Gumagamit ang mga bata ngayon ng mga wireless device upang i-access ang impormasyon at libangan sa iba't ibang bago at lumalawak na paraan. Sa paglawak na iyon, lumalaki ang alalahanin ng mga magulang at tagapag-alaga tungkol sa content na maaaring hindi naaangkop para sa mga bata, lalo na sa halos lahat ng mobile phone na nagbibigay ng access sa internet.

Mga wireless device

Maaaring simulan ng mga magulang ang pagtugon sa mga naturang alalahanin sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga uri ng content at application na maaaring i-access ng mga bata mula sa kanilang mga partikular na device. Magkakaiba ang mga available depende sa antas ng sopistikasyon ng device at sa mga serbisyong binili mula sa iyong provider ng wireless.

Ginagamit ang karamihan ng mga wireless device upang magpalitan ng mga mensahe, kabilang ang mga instant at text na mensahe, gayundin ng mga larawan, video at email kung may kasamang access sa internet ang iyong serbisyo. Ang mga user ay makahihiling, makabibili at makatatanggap ng content mula sa mga website at iba't ibang pinagkukunan.

Bukod pa rito, anuman ang edad, makatatanggap ang mga consumer ng mga alok para sa mga libreng pag-download o paggamit ng mga application. Ang mga libreng alok ay kadalasang para sa isang beses na paggamit, ngunit maaaring may mga tuntunin at kondisyon ang mga ito na may kasamang mga opsyon sa mga kasunduang magbabayad ng mga singil para sa patuloy na paggamit.

Kasama sa mga uri ng content na maaaring i-download at bilhin ang mga larawan, laro (kabilang ang mga ginagamit sa mga sikat na sistema sa paglalaro), musika at mga ringtone, at web video programming.

Ano ang maaari mong gawin

Narito ang mga praktikal na hakbang na maaari mong gawin upang makatulong sa pagprotekta sa iyong mga anak mula sa panonood ng hindi kanais-nais na content sa mga wireless device:

  • Alamin at unawain ang mga kakayahan ng kanilang mga wireless device at kung anong mga uri ng content at application ang available (kasama man ito o para sa karagdagang singil) sa ilalim ng iyong plano ng serbisyo.
  • Tanungin ang iyong provider ng serbisyong wireless tungkol sa software sa pag-filter o iba pang kontrol ng magulang na maaaring i-install sa mga wireless device.
  • Kausapin ang iyong mga anak tungkol sa kung paano sila gumagamit ng mga wireless device. Tanungin sila kung ano ang ipinapadala at natatanggap o dina-download nila, at kung galing saan.
  • Kung nag-a-access ng mga website ang iyong mga anak mula sa mga wireless device, alamin kung anong mga site ang ina-access nila at kung ano ang nauugnay sa kanila, partikular na ang mga site ng social networking at pakikipag-chat at mga app. 
  • Subaybayan ang bill. Ang mga pagbili ng content o application na isinagawa mula sa isang wireless device at hindi kasama sa iyong regular na plano ng serbisyo ay dapat lumabas bilang mga hiwalay na item sa iyong bill. (Tingnan ang aming gabay ng consumer sa Pag-unawa sa Bill ng Iyong Telepono: www.fcc.gov/consumers/guides/pag-unawa-sa-bill-ng-iyong-telepono.)

Mga boluntaryong tagubilin sa industriya ng wireless

CTIA – Bumuo ang Samahan ng Wireless ng mga boluntaryong tagubilin para sa mga provider ng serbisyong wireless upang gamitin sa pag-uuri ng content na inihahatid nila sa mga subscriber sa mga wireless device. 

Sa ilalim ng isang tagubilin, halimbawa, iba-block ng mga provider ng serbisyo ang content para sa mga subscriber na gustong limitahan nang boluntaryo ang access sa pamamagitan ng paggamit sa mga sumusunod na rating ng content:

  • Pangkalahatang naa-access o available para sa mga consumer sa lahat ng edad.
  • Pinaghihigpitan o naa-access lang ng mga taong edad 18 taong gulang pataas, o ng mga mas batang user kapag partikular na pinahintulutan ng magulang o tagapag-alaga.  Ang mga rating na pinaghihigpitan ay batay sa mga umiiral na sistema ng mga rating para sa mga pelikula, telebisyon, musika at laro.

Matuto pa sa pamamagitan ng pagbisita sa www.ctia.org/initiatives/voluntary-guidelines/wireless-carrier-content-classification-and-internet-access (sa Ingles), pagtawag sa CTIA sa (202) 785-0081 (sa Ingles), o pagsulat sa CTIA, 1400 16th Street, NW, Suite 600, Washington, DC  20036

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.