U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Alerto sa consumer para sa mga pagbili ng wireless na mikropono

Ang sinumang nagbebenta o nagpapaupa ng wireless na mikropono o iba pang device na idinisenyo upang gumana sa mga 617-652 MHz at 663-698 MHz na frequency ay dapat magbigay ng sumusunod na pahayag sa mga consumer:

"Gumagana ang partikular na wireless na mikroponong device na ito sa mga bahagi ng mga 617-652 MHz o 663-698 MHz na frequency. Simula sa 2017, ginagawa nang 600 MHz na serbisyo ng Federal Communications Commission (FCC) ang mga frequency na ito upang matugunan ang pagtaas ng pangangailangan para sa mga serbisyo ng wireless na broadband. Ang mga user ng device na ito ay dapat huminto sa pagpapagana sa mga frequency na ito nang hindi lalampas sa Hulyo 13, 2020. Bukod pa rito, maaaring kailanganin ng mga user ng device na ito na huminto sa mga pagpapagana nang mas maaga sa naturang petsa kung maaaring magdulot ang kanilang mga pagpapagana ng nakakaperhuwisyong interference sa mga wireless na pagpapagana ng lisensyado sa 600 MHz na serbisyo sa mga frequency na ito. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang website ng wireless na mikropono ng FCC sa www.fcc.gov/consumers/guides/pagpapatakbo-ng-mga-wireless-na-mikropono o tawagan ang FCC sa 1-888-CALL-FCC (TTY: 1-888-TELL-FCC)."

May mga patakaran na ipinatutupad ngayon para sa mga nagpapatakbo ng wireless na mikropono at katulad na device, kung saan paghihigpitan ang paggamit ng mga ito sa ilang partikular na band ng spectrum na kasalukuyang ginagamit sa pag-broadcast sa telebisyon. Dahil dito, may ilang kinakailangang pagbabago sa kagamitan para sa mga lokal na teatro, simbahan, paaralan, conference center, sports stadium, at iba pang user ng katulad na device.

Idinisenyo ang mga wireless na mikropono at katulad na device upang mag-tune at tumakbo sa ilang partikular na frequency na kilala bilang mga "spectrum band." Sa kasalukuyan, tumatakbo ang karamihan ng wireless na mikropono sa iba't ibang hindi nagamit na bahagi ng mga band ng pag-broadcast sa telebisyon, kasama ang VHF at UHF channel. Maaaring tumakbo ang mga ito sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod: batay sa lisensyado, para sa mga kwalipikadong user, o batay sa hindi lisensyado, na bukas para sa lahat ng gumagamit ng naaangkop na kagamitan, sa kundisyong dapat sundin ng mga user ang mga naaangkop na patakaran para sa operasyon sa mga itinalagang spectrum band. 

Mga pagbabago sa pagpapatakbo sa mga frequency na nasa 600 MHz service band

Upang matugunan ang tumataas na pangangailangan para sa mga serbisyo ng wireless broadband sa buong bansa, ipinasubasta kamakailan ng FCC ang spectrum na lisensyado sa mga istasyon ng broadcast na telebisyon na tumatakbo sa TV Channel 38-51. Maaapektuhan ng mga resulta ng pagsubasta (na nakumpleto noong Abril 2017) ang availability ng spectrum para sa operasyon ng wireless na mikropono sa mga 600 MHz frequency na tumutugma sa mga TV channel na ito, partikular sa mga nasa 614-698 MHz frequency. Muling sinadya ang karamihan sa mga 600 MHz frequency para sa bagong 600 MHz na serbisyo para sa mga operasyong wireless (partikular sa 617-652 MHz at 663-698 MHz frequency).

Mga operasyon ng paglipat

Nagtakda ng panahon ang FCC upang makatulong na mapadali ang paglipat ng mga operasyon ng wireless na mikropono mula sa 600 MHz service band papunta sa iba pang available na frequency. Sa partikular, pinapayagan ng FCC ang mga user na magpatuloy ng operasyon sa 600 MHz service band sa ilalim ng ilang partikular na kondisyon hanggang sa Hulyo 13, 2020. Gayunpaman, hindi dapat magdulot ng mapaminsalang panghihimasok ang mga user sa alinman sa kasalukuyang mga operasyon ng broadcast na telebisyon o sa mga operasyon ng mga taong lisensyado sa wireless na serbisyo sa 600 MHz band. Bukod pa rito, walang karapatan ang mga user sa anumang proteksyon sa panghihimasok ng broadcast na telebisyon at ng mga taong lisensyado sa serbisyong 600 MHz.

Mga available na frequency pagkatapos ng paglipat

Magpapatuloy na maging available ang karamihan ng frequency sa TV band pagkatapos ng panahon ng paglipat, na matagal nang available para sa paggamit ng wireless na mikropono bago pa ang pagsubasta. Kabilang sa mga ito ang:

  • Mga VHF at UHF frequency sa mga TV channel na 2-36, na mababa sa 608 MHz.
  • Ilang partikular na frequency sa 600 MHz guard band: 614-616 MHz.
  • Ilang partikular na frequency sa 600 MHz duplex gap: 653-657 MHz para sa lisensyadong paggamit o 657-663 MHz para sa hindi lisensyadong paggamit.

Available din para sa paggamit ng wireless na mikropono ang mga karagdagang frequency na labas sa mga TV band. Pinahihintulutan ang paggamit ng hindi lisensyadong wireless na mikropono sa 902-928 MHz band, sa 1920-1930 MHz, at sa mga bahagi ng 2.4 GHz and 5 GHz band sa ilalim ng partikular na antas ng kuryente at mga patakaran sa operasyon para sa bawat band na iyon. Pinahihintulutan ang paggamit ng lisensyadong wireless na mikropono sa ilang spectrum band, kasama ang bahagi ng 900 MHz band, ng 1435-1525 MHz band, at ng 6875-7125 GHz band.

Aling partikular na mga wireless na mikropono ang apektado ng paglipat?

Upang matukoy kung maaapektuhan ba ng paglipat ang patuloy na paggamit ng mga partikular na wireless na mikropono, kinakailangang alamin ng mga operator ang mga partikular na frequency na ginagamit ng kanilang mga mikropono. Maaaring ang pakikipag-ugnayan sa manufactuer ang pinakaepektibong paraan upang matukoy kung aling partikular na wireless na mikropono ang apektado ng paglipat at maaaring kailanganing baguhin o palitan. Dagdag pa rito, maaaring nakalagay ang impormasyon sa mga ginagamit na frequency sa manual ng user ng partikular na modelo.

Mga paghihigpit sa kuryente para sa mga hindi lisensyadong mikropono

Hindi dapat tumakbo ang mga hindi lisensyadong wireless na mikropono sa antas ng kuryenteng hihigit sa 50 milliwatts kapag tumatakbo sa mga TV band, at hindi lalampas sa 20 milliwatts kapag tumatakbo sa 600 MHz guard band o duplex gap. Pinapayuhan ang mga user na kumonsulta sa kanilang manual ng may-ari o sa iba pang materyales na ibinigay ng manufactuer o distributor upang matukoy ang output ng kuryente ng kanilang mga wireless na mikropono.

Mga device na 'katulad' sa isang wireless na mikropono

Kabilang sa mga wireless na device na katulad sa mga wireless na mikropono ang kagamitang "low power auxiliary station," na karaniwang kayang mag-transmit sa layo na 100 metro. Kabilang sa mga halimbawa ang mga wireless intercom, wireless na in-ear monitor, wireless na audio instrument link, at kagamitan sa wireless cueing. Dapat sundin ng mga operator ng katulad ng mga hindi lisensyadong device ang mga parehong patakaran para sa paggamit ng frequency bilang mga user ng wireless na mikropono.

Mga lisensyadong operasyon

Sa ilalim ng mga patakaran ng FCC, may ilang tinukoy na indibidwal ang maaaring makakuha ng lisensya na magpatakbo sa ilalim ng mga tinukoy na patakaran at proteksyon sa panghihimasok. Kabilang sa mga indibidwal ang mga taong lisensyado sa mga istasyon ng AM, FM, o TV, operator ng broadcast network at cable-television system, at operator/may-ari ng venue, at kumpanya ng professional sound na regular na tumatakbo sa 50 o higit pang wireless na mikropono para sa mga event at produksyon sa malalaking venue tulad ng malalaking sports stadium at arena, sentro ng musika, o pangunahing teatro.

Part 74 para sa mga taong lisensyado

Maaaring magpatakbo sa mga spectrum band na tinukoy sa kanilang mga lisensya ang mga taong lisensyado sa ilalim ng mga patakaran ng Part 74 ng Commission. Hihingiin ng mga pagbabagong magaganap sa sinumang magpapatakbo sa spectrum na lisensyado na ngayon para sa serbisyong 600 MHz (karamihan sa spectrum na ginagamit para sa mga TV channel 38-51) na ihinto ang operasyon sa mga band na iyon at lumipat sa iba pang bahagi ng TV band (mga TV channel 2-36) o sa iba pang spectrum band na pinahihintulutan para sa paggamit ng wireless na mikropono.

Mga pagbabawal sa paggamit ng 700 MHz band

Noong 2010, ipinagbawal ng FCC ang paggamit ng mga wireless na mikropono at device sa hindi ginagamit na broadcast channel sa 600 MHz service band at sa 700 MHz band – partikular sa mga frequency sa pagitan ng 698 at 806 MHz. Ginawa ito dahil maaaring magdulot ang paggamit ng mapaminsalang panghihimasok na inaabala o sinisira ang mga komunikasyon sa mga spectrum band na muling sinadya para sa paggamit ng mga network na ligtas sa publiko at lisensyadong mga komersyal na serbisyong wireless.

Pag-uulat ng panghihimasok

Ang hindi pagsunod sa mga patakaran ng FCC sa pamamagitan ng pagtakbo sa mga wireless na mikropono o device sa mga 600 at 700 spectrum band nang labag sa batas ay maaaring magresulta sa mga multa o karagdagang kriminal na parusa.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga taong lisensyadong ligtas sa publiko sa FCC Operations Center 24 oras sa isang araw, pitong araw sa buong linggo, sa (202) 418-1122 (sa Ingles), o FCCOperationCenter@fcc.gov (sa Ingles) upang iulat ang panghihimasok. Maaari rin silang makipag-ugnayan sa Public Safety Support Center ng FCC sa https://www.fcc.gov/general/public-safety-support-center (sa Ingles).

Maaaring iulat ng mga mamimili ang panghihimasok sa mga device na tumatakbo sa lisensyadong spectrum sa pamamagitan ng pagsampa ng reklamo sa FCC.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.