gamit ang video. Magkapantay ang mga bilis ng trapiko ng downstream at upstream. Kabilang sa mas mabibilis na anyo ng SDSL ang High-data-rate Digital Subscriber Line (HDSL) at Very High-data-rate Digital Subscriber Line (VDSL).

Cable modem

Nagbibigay-daan ang serbisyo ng cable modem sa mga operator ng cable na makapaghatid ng broadband gamit ang mga coaxial na kableng naghahatid ng mga palabas at tunog sa iyong telebisyon at makakapanood ka pa rin ng cable TV habang ginagamit ang serbisyo ng cable modem. Iba-iba ang bilis ng pagpapadala batay sa uri ng cable modem, network ng cable, at bigat ng trapiko. Maaaring pumantay o lumampas ang mga bilis sa karaniwang DSL ng residente.

Fiber

Ang fiber optic na teknolohiya ay nagko-convert sa electrical signal na liwanag na may dala ng data at ipinapadala nito ang liwanag sa pamamagitan ng mga transparent na glass fiber na may humigit-kumulang na diameter ng hibla ng buhok ng tao. Nagpapadala ng data ang fiber nang higit na mas mabilis kaysa sa DSL o cable modem. Gayunpaman, maiiba ang aktwal na bilis na mararanasan mo batay sa maraming dahilan, gaya ng layo ng iyong computer sa provider ng serbisyo at kung paano kino-configure ng provider ang serbisyo. Ang parehong fiber na naghahatid ng iyong broadband ay maaari ding sabay na maghatid ng mga serbisyo ng voice (VoIP) at video, kabilang ang video-on-demand.

Wireless

Ikinokonekta ng Wireless fidelity (WiFi) ang mga end-user na device sa isang lokal na serbisyo ng Internet sa pamamagitan ng teknolohiya ng wireless na may maikling saklaw. Nagbibigay-daan ang WiFi sa mga user na madala ang mga device na may naka-enable na WiFi sa kahit saan sa kanilang mga tahanan at negosyo. Malawakan ding magagamit ang WiFi sa maraming pampublikong "hotspot."

Ang mga teknolohiya ng naka-fix na wireless na gumagamit ng mga direksyonal na kagamitang mas malayo ang naaabot ay maaaring maghatid ng serbisyo ng broadband sa malalayo o hindi matataong lugar, kung saan masyadong mahal ang paghahatid ng iba pang uri ng broadband.

Ang mga serbisyo ng mobile na wireless broadband ay malawakan ding magagamit mula sa paghahatid nito ng mga provider ng serbisyo ng mobile broadband. Ang serbisyo ng mobile na wireless broadband is ay karaniwang mas mabagal kaysa sa alinman sa mga alternatibong naka-wire o naka-fix na wireless.

Satellite

Ang isa pang anyo ng wireless broadband na satellite broadband, ay kapaki-pakinabang sa pagseserbisyo sa malalayo o hindi matataong lugar. Nakabatay sa maraming salik ang bilis ng downstream at upstream, at kabilang dito ang provider at package ng serbisyong binili, line of sight ng consumer sa umiikot na satellite, at lagay ng panahon. Maaaring maantala ang serbisyo ng satellite dahil sa matinding lagay ng panahon. Maaaring mas mabagal ito kaysa sa DSL at cable modem, ngunit higit pa ring mas mabilis ang pag-download nito sa dial-up na pag-access sa Internet.

Para sa serbisyo ng satellite broadband, dapat magkaroon ang user ng:

  • dish o istasyon ng base na may dalawa o tatlong talampakan – ang pinakamahal na item
  • isang satellite na Internet modem
  • hindi nahaharangang line of sight sa satellite ng provider

Pagkuha ng broadband sa iyong lugar

  • Makipag-ugnayan sa iyong lokal na library at alamin kung nag-apply ito para sa pederal na programa ng E-rate, na nagbibigay ng subsidiya ng broadband sa mga library at paaralan.
  • Makipag-ugnayan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at alamin kung ano ang magagawa nila upang makahikayat ng mga provider ng serbisyo ng broadband sa iyong lugar. Karaniwang magastos magpalawak ng network ng broadband sa bagong lugar. Maaaring magkapag-alok ang iyong county o munisipyo sa mga provider ng broadband ng mga karapatan sa franchise ng video, kung saan mas naeengganyo nito ang mga potensyal na provider na magtayo ng network ng broadband.
  • Makipag-usap sa komisyon sa pampublikong serbisyo ng iyong pamahalaan o estado upang malaman kung anong ginagawa o maaaring gawin upang makakuha ng broadband para sa iyong lugar. Para sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng komisyon sa pampublikong serbisyo ng iyong estado, tingnan ang mga panregulatoryong komisyon (sa Ingles) ng NARUC.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.