U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Pagdating sa serbisyo ng telepono, maaaring makalito ang iba't ibang opsyon at alok na mayroon. Narito ang isang gabay sa ilang karaniwang terminong ginagamit upang ilarawan ang iba't ibang uri ng serbisyo ng telepono.

Mga Uri ng Serbisyo

  • AngLokal na Serbisyo ng Exchange ay nagbibigay-daan sa pagtawag sa loob ng iyong exchange. Ang exchange ay isang tinukoy na lugar na karaniwang sumasaklaw sa isang lungsod, bayan o village at mga paligid nito.
  • AngLokal na Serbisyo ng Toll (intraLATA) (na tinatawag ding lokal na serbisyo ng long distance o toll ng rehiyon) ay nagbibigay-daan sa pagtawag sa loob ng heograpikong lugar na kilala bilang isang Local Access and Transport Area (LATA). Karaniwang nalalapat sa mga tawag na ito ang mga bawat minutong singil sa toll.

Maaaring isagawa ang mga lokal na toll na tawag sa sakop ng iyong code ng lugar o sa ibang code ng lugar sa buong bayan, sa kalapit na county o, sa ilang pagkakataon, sa katabing estado. Dapat mong i-dial ang “1” bago maisagawa ang isang lokal na toll na tawag, kahit na ang code ng lugar ay katulad ng sa iyo. Maaaring isagawa ng iyong lokal na kumpanya ng telepono sa exchange o ng iyong kumpanya ng long distance ang mga tawag na ito.

Nag-aalok ang ilang kumpanya ng telepono ng opsyonal na bundle ng lokal na serbisyo ng exchange at lokal na serbisyo ng toll para sa isahang buwanang bayad.

  • Pinalalawak ngPinalawak na Lokal na Serbisyo ng Exchange ang lugar sa pagtawag ng lokal na exchange at inaalis ang mga gastos sa lokal na toll. Gayunpaman, maaari mong makita ang pinalawak na lokal na serbisyo ng exchange bilang karagdagang singilin sa iyong bill ng telepono.

Karaniwang sinasaklaw ng mga nabanggit na serbisyo ang mga tawag sa loob ng estado, at karaniwang pinangangasiwaan ang mga ito ng komisyon sa pampublikong serbisyo ng iyong estado. Kung may problema kang kaugnay ng mga serbisyong ito, makikita mo ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa komisyon ng iyong estado sa www.naruc.org/about-naruc/regulatory-commissions/ (sa Ingles). Maaari ka ring makipag-ugnayan sa ahensya ng proteksyon ng consumer ng iyong estado, ang Better Business Bureau, o sa tanggapan ng pangunahing abogado ng estado upang matutunan ang tungkol sa mga proteksyon at remedyong magagamit mo bilang isang consumer. Makikita mo rin ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga organisasyong ito sa mga blue page o sa seksyon ng pamahalaan sa iyong directory ng lokal na telepono.

  • Kasama saSerbisyo ng Long Distance na Toll (interLATA) ang lahat ng tawag sa labas ng mga lugar ng lokal na serbisyo ng exchange at lokal na serbisyo ng toll, tawag na nagmumula sa isang LATA at nagwawakas sa iba pa, at internasyonal na tawag. Maaaring isagawa ang mga long-distance na toll na tawag sa pagitan ng dalawang LATA sa iisang estado, gaya ng tawag mula San Diego papuntang San Francisco, o sa pagitan ng mga LATA sa magkaibang estado. Kasama sa serbisyo ng long-distance na toll ang internasyonal na serbisyo (maliban sa Hawaii kung saan magkahiwalay ang internasyonal na serbisyo at serbisyo ng long distance).  Kapag kukuha ng serbisyo ng long-distance na toll, huwag kalimutang tanungin kung kasama ang mga internasyonal na tawag sa mga buwanang binabayarang plano ng pagtawag sa long-distance.

Pantay na Access

Nagbibigay-daan ang pantay na access sa mga subscriber ng telepono na pumili ng awtorisadong kumpanya o mga kumpanya ng telepono upang pangasiwaan ang kanilang mga lokal na toll at long-distance na toll na tawag (kabilang ang internasyonal) mula sa kanilang mga wireline na telepono.

Kung saan availabe ang pantay na access:

  • Maaaring pumili ang mga subscriber ng hiwalay na mga awtorisadong kumpanya ng telepono para sa bawat isa sa mga serbisyong ito o ng isang awtorisadong kumpanya ng telepono para sa pareho. Maaaring magsagawa ang mga subscriber ng mga lokal na toll at long distance na toll na tawag gamit ang kanilang mga awtorisadong kumpanya o mga kumpanya ng telepono sa pamamagitan ng pag-dial ng 1 (o ng 011 para sa mga internasyonal na tawag) na susundan ng naaangkop na code at numero ng telepono (na tinutukoy bilang pagkakapareho sa pag-dial).
  • Maaaring tumawag ang mga subscriber gamit ang ibang kumpanya ng telepono sa pamamagitan ng pag-dial ng code sa access na 1010XXX. Kinakatawan ng code sa access na 1010XXX ang format na code sa access ng carrier (carrier access code, CAC). Ginawang apat na digit ang tatlong digit na mga code sa pagkakakilanlan ng carrier (carrier identification code, CIC) sa pamamagitan ng pagdaragdag ng panimulang zero (0) upang ang "XXX" ay maging "0XXX.". Ang format na CAC para sa mga carrier na mayroong tatlong digit na CIC ay ang parehong pitong digit na format: "101-XXXX." Dahil magsisimula sa zero ang apat na digit na CIC ng mga carrier na mayroong tatlong digit na CIC, maaaring piliin ng ilan sa carrier na itong ipahayag ang pitong digit na CAC bilang "10-10-XXX" dahil naniniwala silang magiging mas madali para sa kanilang mga customer na maalala ang format na iyon. Walang kaibahan sa pagitan ng "101-XXXX" at "10-10-XXX.”
  • Maaaring baguhin anumang oras ng mga subscriber ang kanilang awtorisadong kumpanya o mga kumpanya ng telepono, ngunit maaari silang singilin kapag ginawa ito.

Kung isa kang subscriber sa hiwalay na carrier ng long-distance (ibig sabihin ay provider ng mga serbisyong long-distance na iba sa iyong lokal na kumpanya ng telepono) bago ang Disyembre 28, 2015, napanatili mo ang iyong pantay na access at pagkakapareho sa pag-dial para sa iyong kasalukuyang serbisyong long-distance. Gayunpaman, simula noong Disyembre 28, 2015, hindi na kinakailangan ng mga lokal na kumpanya ng telepono na magbigay ng pantay na access at pagkakapareho sa pag-dial para sa mga serbisyong long-distance sa mga bagong customer.  Dapat pa ring magbigay ng mga kumpanya ng wireline na telepono ng pantay na access at pagkakapareho sa pag-dial para sa mga lokal na toll na tawag. Hindi kinakailangan ng mga kumpanya ng wireless na telepono na magbigay ng pantay na access, at pumipili sila sa pangkalahatan ng awtorisadong kumpanya ng telepono para sa kanilang mga subscriber. Kung pinapayagan ng mga kumpanya ng wireless ang paggamit ng “pag-dial around” sa mga code ng access na 1010XXX, maaari nilang singilin ang kanilang mga customer sa pagsasagawa nito. 

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.