Ang Pambansang Programang Pamamahagi ng Kagamitan sa May Kapansanan sa Pandinig at Paningin ng FCC, na kilala rin bilang "iCanConnect," ay nagbibigay ng kinakailangang kagamitan upang gawing naa-access ang mga telekomunikasyon, advanced na telekomunikasyon, at ang Internet sa mga indibidwal na may mababang kita at may malubhang kapansanan sa parehong pandinig at paningin. Sineserbisyuhan ng programa ang mga kwalipikadong residente sa lahat ng 50 estado, sa District of Columbia, American Samoa, Guam, sa Northern Mariana Islands, Puerto Rico, at sa U.S. Virgin Islands. Bukod sa kagamitan, may available ding mga pagtataya ng mga partikular na pangangailangan sa pagiging naa-access, pagkakabit ng kagamitan, pagsasanay, at iba pang suportang-teknikal.

Sino ang kwalipikado?

Sino ang kwalipikado?

Kwalipikadong makatanggap ng kagamitan ang mga indibidwal na may kapansanan sa pandinig at paningin na mababa ang kita. Dapat magbigay ang mga aplikante ng pagpapatunay ng kanilang katayuang pagkakaroon ng mababang kita at pagkakaroon ng kapansanan sa pandinig at paningin.

Mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado ng taong may kapansanan sa pandinig at paningin – dapat ay may magkasamang kapansanan sa paningin at pandinig ang isang indibidwal, tulad ng inilalarawan sa susunod, na nagsasanhi ng labis na kahirapan sa paggawa nang mag-isa sa mga pang-araw-araw na gawain, pamumuhay sa kabila ng kapansanan, o pagkakaroon ng bokasyon.

Kapansanan sa paningin – pagkakaroon ng kahit isa sa mga sumusunod na kundisyon:

  • Central visual acuity na 20/200 o mas mababa sa mas maayos na mata kapag may suot na mga corrective lense;
  • Field defect kung saan ang peripheral diameter ng lawak ng natatanaw ay hindi lalampas sa 20 degree; o kaya
  • Isang progresibong kapansanan sa paningin na may prognosis na humahantong sa isa o sa parehong kundisyon na ito ng pagkabulag.

Kapansanan sa pandinig – pagkakaroon ng kahit isa sa mga sumusunod na kundisyon:

  • Pabalik-balik na problema sa pandinig na napakalubha kung kaya hindi nauunawaan ang karamihan ng sinasabi kahit na itodo ang lakas; o kaya
  • Isang progresibong kapansanan sa pandinig na may prognosis na humahantong sa kundisyon sa pagkabinging ito.

Ang mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado ng kita – na hindi hihigit sa 400% ng Mga Pederal na Alituntunin sa Kahirapan – ay nakasaad sa sumusunod na chart:

Mga Pederal na Alituntunin sa Kahirapan ng 2024
Bilang ng mga tao sa pamilya/sambahayan400% para sa lahat ng lugar,
maliban sa Alaska at Hawaii
400%
para sa Alaska
400%
para sa Hawaii
1$60,240$75,240$69,240
2$81,760$102,160$94,000
3$103,280$129,080$118,760
4$124,800$156,000$143,520
5$146,320$182,920$168,280
6$167,840$209,840$193,040
7$189,360$236,760$217,800
8$210,880$263,680$242,560
Para sa bawat karagdagang tao,
magdagdag ng
$21,520$26,920$24,760
Pinagkunan: Department of Health and Human Services ng U.S.(sa Ingles)

Uri ng available na kagamitan

Uri ng available na kagamitan

Ang ipinamamahaging kagamitan sa pamamagitan ng programa ay idinisenyo upang gawing naa-access ang mga sumusunod na serbisyo:

  • Voice communication sa pamamagitan ng mga wireline at wireless na telepono
  • Voice communication na nakadepende sa Internet
  • Email, text na pagmemensahe, at instant na pagmemensahe
  • Mga serbisyo ng interoperable na video conferencing
  • Access sa internet, kabilang ang mga serbisyo ng impormasyon

Ang kagamitan ay maaaring maging mainstream o espesyal na hardware, software, o mga aplikasyon at dapat ay natutugunan nito ang mga kinakailangan ng indibidwal na may kapansanan sa pandinig at paningin upang magkaroon ng access. Maaari ding magbigay ng mga warranty, pagmementina, at pagkukumpuni.

Maghanap ng Programang nasa iyong estado

Maghanap ng programa sa iyong estado

Upang maghanap ng certified na programa ng NDBEDP sa iyong estado, pumunta sa www.icanconnect.org/states (website na nasa wikang Ingle)1-800-825-4595. Maaari ka ring magpadala ng email - na nasa wikang Ingles - sa dro@fcc.gov o tumawag sa FCC:

  • Voice: 1-888-CALL-FCC (1-888-225-5322)
  • TTY: 1-888-TELL-FCC (1-888-835-5322)
  • Videophone: 1-844-432-2275

Paghahain ng reklamo

Paghahain ng reklamo

Maaari kang makipag-ugnayan sa Tanggapan para sa Mga Karapatan ng May Kapansanan (Disability Rights Office) ng FCC o maghain ng reklamo - sa wikang Ingles - kung naniniwala kang hindi sinunod ng certified na programa ng NDBEDP ang mga panuntunan ng FCC.

Kasama dapat sa reklamo ang sumusunod: iyong pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan; ang pangalan ng certified na programa ng NDBEDP; paglalarawan ng problema o isyu; paano mo gustong malutas ang problema o isyu; at ang iyong gustong anyo o paraan ng pagtugon, gaya sa pamamagitan ng sulat, fax, telepono, TTY, o email.

Maaari mong ipadala ang iyong reklamo - sa wikang Ingles - sa Disability Rights Office sa pamamagitan ng anumang pamamaraan, gaya sa pamamagitan ng sulat, fax, telepono, TTY, o email. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa Disability Rights Office kung kailangan mo ng tulong sa paghahain ng reklamo.

Disability Rights Office
Consumer and Governmental Affairs Bureau
Federal Communications Commission
45 L Street NE
Washington, DC 20554

Email: dro@fcc.gov
Telepono: 202-418-2517
TTY: 888-835-5322
Videophone: 844-432-2275
Fax: 202-418-0037

Ipapadala ng Disability Rights Office ang iyong reklamo sa certified na programa ng NDBEDP para sa pagtugon nito. Susuriin ng Disability Rights Office ang tugon at maaari itong makipag-ugnayan sa iyo at sa certified na programa ng NDBEDP. Ipababatid ng Disability Rights Office sa iyo at sa certified na programa ng NDBEDP ang pagpapasya nito sa iyong reklamo.

Kung hindi ka masiyahan sa pasya ng Disability Rights Office tungkol sa iyong reklamo, maaari kang maghain ng pormal na reklamo sa FCC alinsunod sa mga pamamaraan sa paghahain ng pormal na reklamo ng FCC.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.