Ang Pang-emerhensiyang Sistema ng Alerto ay isang pambansang pampublikong sistema ng babala na karaniwang ginagamit ng mga awtoridad ng estado o ng lokal sa paghahatid ng mahalagang pang-emerhensiyang impormasyon, tulad ng klima at mga AMBER na alerto, sa mga apektadong komunidad sa pamamagitan ng telebisyon at radyo. Ang mga kalahok sa Pang-emerhensiyang Sistema ng Alerto – mga brodkaster ng radyo at telebisyon, mga sistema ng cable, mga provider ng satellite na radyo at telebisyon, at mga provider ng wireline video – ay naghahatid ng mga alerto ng estado at lokal sa batayang boluntaryo, ngunit kinakailangan ang mga ito na maghatid ng mga alerto ng Presidente, na magbibigay daan sa Presidente na makausap ang publiko sa panahon ng pambansang emerhensiya.Ang Ahensiya ng Pangangasiwa ng Emerhensiya ng Pederal (The Federal Emergency Management Agency o FEMA) at ang FCC ay nagtutulungan upang mapanatili ang Pang-emerhensiyang Sistema ng Alerto at Mga Pang-emerhensiyang Wireless na Alerto (sa English), na siyang dalawang pangunahing bahagi ng pambansang pampublikong sistema ng babala. Ang mga awtorisadong awtoridad ng pederal, estado, and lokal ay lumilikha ng mga alerto na naihahatid sa pamamagitan ng sistema.
Ang karamihang ng mga alerto ng Pang-emerhensiyang Sistema ng Alerto ay nagmumula sa Pambansang Serbisyo sa Klima bilang tugon sa kaganapan ng malulubhang klima, ngunit ang isang dumaraming alerto ay ipinapadala ng mga awtoridad ng estado, lokal, teritoryo, at tribu.
Ang FEMA ay responsable para sa anumang pambansang-antas ng aktibasyon at mga pagsubok sa Pang-emerhensiyang Sistema ng Alerto.
Ano ang papel ng FCC sa Pang-emerhensiyang Sistema ng Alerto?
Ang pinagtibay ng FCC na mga pamantayan sa pagganap para sa mga kalahok sa Pang-emerhensiyang Sistema ng Alerto, mga pamamaraan na susundin ng mga kalahok sa kaganapan na gagana ang sistema, at mga kinakailangan sa pagsubok sa mga kalahok. Ang FCC ay hindi lumilikha o nagpapadala ng mga alerto.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.